Of all the girls...
2015
Third Person's PoV"Sige na kasi, Sia. Payagan mo na akong manligaw." Hawak ang isang dosenang pulang rosas ay halos magmakaawa na si CJ na payagan syang manligaw ni Sianna Lee C. Jimenez, isang Second Year College Student. Maganda, singkit ang mga mata, matalino, ngunit kailanma'y hindi pa nagkakanobyo.
"Haaay nako, Joseph! Tumigil ka na nga! Hindi ako katulad ng ibang babae na mabubulag sa kagwapuhan mo. Wag ako, please lang." Tinaas pa ni Sia ang dalawang kamay upang ipahatid ang pag-ayaw.
Napabuntong-hininga si CJ. "Sia, nagbago na ako. Para sayo. Para sa'tin. Gusto kita. Gustong-gusto."
Umirap si Sia. "Ano ba, Joseph?! Kilala kita. Kilalang-kilala! Isa kang notorious heartbreaker, kaya hindi mo ako maloloko!"
Napasapo nalang si CJ sa noo. "Why don't you believe and give me a chance. Isang chance lang, Sianna. Kung wala, then wala. Just... Just please let me prove how special you are to me."
Hinawakan nya ang magkabilang braso ng dalaga habang nakatingin siya sa mga mata nito. "I may be a heartbreaker, casanova, playboy, or whatever-you-call it, but, I do have a heart, I do admire like any other boy does, and I think that I deserve to be loved by the person I love the most, right? And it's you, Sianna. Ikaw 'yon."
Hindi maiwasang mapanganga ni Sianna dahil sa mga pangyayari. Isipin palang nya ay parang may kung anong humahalukay sa sikmura nya. Like, ang playboy na si CJ Ramirez ay 'nagmamakaawa' sa kanya ngayon.
Pero hindi, tactics lang yan ng mga lalaki. Either para sa ego nila, o para maka-score.
"No." Mahina pero madiin ang pagkakasabi nya na sapat naman para marinig ng binata. Wala syang pakialam kung pinagtitinginan na sila ngayon ng mga taong nagdadaan sa hallway kung saan ando'n sila.
Akala nya ay bibitawan na ni CJ ang kanyang mga braso at aalis, ngunit bigla itong nagsalita nang kasing hina ng boses nya kanina.
"Paano ka mapa-'oo', Ms. Jimenez? Sabihin mo naman, oh?" Hindi nya alam kung maiinis o maawa sya sa binata.
'Grabe din ang determinasyon ng lalaking to, ah.' isip nya.
"Wala. Wala kang dapat gawin kasi hindi ako o-'oo'."
"Sia..." Napaiwas sya ng tingin nang subukan ulit ng binata na tignan sya sa mga mata.
"I like you. I like you, Sianna. Please. Please, just once." Hindi nya alam kung bakit pero biglang tumaas ang tingin nya papunta mismo sa mga mata ng binata.
Punung-puno ng sinseridad ang pagkakasabi ng binata na tila ba'y gusto nang pumayag ni Sia.
Napapikit sya ng mariin.
"Fine." Dumilat sya. "Kapag wala kang naging girlfriend o kahit ka-fling, o kalandian, after one month, mag-usap tayo. Baka sakaling payagan kita. Baka." At siya na mismo ang nagtanggal ng mga kamay ng binata na nakahawak padin sa braso nya at nagsimulang maglakad pabalik ng kanilang classroom.
Di maiwasang mapangiti ni CJ habang papuntang cafeteria kung saan nando'n ang kanyang mga kabarkada.
"Ano? Sinagot ka na?" Salubong agad ni Pierre sa kanya.
"Nope."
"Ha? Hindi ka na ata matinik sa chics ngayon, pare? Hahahaha." Kantyaw ni Marky.
"Shut up, Marky. Mas gwapo pa din ako sa inyong dalawa kaya wag kayong mayabang dyan!" Sabay upo at kuha ng chips sa mesa.
"Eh bakit ba kasi si Sia? I mean, okay, maganda sya, matalino, but-" pinutol na nya ang sasabihin ng kaibigan.

BINABASA MO ANG
Hearts can still be wrong (S)
Teen FictionSianna Lee Jimenez, a second year college student. In life, she considers that she has it all. But, there comes this "playboy" named CJ Ramirez who's strangely courting her. She knew CJ well and just like any other playboy does, she assumed that CJ...