A

2 0 0
                                        

And I'm scared...
2015
Sianna's PoV

"Hija, bakit nga pala wala ka pang nobyo?" Napangiti ako sa tanong ni Tita Janice sa'kin.

"Nako, tita. Wala pa po akong balak magka-boyfriend. Ang bata ko pa po." Nakangiti kong sabi.

Andito kami ngayon sa isang family reunion na ginanap sa bahay ng mga titas ko.

Ang bilis nga ng panahon, eh. Ngayon ko lang namalayan na magta-tatlong linggo na pala ang lumipas simula nang-ehem-hamunin ko yung babaerong CJ na'yon. Gwapo naman kasi talaga yung taong 'yon eh, kaya lang, sabi ng mga kaibigan ko, babaero 'yon. Saka, alam ko namang di nya magagawa yung isang buwan na walang girlfriend.

Pagkatapos nung 'scene' sa parking lot ay hindi ko na siya pinansin. Well, kahit naman dati hindi ko talaga siya pinapansin, pero ngayon, todo effort talaga akong magtago sa kanya.

Oo, kailangang magtago. Nakakatakot kasi na: (a.) baka mapatunayan nyang seryoso siya sa'kin, (b.) baka di ko mapigilang ma-inlove sa kanya, (c.) dahil ex sya ng kakilala ko na di ko naman masyadong kaclose, pero kahit na, nakakahiya padin 'yon.

At kahit na todo effort ako sa pagtatago, hindi ng feelings, kundi ng sarili ko ay nakikita nya padin ako. At sa tuwing nangyayari yon ay babatiin, kung minsan ay aabutan ng kung anu-ano. At sa tuwing nangyayari 'yon, ay daan-daang matatalim na titig ang natatanggap ko.

"Anak, lunch na tayo?" Aya ni mama. Tumango lang ako at sumunod sa kanya.

Nagkwentuhan, nagkumustahan, yung mga bata kong pinsa'y naglalaro, yung iba'y kumakain. 

Somehow, masaya na din ako kasi kahit once a year lang ay nakakapag-reunion kami.

Mabilis na tumakbo ang oras at namalayan kong papalubog na pala ang araw. Sabado ngayon at mag-oovernight kami dito sa bahay ng tita Janice ko sa Pampanga.

Bigla akong nakaramdam ng gutom. Buong maghapon kasi ay wala akong ginawa kundi magbasa ng libro, icheck ang facebook account ko, mag-eavesdrop sa mga pinagti-tsimisan ng iba ko pang kamag-anak, at tawagan si August, ang kaisa-isahang bestfriend ko.

"Ano? Papayagan mo na ba yung CJ mo na manligaw sa'yo?" Naalala kong tanong nya kanina nang tawagan ko siya.

Napaisip ako bigla. Nope, three week na yung lumilipas na wala siyang girlfriend. Pero, I'm sure, di tatagal, bibigay nadin 'yon.

"Gus, alam mo namang ayoko talaga sa love-love na 'yan, eh! Nakukulitan na lang talaga ako dun sa CJ na 'yon. Pero, sure ako di tatagal nang isang buwan 'yon."

"Eh, paano kung tumagal? I mean, walang imposible sa mundo, bru."

"Ah basta! Bahala na." Nakakunot kong sabi at tinapos na ang tawag.

Nang lumubog na tuluyan ang araw ay naramdaman kong may kumalabit sa 'kin.

Napangiti ako sa kanya.

"Angela, ikaw lang pala!" Bati ko sa kanya. Angela Faye Chang, pinsan ko. Hindi katulad ko na simple at puro pag-aaral, siya naman ay sopistikada, sexy, at sobrang sikat. Mula din siya sa eskwelahang pinapasukan ko pero First year college palang siya kaya di kami masyadong nagkikita.

"Kumusta, Sia?"

"Okay lang naman, ikaw?"

Umismid siya, "Well, okay lang din. May iku-kwento ako sayo!" Ngiti lang ang tinugon ko. "May boyfriend na ako!" Buong pagmamalaking salaysay nya. Ngumiti nalang din ako kahit na wala naman talaga akong interes sa buhay pag-ibig nya.

