2 Out of 10 is a dog's tale. Isa itong kwento na hango sa totoong pangyayari sa buhay. Hindi nga lang sakto ang bawat pangyayari, ang iba ay galing sa sarili kong isip, ngunit ang tampok na bahagi nito ay totoo. Inilahad ko ang istoryang ito sa point of view (POV) nung alagang aso. Mayroon din namang parts na POV ng author at ng umampon sa aso. Nainspire kasi ako at naisip ko,...
What if, nakapagsasalita ang mga aso?
What if, kaya nilang sabihin sa tao kung ano ang nararamdaman nila?
Basahin ang istorya nitong ukol sa totoong pangyayari kay Bruce, a dog that once was loved, once had a bestfriend and a home, that lived for only two years out of the ten years na lifespan ng mga aso, na kung more than ten years, ay mapalad na sila.
It's a heartbreaking story... Lalo na sa pet lovers, at mahilig sa mga aso...
Ikaw na nagbabasa ngayon...
Reader, isipin mo sandali bago mo ituloy ang pagbabasa.
What is the most known description of a dog?
"A Man's Bestfriend" ,... hindi'ba?
BRUCE'S POV
(The Dog protagonist)
Hindi ko na matandaan kung kailan ako unang nagkaisip.
Basta ngayon, naiintindihan ko ang nangyayari. Inuunahan ako ng mga kapatid ko sa pagsuso sa nanay namin! Hindi pa naman ako ganoon kalakas at kalaki para hawiin silang lahat at unahan sa pagsuso sa nanay namin. Nagugutom nako...
Ayun! Bakanteng suso! Agad akong gumapang papunta doon at sa wakas, nakainom na din ako ng gatas.
Habang binubusog ko ang aking sarili ay biglang may kumuha sa akin, at binuhat ako. Isang malaking nilalang.
"Ay ito nalang ma! Ang cute! Mabalbon siguro itong puting aso na ito pag lumaki!!" Sabi niya.
Sino kaya ito at anong ginagawa niya? Sumususo ako at umiinom ng gatas tapos bigla akong bubuhatin?
Nagulat nalang ako nang bigla akong inilagay sa isang kahon. Hala. Bakit kaya? Umiyak ako ng umiyak at sinusubukang kalkalin ang sahig. Bakit nilagay nila ako dito?
Nahihilo din ako kasi paalog alog itong kinalalagyan ko tapos kulob pa at walang hangin. Mainit...
Mamaya pa'y naramdaman kong inilapag na ako at bumukas ang kahon. Binuhat ako ng isang tao na may mahabang buhok.
"Lei. Dahan-dahan sa pagbuhat kay Bruce, puppy palang yan!" Ano raw? Lei? Si Lei siguro itong bumuhat sa akin palabas ng karton. Inilapag niya ako sa sahig.
Sa wakas nakalabas na din ako!
Kumahol ako bilang pasasalamat. Iwinagayway ko ang buntot ko, nilapitan ko si Lei at Dinilaan ang kaniyang kamay na humihimas sa ulo ko.
Simula ngayon, siya na ang amo ko, si Lei. Utang ko sa kaniya ang buhay ko kasi nakalabas ako sa kahon dahil sa kaniya.
Patuloy niya akong hinimas, tumatawa siya at tuwang-tuwa sa akin. Mamaya pa ay may lumapit na isang matandang nilalang na maikli ang buhok.
Nagsalita si Lei. "Mama. Bruce na po ba talaga ang pangalan niya?"
"Oo Lei. Bruce na." Ngumiti naman yung mama kung tawagin ni Lei. Hinimas din ako ni Mama. Dinilaan ko naman ang kaniyang kamay at ang saya ko dahil ako ay kaniyang hinahawakan.
BINABASA MO ANG
Cuento
Chick-LitGaano kamakapangyarihan ang isang kwento sa buhay ng isang tao? Hindi ba't naiimpluwensyahan nito ang pananalita mo? Maging ang pag-iisip at pananaw mo? May mga kwento na tila ba dinadala ka sa ibang mundo sa bawat salitang nababasa mo. Bakit hindi...