Kabanata 2

4.6K 96 0
                                    

Alysandra M. Talavera

We stroll around in manila. Dito lang kami nag stay kasi kailangan pa namin bumalik sa mga trabaho namin agad. Tatlong araw lang ang 'honeymoon' namin.

Mula kami sa probinsya pero hindi iba sa akin ang manila dahil kapag may seminar ang mga psychiatrist na katulad ko ay madalas sa manila ginaganap.

Nagpunta kami sa piazza sa taguig at napakaganda doon! para akong nasa italy kahit na hindi naman.

Sumandal ako sa bridge at tinignan ang view breath taking. "Look at this..." Inayos ko ang buhok ko at tinignan ang phone ni Isaac na nakalahad sa harap ko. It was a picture of me, nakatalikod, dinadama ang view sa piazza.

Ngumiti ako. "Ang ganda ng pagkakakuha." puri ko sakanya. Tinago niya ang phone niya sa bulsa at tumingin din sa view. "I like you." dahan dahan na amin niya. "I like you too." ganting sagot ko sakanya.

It's true I like him. He's handsome, kind, everything, almost a perfect guy. "Really! I like you Aly." aniya. Umiling ako at ngumiti. I'll get used to it. Alysandra M. Talavera! Ayun ang kilala niyang ako.

"Tara na nga!" aya ko sakanya at nauna ng maglakad palayo. Sumunod siya sa akin. "Aly! Totoo nga." pag pilit niya. Hindi ko na lang siya pinansin.

---

"Hello? Belle! Kamusta?" nakilala ko agad ang boses ng nasa kabilang linya. "Okay lang! ikaw?"

I heard her sigh. "Buti naman! Kapag hindi ka okay sisisihin ko ang sarili ko." aniya. Nag usap pa kami ng matagal bago nagkapaalaman sa isa't-isa.

"Aly..." napatingin ako kay Isaac na lumabas galing banyo, nagpupunas siya ng paa sa basahan. "Aly, saan tayo kakain?"

"Sa labas na lang. May mga restaurant naman sa baba." sabi ko sakanya.

Sa totoo lang hindi ko alam kung anong set up meron kami. Okay we're trying to get this marriage work kapag hindi nag work? titigil na kami?

Lumabas ako ng sasakyan at ganon din ang ginawa ni Isaac. Pumunta siya sa bandang likod ng sasakyan at binuksan ang compartment. Nilabas niya ang maleta namin at inakyan sa bahay na binigay ng magulang niya at magulang ni Aly, regalo daw ito sa kasal.

This is big kumpara sa bahay na nakalakihan ko.

Pinauna ko si Isaac at binuksan niya ang pintuan. Hindi ko maiwasan ang hindi mamangha dahil sa laki at ganda ng mga muwebles na ginamit dito.

Inakyat niya ang maleta namin at sinundan ko lang siya. Ipinasok niya iyon sa isang malaking kwarto. Everything is white mix with gold . The bed sheets screaming purity. Every details of this room was elegant halatang sa may pangalan ipinagawa.

"Pupunta na ang tatlong kasambahay na kinuha ko dito before lunch. May pasok pa ako sa trabaho kaya maiiwan ka munang mag isa saglit." Aniya habang naglalakad papunta sa isang pintuan.

"Nope. May pasok din ako." Wika ko.

"Pasok? Saan?" Nakakunot ang noo niya.

"Im a Psychiatrist. So, sa hospital ang pasok." Sagot ko sa tanong niya at nilapitan ang maleta ko bago kinuha ang gamit na kakailanganin ko para sa pagpasok.

"Okay.. hahatid na kita?" Aniya pero umiling ako. "I have my car. Pinadala ko na dito. Parating na iyon." Wika ko pa at lumabas ng kwarto na iyon para maghanap ng banyo sa mga guest rooms.

Nasa aktong nagbibihis na ako ng may kumatok mula sa labas ng pintuan.

"Aly, Pasok na ako. Wala pa yung sasakyan mo. Sure kang ayaw mong magpahatid?"

Wala pa? I check my phone at nabasa ko ang text ng inutusan ko mula sa bahay ko para dalhin ang sasakyan ko dito. Ang nasa message ay mamayang hapon pa daw niya madadala kasi nagka emergency sa bahay nila kaya kinailangan niya pang dumaan doon.

"Aly?" Rinig kong tawag ni Isaac mula sa labas ng pintuan.

Lumapit ako doon at dinungaw ang ulo ko. Sobrang lapit niya sa akin at amoy na amoy ko ang mamahalin niyang pabango! God! Bakit?

Nangingisay na ang ilang parteng kilig sa katawan ko. Pero pinilit kong umaktong kalma.

"Sasabay na ako. Just wait me downstairs.. bihis lang ako." Wika ko at mabilis na bumalik sa loob. Dagli dagli akong nagbihis at pilit na winawaksi ang mabangong amoy ni Isaac.

Paglabas ko ng pinto ay nagulat ako dahil nakatayo pa si Isaac sa tapat ng kwarto. Ang isang kamay ay nasa loob ng bulsa. Ngumiti siya sa akin. Ngiting bilang psychiatrist alam kong may binabalak at itinatago.

"Bakit nandiyan ka? Sabi ko sa baba na e!"

"Sa baba o sa taas parehas lang na maghihintay ako." Sagot niya at sabay na kaming naglakad pababa ng hagdan. 

----

Nagloloko phone ko kaya hindi aki gaanong makapag update.

-Myka

Replica #Wattys2016Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon