Let him...
2015
Sianna's PoVNagising ako dahil na rin sa sikat ng araw. Tinignan ko ang alarm clock na nasa bedside table ko. 9:30 na pala.
Tinanghali ako ng gising, dahil na rin siguro sa kadahilanang madaling araw na ako nakatulog dahil sa CJ na'yun. Masyadong ginugulo ang utak ko!
"Sianna, anak? Gising ka na ba? Tara? Breakfast na tayo." Napatingin ako sa saradong pinto kung saan kumakatok si Nanay.
"Sige, nay. Sunod na ho ako." Dali-dali akong bumangon, naghilamos, nagsuot ng simpleng white shorts at black polo shirt. Ngayong gabi na 'din kasi ang uwi namin pa-Maynila.
Pagkatapos ng higit kalahating oras ay lumabas na ako sa kwarto ko.
Nasa hallway palang ako papuntang dining area ay narinig ko na ang usapan nila.
"Ay! Kay gwapo namang bata nire!" Boses siguro ni Tita Janice 'yon.
"Bagay kayong dalawa! Bagay na bagay!" Ani Nanay.
"Nako, titas. Talagang bagay kami. Pareho kaming campus crushes sa university namin." Sabat naman ni Angela. Bigla kong naisip, siguro 'yan na yung sinasabi ni Angela na boyfriend na ayon sa kanya ay "sobrang gwapo".
Pero, syempre, wala naman akong interes sa lovelife nya kaya't normal akong nagpatuloy sa paglalakad papuntang dining area.
Habang kinakaskas ng dalawa kong kamay ay mga mata ko ay binati ako ni Hiro, nakababata kong pinsan.
"Hi din, Hiro!" Bati ko din sa kanya.
"Ate, nakita mo na po ba yung boyfriend ni Ate Angela sa kusina?" Umiling ako.
Si Hiro na mismo ang nanghila sa 'kin palapit ng kusina. "Tara po! Tignan niyo po yung lalaki!" Tumango lang ako at nagpahila sa batang makulit na 'to.
Nakarating na kami sa kusina at nakita ko na ang sinasabi nilang lalaki...
I murmured his name out of shock.
Shit! Seryoso ba 'to? Siya talaga yung... OMFG. Nagpapanic ang sistema ko. Di ko maiwasang makaramdam ng galit.
"Sia..." Ngumiti siya sa 'kin pero di ko siya nginitian pabalik.
No, this can't be happening. Seriously? Si Pierre Samonte? Na katulad ni CJ ay isang ding playboy. At parang hindi alam 'yon ng pinsan ko na 'to?! Tss. Lolokohin lang siya nyan!
"Ehem. Sianna, this is Pierre. Boyfriend ko."
"Pierre..." I murmured again. Kinikilatis siya mula ulo hanggang paa.
"Kumusta?" Tanong niya.
Ngumiti ako ng pilit. "Okay lang." Hindi ko na tinanong kung kumusta siya dahil wala din naman akong pakialam.
Umupo na ako sa upuan katabi ng upuan ni Nanay.
"Ahm, Titas and Titos, uwi na po kami. Salamat po sa pag-accommodate sa 'kin kahit wala sila Mommy. Bye po!" All of my titas and titos said their goodbyes para sa dalawa. Ako lang ang hindi.
Para saan pa? Of all people na mamahalin ng pinsan ko, yung babaerong Pierre pa na 'yon. And to think na sikat naman sa campus si Angela.
Napasibangot ako habang kinakain ang bacon and egg sandwich na ako mismo ang gumawa.
Natapos kaming kumain, yung ibang relatives namin ay nagsi-uwian na at tanging kami nalang ni Nanay ang natira.
Matagal nang hiwalay ang nanay at tatay ko, iisang anak lang ako, kaya sa bahay, kami lang ni Nanay ang naro'n. Hindi naman kami hirap sa pera dahil may ekta-ektarya kaming sakahan sa probinsya kaya malaki din ang kinikita namin at kayang tustusan ang tuition ko sa isang exclusive school.
BINABASA MO ANG
Hearts can still be wrong (S)
Teen FictionSianna Lee Jimenez, a second year college student. In life, she considers that she has it all. But, there comes this "playboy" named CJ Ramirez who's strangely courting her. She knew CJ well and just like any other playboy does, she assumed that CJ...