A-B-C-D-E

29 1 0
                                    


Uso ngayon ang may syota kahit na nagaaral palang.

Marami nga eh highschool nang magsimulang humarot. Kapag nasaktan, sasabihin, "walang forever" daw. E malamang masasaktan ka talaga, nagmahal ka sa maling pagkakataon eh.

Ganyan din ang nangyari sa akin, kaya ngayon kolehiyo na ako ay tyaka ko nakita at narealize na ang pangit sa isang estudyante ang may boyfriend maski sabihin mong college ka na na nasa 18 o 19 years old ka. My name is Eliz.

"To court is to marry." Ika nga nila.

Totoo ito. Huwag kang manliligaw kung wala ka pa naman balak asawahin yung liligawan mo.

Ang lungkot isipin na iba na kasi ang tingin ng mga tao ngayon sa panliligaw. Porke crush nya, porke maganda, e liligawan na!

Kapag nasaktan, magbibitter bitter. Huhugot. Sasabihin 'walang forever'. Naman guys di'ba? -_-

Itong kwento ko sainyo, ay tungkol saming magkakaibigan na sabay sabay lumandi, at sabay-sabay ding iniwan.

Nakakatuwa kasi iba iba yung naging dulot o epekto ng break up sa amin, kahit na pare-parehas kaming mga masayahin at mababait na bata noong bago kami nag boyfriend.




MARCH 31, 2016

Nagtataka ako...

Bakit sabay sabay kaming iniwan ng mga boyfriend namin?

Ako si Elizabeth. Eliz ang tawag nila sakin... Ang mga kasa-kasama kong super close friends sa department namin na si Ara, Bliss, Cynthia, at Diane ay sabay-sabay na broken hearted.

Wala kaming eksplanasyon na natanggap mula sa mga boyfriend namin. As in sabi lang, nakakapagod na raw, sabay iniwan kami sa ere.

Hindi na nagtext, nagreply, kapag nilalapitan namin sila sa personal, hindi kami pinapansin... Nilalayasan kami.

Sa bagay, inexpect na rin namin na hahantong sa hiwalayan ang mga relasyon namin. Mga naging cold rin kasi sila. Nung umpisa ang sweet, ma-effort, parang hindi sila mabubuhay nang di ka makakasama o makakausap man lang sa isang araw.

Pagkatapos ng 1 taon. Nang lamig na. Palibhasa February nung panahong yun! (Last year lang nitong February. March na ngayon. Palibhasa taglamig parin. Mahangin...) Sumambay sa klima. Ngayong March na, eh tanggap ko na at naka-move on na ako.

2nd semester na rin ng Huling Taon namin sa programang Mass Communication. Masyado na kaming madaming ginagawa para atupagin ko pa ang EX ko. Pero sina Ara, hindi pa nakakamove-on...

Naiintindihan ko naman sila.

Nung nakaraang buwan lang naganap yung hiwalayan, at alam niyo ba kung anong sinabi nila?

Napag-usapan lang daw nila at napag tripan na pasagutin kami.

Grabe no?

Magkakatropa kasi sila, the same as kung paano kami magkakatropa.

Kami kasi yung pinaka kilalang matino, masisipag, at mga inosenteng grupo ng mga babae dito sa university. At yung grupo naman nila yung pinaka mga pogi, mga astig, basketbolista, at mga matitinik sa babae.

Akalain mo, nahulog kaming lima sa bitag nila? -_-

Lunes na lunes ng umaga...

Ako ang unang dumating sa room 603. Sumunod sa akin si Diane. "Good morning Diane." Bati ko sa kaniya.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Apr 20, 2016 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

CuentoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon