T

1 0 0
                                    

If ever you need...
2015
Sianna's PoV

"You should let him express his love for you." Naalala kong sabi kanina ni DJ Pong sa Eula ba 'yon?

Napairap nalang ako sa isipan. "How can he express his love when there's nothing to be expressed in the first place?" Bulong ko.

"How can he express his love when you're not even willing to give him a chance to express it?" Nagulat at napatingin nalang ako kay CJ habang nagda-drive siya. Shit! Narinig pala nya yung bulong ko.

I smirked. "Shut up, Joseph!"

"Bakit ha? Natamaan ka ba?" Mula sa peripheral vision ko ay napapansin ko siyang sumusulyap-sulyap habang nagsasalita.

"Hindi no!" Defensive kong sabi.

"Fine." At nagkibit-balikat pa siya. Di na nga ako nagsalita pagkatapos no'n, baka mamaya ay kung sa'n pa mapunta ang usapan kaya mas pinili kong matulog. Nandito narin naman na kami sa NLEX kaya malapit-lapit na din kami.

Ipinikit ko ang mga mata ko at nagtangkang matulog.

Nagising na lamang ako sa isang hawak sa braso ko at sa tawag sa pangalan ko.

Napadilat ako. Andito na pala kami sa Q.C.

Hindi ko na kailangang ituro kay Cj ang daan papuntang condo ko dahil nga ayon sa sinabi niya dati ay nakapunta na siya do'n.

Pagkatapos lang ng kulang kalahating oras ay nakarating na kami sa parking lot ng condominium.

Nagbilang ako ng 1-2-3 bago buksan ang pinto ngunit,

"Wait lang!" Narinig kong sigaw ni CJ na siya namang kinagulat ko. Hindi ko tuloy nabuksan ang pintuan ng kotse.

"Here..." Napalingon ako sa kamay nyang may hawak na kapirasong papel.

"Here's my other number. You're only the one who know this number. Call me if ever you need a lover, driver, cook, tutor, friend, or even a slave..." Napatingin siya sa mga mata ko. "Believe me, Sianna. I really do love you..." Bago pa man magsink-in sa'kin ang mga sinabi niya ay lumabas siya at binuksan ang pintuan sa tabi ko.

Hindi ko na hinintay na makapagsalita ulit siya kaya lumabas ako agad at dumiretso sa elevator. Baka kasi kapag nagsalita ulit siya ay mabaliw na talaga ako sa mga sinasabi niya.

Napailing nalang ako habang nasa loob ng elevator. Nakaramdam ulit ako ng antok. Haay, maaga pa nga pala ang klase ko bukas.

Nang nakapasok ako sa unit ko ay agad akong nagbihis at dumiretso sa kama. Hindi naman na ako gutom dahil nagdrive-thru kami kanina.

Nagising ako dahil na din sa alarm ng alarm clock ko. 6:00am na.

Agad kong tinawagan si Nanay at kinumusta. Okay naman daw siya at nagcheck-in nalang daw siya sa isang hotel dun. Napanatag naman ang kalooban ko.

Pagkatapos naming mag-usap ni Nanay ay agad akong naligo.

Mabilis lang akong naligo at nagsuot ng uniform nang may marinig akong nagdoorbell.

Sino kaya yun?

Habang inaayos ang pencil cut skirt ko ay binuksan ko ang pinto.

Napatigil ako sa nakita ko.

"Ano 'yan?" Nakataas ang kilay kong tanong.

Habang hawak ang isang kapirasong papel na kung saan siguro'y nakalagay ang orders at pangalan ng umorder ay nagsalita siya.

Hearts can still be wrong (S)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon