Beyond The Grave

31 1 0
                                    

PROLOGUE

Konting tiis nalang...



Malapit na akong mapunta sa legal age. Dalawang buwan nalang. Papayagan na ako ni mommy na mag boyfriend.



Ilang lalaki na rin ang nagmahal sa akin...


Pero ni isa sa kanila, wala akong sinagot. Wala akong naging boyfriend dahil sa pagiingat ko sa utos ni Mommy. "Huwag kang magboboyfriend anak hangga't wala ka pa sa tamang edad ha." At isa pa, wala naman akong mapusuan sa kanila.


Yung iba kasi pakitang tao lang...


Yung iba sa salita lang magaling, pero sa effort wala naman.


Yung iba parang bakla naman...


Yung iba, sa sobrang manly ay hindi ko mareach yung pride sa sobrang taas... Di mo malaman kung nang liligaw nga ba siya o ako yung nangliligaw eh.


At madalas sa kanila, sa umpisa lang sweet tapos pag nagtagal, nananawa na. Ang bilis sumuko. Ang bilis manlamig.


Asan na kaya yung taong para sa akin?

Nasaan na kaya yung lalaking mamahalin ko?

Ako nga pala si Mia. NBSB. Maganda naman daw ako, pero nagtataka sila bakit daw wala pa akong nagiging boyfriend. Juice colored naman! Seventeen palang ako. Dalawang buwan pa bago ako mag eighteen. Tyaka ayokong magboyfriend. Wala akong balak. Pare-parehas lang kasi ang mga lalaki.

Sa umpisa lang magaling...

Pag nangliligaw sobra kung manuyo kulang nalang halikan paa mo, pero pag naging kayo na, eh mas nagiging malamig pa sa yelong nagyeyelo. -_- hindi ko pa naman siya naexperience pero nakikita ko kasi ito sa mga kaklase ko.

Nakatira kami dito sa Baguio. We just transferred from Manila at napaka laking adjustment nito sakin, kasi dito, wala masyadong sasakyan... Malamig ang klima... Medyo madilim sa ibang kalye at sobrang dami ng halaman. Masarap sana maglakad lakad sa gabi kaso delikado daw sabi ni Mommy.

Four months na rin kami dito at nag aaral ako sa Baguio National University as a freshman. Sa paguumpisa ng apat na buwan ko dito ay masaya naman. Puwera na nga lang sa bahay dahil nandito parin syempre ang step-dad kong si Tito Fred.

I really hate him. He's the reason why my family is broken. Ginayuma niya ang nanay ko kaya niya iniwan si Daddy at sumama kay tito Fred.

Kaya uhaw na uhaw ako sa pagmamahal ng isang Ama eh...

Sana makatagpo na ako ng lalaking magmamahal sa akin na para bang ako yung pinaka mahalagang babae sa kaniya. Yung tipong handang gawin ang lahat huwag lang kaming magkahiwalay...

Yung kahit na nasa kabilang buhay na siya, eh ako parin yung mahal niya...

May lalaki kayang ganun?

Grace's POV

"Grace, dito daw tayo magkikita kita eh. Pasok na kaya tayo?" Nagbibiro ba itong si Miriam? Eh parang wala namang tao sa loob eh. Mukha kayang haunted house 'tong bahay na kinakatok namin kanina pa. Wala ngang mga tao sa loob pero may ilaw, puno ito ng kandila.

CuentoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon