The Secret Beginning

68 1 0
                                    

"Bea..."  Pagtawag ko sa nag-iisang anak namin ng asawa kong si Bethina.




"Yes Daddy?" Naghahapunan kami ngayong pamilya... Tatlo lang kami.



Pinagsasaluhan namin ang ulam na sinigang na may mainit na sabaw sa gitna ng malamig at maulang panahon.





"May ikekwento ako sa'yo..." Sagot ko sa anak ko.




"Ano na namang kalokohan 'yan Babe?" Singit ni misis sabay higot sa sabaw.




Ngumiti lang ako  at nagsimula sa pagkekwento.

"Isang gabi, naglalakad si daddy sa isang street habang umuulan... Nakapayong ako. Tapos may nakasalubong akong isang babae na naka wedding gown. Nagpapaulan siya."





"Hala daddy. Bakit siya nagpapaulan?" Malungkot na tanong ng 9 years old kong anak.






"Hindi ko rin alam eh. Si daddy mo kasi nak, mahiyain... Kaya hindi ko nilapitan yung babae. Sinundan ko siya. Umupo siya sa isang malaking bato sa gilid ng isang soccer field.




Nasa kabilang dulo lang ako ng soccer field... Nakamasid sa kaniya...





Pero ang ganda nung babae, anak. Siya na ang pinaka magandang babae na nakita ko."




Nabilaukan naman ang asawa kong si Bethina. "Ahhhh. Talaga?" Sarcastic at matigas na sabi ng asawa ko. Natawa naman ng bahagya ang anak ko.




"Nang magtagal ay tumayo siya sa kinauupuan niyang bato tapos umupo siya sa bench na kalapit nito." Pagpapatuloy ko.




"Habang umuulan daddy naka wedding gown siya? Tapos umuulan at wala siyang payong? Kawawa naman siya daddy, mag-isa pa siya. Bakit ganun daddy?" Pag uusisa ng anak ko.

CuentoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon