Simangot
Tunog ng kubyertos lamang ang maririnig sa hapag. Kahit sino sa amin ni Isaac ay walang nagsasalita. Sinulyapan ko siya, mataman siyang kumakain binaling ko ang tingin ko sa baso ng tubig at uminom doon.
Isaac cleared his throat kaya napatingin ako sakanya. Binaba ko ang baso ng tubig at binalik ko ang tingin ko kay Isaac.
"Aly, Saturday bukas... pupunta ba tayo kila mama bukas?" Tanong niya at bigla kong naalala ang pangako ko sa magulang niya.
Tumango ako sa tanong niya at napakunot ang noo ko ng makita ang pagtaas ng sulok ng labi niya.
"Pero after lunch na siguro tayo pumunta. May gagawin pa ako sa hospital saglit." Dagdag ko pa at tinuloy na ang pagkain.
"Okay... maghanda ka na lang ng damit mo tapos daanan na lang kita sa hospital." Aniya. Bahagyang bumilis ang pintig ng puso ko. Hindi siya pwedeng pumunta sa hospital malalaman niya ang tinatago ko.
"Huwag na! Mabilis lang ako sa hospital. Magkita na lang tayo sa mall at doon na lang mag lunch." Wika ko at sumulyap sakanya saglit at pinagpatuloy ang pagkain ko.
"Sige. Tatawagan na lang kita. Sinave ko pala ang number ko sa phone mo." Aniya. Tumango tango lang ako.
Pagkatapos kumain ay umakyat na ako sa kwarto. Nakahiga na si Isaac sa kama at naglalaro sa phone niya. Tumabi ako sakanya at sinilip ang nilalaro niya.
"Alam mo... nagtataka na ako sayo. Ano bang trabaho mo at parang petiks petiks ka lang?" Tanong ko sakanya.
Pinindot niya ang home sa phone niya at nilapag iyon sa bedside table.
"Sa wakas! Naging interesado ka din sa akin." Naglaro ang kakaibang ngiti sa labi niya. Umiling lamang ako.
"CEO ako ng company namin." Aniya. "Kaya ako lagi ang may hawak ng oras ko." Dagdag pa niya. "Minsan dadalhin kita sa company." Aniya."Anong gagawin ko doon? Ayoko!" Apila ko.
"Ililibot kita doon at para makilala ng mga staff ko ang asawa ko." Aniya.
Kung nasa ibang sitwasyon siguro kami. Kung nagmamahalan lamang kami kanina pa ako kinikilig. Kaso hindi.
Matapos ang konting kwentuhan ay nagsabi na akong matutulog ako. Kinabukasan ay maaga akong gumising para matapos ang ibang file ng pasyente ko. Hindi ko na inabala pang gisingin si Isaac nag dikit na lang ako ng sticky note sa noo niya. Nakasulat doon ang oras at kung saan.
Pagpasok ko ay binati ako ng secretary ko at sinabing nasa lamesa ko na ang gagawin ko.
Sinubsob ko agad ang ulo ko sa mga file.
Sa sobrang dami kong ginagawa sa hospital ay hindi ko namalayan ang oras. Tumunog ang phone ko at agaran ko iyong kinuha at sinagot.
"Hello?" Bungad ko.
"Aly... where are you? Nandito na ako sa restaurant na sinabi mo." Aniya. Pagtingin ko sa oras ay past twelve na. "Sige. Order ka na. Pupunta na ako." Wika ko binaba agad ang tawag. Niligpit ko ang ginagawa ko at ipinasok sa drawer.
Nag retouch ako at lumabas na ng opisina. Sinabihan ko ang secretary ko na umuwi na din.
Mabilis akong naglakad papunta sa mall. Pag akyat ko sa restaurant ay mabilis na hinanap ng mata ko si Isaac.
Mabilis siyang nahanap ng mata ko dahil kumaway siya sa akin. Nilakad ko ang distansiya namin at naupo sa kaharap niyang silya.
"Nag order na ako ng pagkain natin." Aniya tango lang ang itinugon ko sakanya. "And... nagdala na din ako ng damit mo tag tatlong pairs, nakalimutan mong magpack eh." Dagdag pa niya.
Nanlaki ng bahagya ang mata ko. "Pinakialaman mo ang drawer ko? Pati under garments ko hinawakan mo?"
Nagtatakang tumango siya. "What's wrong? Don't worry malinis naman ang kamay ko ng hinawakan ko ang panty at bra mo." Dagdag pa niya.
"My god! Shut up Isaac!" Pagpapatigil ko sakanya. Really!? Inisip niyang dahil sa linis ng kamay iyon!? Ayokong nakikita ng kahit sino ang mga panties and brassieres ko. Nakakahiya!
Dumating ang pagkain namin at nagsimula ng kumain si Isaac samantalang ako ay hiyang hiya. Undergarments lamang niya ang nakita ko pero pakiramdam ko nakita na niya ang lahat sa akin. Tho, nag to-two piece ako kapag nag swimming pero iba naman iyon.
"Kain na Aly..." aniya. Inismidan ko siya at nagsimula ng kumain.
Naiwala ko ang pag iisip ko sa bra at panty ko pagdating namin sa bahay ng magulang ni Isaac.
Naabutan namin ang isang lalaki na may bitbit na batang babae. Naipakilala na siya sa akin ni Isaac noong kasal kaso hindi ko matandaan ang pangalan niya.
"Pasensya na talaga tita ah.. Wala kasi akong mapag-iiwanan eh. Umuwi kasi si manang dahil namatay ang kapatid niya, ayaw ko naman ipagkatiwala sa iba. Sila mama naman ay nasa ibang bansa pa din." Narinig kong aniya. Tumango ang mama ni Isaac.
"Sino nga ulit siya?" Baling ko kay Isaac na kakatayo lang sa gilid ko dahil kinuha niya ang damit namin.
Bahagya siyang sumimangot bago sinagot ang tanong ko. "Si Kael pinsan ko."
BINABASA MO ANG
Replica #Wattys2016
General Fictionrep·li·ca /ˈrepləkə/ noun an exact copy or model of something, especially one on a smaller scale. --- Ang makasal sa lalaking dapat ay papakasalan ng kaibigan mo. Ang mahalin ng lalaking dapat ay para sa kaibigan mo. Ang mahulog sa lalaking pinakasa...