Nakahiga ako sa grass field...
Masarap ang simoy ng hangin...
Yung amoy ng mga mahahalimuyak na bulaklak, laganap sa paligid.
Ang init ng sikat ng araw.
Haaaayyyy... Sana nakikita ko ang ganda ng paligid.
Ako nga pala si Shin.
Isang bente anyos na dalaga, isang bulag: hindi nakakakita. Nabulag ako mula sa isang car accident nung 7 years old ako. Mabuti nalang at kasama ko ang kababata kong si Carl. Pinsan ko siya... Well, actually parang hindi na kami magpinsan kasi ang layo na ng relasyon namin kumbaga, parang anak siya ng pinsan ng tito ko na kapatid ni mama na apo ng lola ng tita ni mama na kapatid ng pamangkin ng tita niya na inaanak ng biyanan ng hipag ni tiya. Parang ganyan! Basta ang layo na.
Kapag may nagtatanong kung magkaano-ano kami, mag CaShin ang sinasagot namin. Pero magcousin (magpinsan) yun. Hindi kami magpinsan. Sadyang pinaghalo lang namin pangalan namin. XD
Lagi kaming magkasama. Ginagabayan niya ako... Nung car accident kasi ay namatay ang nanay, tatay, at 3 pang kapatid ko. Swerte na nga lang na nabuhay pa ako, nabulag nga lang.
Mula noon ay nakitira ako sa kanila kasama ang mama niya na walang ibang alam kundi maliitin ako. Si Carl ang laging nagtatanggol sa akin.
May mga pagkakataon pa ngang hinahampas ako ng tubo, sasalagin ni Carl. Ayaw daw kasi niyang saktan o di kaya'y bastusin ang nanay niya kaya ang pagsalag nalang sa hampas ang ginagawa niya.
Sinasabi niyang okay lang raw siya pero kapag hinahawakan ko ang braso, ulo, o likod niya (kung saan siya tinamaan) ay alam kong nagpipigil siya ng pag-aray. Minsan nga may dugo pa akong nakakapa.
May mga pagkakataon pang nasasabihan akong walang silbi at pinapaso ng plantsa. Ganun parin... Si Carl parin ang sumasalag.
Dati, nagsubok akong mag laslas. Mabuti nalang at bulag ako. Hindi ko mahanap yung kutsilyo XD
* ISANG TAON ANG NAKALIPAS *
"Carl. Kinakabahan ako." Hinawakan niya ang kamay ko.
"Kaya mo 'yan! Isipin mo, pagkatapos ng operasyong ito, makakakita ka na. Tyaka malalaman mo na yung malaking surpresang sinasabi ko sayo."

BINABASA MO ANG
Cuento
ChickLitGaano kamakapangyarihan ang isang kwento sa buhay ng isang tao? Hindi ba't naiimpluwensyahan nito ang pananalita mo? Maging ang pag-iisip at pananaw mo? May mga kwento na tila ba dinadala ka sa ibang mundo sa bawat salitang nababasa mo. Bakit hindi...