"And you know what? He's really handsome! As in sobrang gwapo!Actually he's from our school din, and I'm sure kilala mo siya." Tumango-tango ako.

"Ikaw? Kelan ka magkakaboyfriend?" Napaawang ng konti ang bibig ko.

"Ahm..." Hindi ko alam ang isasagot ko.

Umiling siya, "You know, Sia? You should try to date somebody. You're already 17, yet wala ka pang nagiging boyfriend?"

"Wala naman kasi akong balak magboyfriend. Masaya naman akong mag-isa."

Pasimpleng umirap at bumuntong-hininga si Angela. Parang sinasabi ng mga mata nito na, "Okay, fine! Bahala ka sa buhay mo."

Bumalot ang isang nakakabinging katahimikan sa aming dalawa. Kanina ko pa nga pinagdadasal na sana ay umalis na si Angela dahil naiilang na ako dito sa hindi ko malamang kadahilanan.

Biglang nagring ang cellphone nya dahilan para mag-excuse at lumayo siya sa 'kin ng konti. Pero, sapat paring ang espasyo sa pagitan namin para marinig ko ang pinag-uusapan nila.

Wala naman talaga akong balak makichismis at mag-eavesdrop, pero parang mga paa ko na mismo ang ayaw maglakad para makalayo sa pinsan ko.

"Yes, love. Uh-huh... By the way, andito ako sa reunion namin in Pampanga, but, I'll be back tomorrow morning... What? You're the one who'll pick me up here?... Sure! Sure! Of course payag ako... Sige, bukas, around 10am. Thanks love! Bye." Rinig na rinig ko ang mga sinabi ni Angela sa kausap nya dahil narin siguro sa may pagkamalakas ang boses nya.

Napabuntong hininga ako bago magpasyang pumunta na sa guest's room na tutuluyan namin.

Napahikab ako. Alas-syete palang ng gabi pero ramdam ko na ang antok dala rin siguro ng sobrang pagod sa reunion at byahe.

Pinikit ko ang mga mata ko. Nagpaubaya sa antok, ngunit biglang tumunog ang cellphone ko.

May tumatawag...

Unknown caller.

"H-hello?"

"Nasa'n ka?" Isang husky-ng boses ang sumalubong sa inaantok kong kaluluwa.

"Who's this?" Kahit na alam ko naman talaga kung sino ang nasa kabilang linya ay tinanong ko pa 'din, para na'rin may masabi ako.

"Yung lalaking papakasalan mo." Nagsalubong ang mga kilay ko, napatagilid ang pagkakahiga ko, at... Well, okay, aminin ko na. Nag-init ang mga pisngi ko.

"Sure ka talagang papakasalan kita? Di pa nga tayo, eh."

"Because you never want me to have the chance."

"Because you don't deserve the chance."

"Yes, I do."

"No, you don't." Pagmamatigas ko. Pero kahit na nagmamatigas ako ay hindi ko maiwasang mapangiti.

God, bakit ba kasi naging babaero pa 'tong lalaking ito dati? Di ko tuloy mapagkatiwalaan.

"So, asan ka nga ba talaga?"

"Why would I tell you?"

"Because I'm damn missing you already. I went to your condo, and you're not there. I went to your, well, bestfriend's house, yung August ba yon? Pero wala ka din. I want to see you right now, so I'm asking you, where the hell are you, Sianna?!" Literal na napanganga ako dahil sa mga sinabi nya. And, shit! Pati si August, dinamay nya.

"It's... None of your bussiness, CJ."

"Tsk. By the way, halos tatlong linggo na simula nung kasunduan natin. I just want to remind you." May halong determinasyon ang boses nya.

"Whatever, Joseph. As if naman tatagal ka pa ng isang araw na walang kalandian! Ikaw pa!"

"Kapag hiniling mo na huwag akong magka-girlfriend, kahit ilang buwan, taon man 'yan, gagawin ko. Basta para sa 'yo."

Hindi ko talaga alam kung: (a.) kailangan niya ng ire-rebound, (b.) may gusto siyang patunayan sa mga kabarkada nya o (c.) totoong seryoso siya.

And I'm scared to think that I might believe the letter "C."

Hearts can still be wrong (S)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon