S

2 0 0
                                    

Thank you heart...
2015
Sianna's PoV

"Miss Jimenez, eto nga o! Nakalagay na sa listahan ng mga nakapagbayad yung pangalan mo. Ang kulit mo naman e!" Habang turo ang isang folder ay sumisigaw na sa'kin itong si Mrs. Alvarez, ang head finance officer, dahil kanina pa ako nakikipagtalo sa kanya na hindi pa ako nakakapagbayad para sa field trip.

"Eh Ma'am, hindi pa nga po talaga. Baka po ibang tao 'yang Sianna-ng nakalagay dyan."

"Imposible 'yon! Ano 'yon, may kapangalan ko at kaapelyido at nasa iisang school lang kayo, ganon? Ikaw nga kasi 'yan. Bayad ka na sa field trip, baka nakalimutan mo lang."

Napabuntong hininga ako. Pilit kong inaalala kung nakapagbayad ba talaga ako nitong mga nakaraang araw pero hindi talaga. Ngayon pa nga lang ako nagwithdraw ng pera, eh.

Habang tahimik akong nag-iisip kung paano nangyaring nakasulat ang pangalan ko sa mga bayad na ay biglang nagsalita ulit si Mrs. Alvarez.

"Wait, I'll ask my staffs kung sino ang nagbayad ng field trip fee mo. Just by looking in your face, alam kong mababaliw ka na sa kaiisip kung bakit biglang bayad ka na dito. I'll go ahead, my dear." Isang ngiti ang tinugon ko sa kanya at nagpasalamat.

Dumiretso na ako sa next class ko ngayong hapon.

Magdadalawang linggo na ang nagdaan simula nu'ng tumawag sa akin si CJ.

Sa loob ng Dalawang linggo na 'yon ay hindi ko siya nakita sa school. Usap-usapan na mayro'n daw siyang emergency na pinuntahan sa probinsya.

Di ko tuloy maiwasang mamiss.

Oo, hanggang ngayon nagda-doubt pa din ako kung seryoso siya sa akin pero namimiss ko na talaga siya.

Namimiss ko yung pangungulit nya, yung pagseselos nya kay Gus, yung mga PMs nya. Lahat. Namimiss ko nang sobra.

Ganon pala talaga no? Yung kapag nasanay ka na sa isang bagay tapos bigla 'yong mawawala, mamimiss mo 'to.

Nang makapasok ako sa next class ko ay wala pang prof kaya nagpagdiskitahan kong maglaro sa cellphone ko.

Nang buksan ko ito ay nakita ko ang date ngayon.

Dec 14, 2015

Mahigit isang buwan na ang nakakalipas simula nang kasunduan namin ni CJ na kapag hindi siya nagkaroon ng girlfriend within a month ay papayagan ko na siyang ligawan ako.

At base sa mga nakalap kong impormasyon mula sa mga fans kuno nyo sa school ay hindi siya nagkaro'n ng girlfriend.

Napasinghap ako.

Sa totoo lang, gulong-gulo na ako.

At sa totoo lang din, gustong-gusto ko nang pumayag.

Pero, takot akong masaktan. Baka kasi kapag pumayag ako, do'n ko makita ang totoong CJ. Kapag minahal ko na siya, at kapag nahulog na ako sa kanya ay baka hindi nya ako saluhin.

Ayokong matulad sa nanay kong iniwan ni tatay. Ayokong maramdaman yung sakit na naramdaman nya.

Napahinto ang pag-iisip ko nang dumating na ang prof namin. Hindi ko na tuloy nalaro yung paborito kong game ngayon. Yamo na, mamaya nalang.

Mabagal na tumakbo ang oras dahil na rin siguro sa nakakaantok na discussion na pinagdaanan namin kanina.

Badtrip akong lumabas ng classroom dahil kahit na anong sinabi nung prof ko ay wala akong naalala.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Feb 23, 2016 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Hearts can still be wrong (S)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon