Naranasan mo na ba yung kung kailan kailangan mo ang isang bagay tyaka nawawala?
Halimbawa, kung kailan malelate kna, tyaka nawawala yung wallet mo tas di ka makaalis.
Kung kailan kailangan mo ng ballpen, tyaka mo hindi mahanap.
Kung kailan exam na mawawala libro mo, o kaya yung reviewer na pinaghirapan mo.
O di kaya, sa lahat ng pwedeng mawala, yung importanteng bagay pa yung mawawala, katulad ng resibo, registration form, waiver, birth certificate, lisensya mo, at iba pang bagay na pinaghirapan mong makuha, yung iba pang mga bagay na mahalaga sa'yo na kung kailan mo kailangan tyaka hindi mo makita.
Tapos kung kailan hindi mo na kailangan, o kaya kapag mayroon ka nang bago o ipinalit sa bagay na yon, tyaka mo mahahanap.
Kung kailan tapos na, tyaka mo makikita kung saan mo pala nailagay.
Nakakainis yung ganun no?
Ako nga pala si Picka. Isang napaka makakalimuting nilalang. Hindi ko na rin alam kung makakalimutin ba ako, burara ba ako, o sadyang bobo lang. -_-
Ngayon, basahin niyo sana at pagtyagaan ang maikling storyang ito na nagpabago sa alam ko na "Lahat naman ng bagay na minamahal ay nawawala."
Makikita niyo rin dito na hindi tayo mapipigilan ng kapintasan natin para magkaroon tayo ng isang bagay na kailanman, hindi na natin maiwawala.
Picka's POV
Makalat na naman yung kwarto ko.
Lahat ng damit ko sa cabinet naka labas sa may kama. Yung mga libro sa shelf nagkalat sa sahig. Habang ako naman, pawis na pawis na naghahalungkat dito sa mga kahong nakaimbak sa ilalim ng kama ko.
Nasaan na yuuuuuunnn?!

BINABASA MO ANG
Cuento
ChickLitGaano kamakapangyarihan ang isang kwento sa buhay ng isang tao? Hindi ba't naiimpluwensyahan nito ang pananalita mo? Maging ang pag-iisip at pananaw mo? May mga kwento na tila ba dinadala ka sa ibang mundo sa bawat salitang nababasa mo. Bakit hindi...