Shirt
Katok mula sa labas ng pintuan ang gumising sa akin. Nangangalay ang braso ko pero hindi ko inalintana iyon. Nakayakap pa din si Isaac sa akin at natutulog.
Naalala ko ang pinagsaluhan naming halik kanina. Ang halik na nagkumpirma sa nararamdaman ko.
"Mam Aly.." sigaw mula sa labas ng pintuan. "Manang baba na po ako." Sigaw ko na nagpagising may Isaac. "Sorry." Hingi ko ng paumanhin pero ngumiti lang siya at mabilis na kinintalan ng halik ang labi ko. "I love you." Aniya na nagpagising sa mga paro-paro sa sikmura ko. Ngumiti na lang ako at umiling.
Love is rare, they said. You can't never find love for it will find you. But when that time come... you should be ready because it will hit you big time. There's no escape. You can't hide. You can't avoid it. You just have to feel it.
Hindi ko tinugon ang sinabi niya. Sa halip ay ipinutong ko ang palad ko sa noo niya para malaman kung may lagnat pa siya. Mainit pa din iyon pero hindi kasing init ng kanina. "Nahihilo ka pa?"
"Konti.." sagot niya. Umupo ako. "Sige. Diyan ka lang kukuha ako ng pagkain natin." Sabi ko.
"Bilisan mo ah." Aniya. "Oo na!" Sagot ko at mabilis na lumabas ng kwarto. Habang bumababa ako ay inaayos ko ang buhok ko. Nasalubong ko si manang na paakyat kasama ang isa pang katulong na halos kasing edad ko lang. Dala nila ang tray na naglalaman ng pagkain.
"Iaakyat na po namin mam.." pagpapaliwanag ni manang. Kinuha ko ang tray na hawak niya. "Ako na dito manang." Wika ko. Medyo may katandaan na si manang kaya baka mahirapan siya kung akyat baba siya at may dala pang tray. Sumenyas ako s babaeng kasing edad ko na umakyat na kami.
"Mam Aly sana po hinayaan niyo na lang si nanay. Kaya pa naman po niya." Wika niya.
"Hindi na. Baka mapagod si manang. At Aly na lang parang magkasing edad lang tayo eh." Nakangiting wika ko.
"Pero nakakahiya po .." mahinhin na wika niya. "Huwag ka ng mahiya... ano ngang pangalan mo?" Tanong ko.
"Rosalyn po." Sagot niya. "Sige Rosalyn.. Hintayin mo na lang ako dito..." utos ko sakanya at pumasok na sa kwarto. Nilagay ko sa lamesa na nasa harap ng veranda ang tray at mabilis na lumabas para kuhanin ang tray na hawak ni Rosalyn. "Salamat Rosalyn.." wika ko. Ngumiti lamang siya at mabilis na bumaba.
Ipinasok ko ang pagkain na nasa tray at inilapag iyon sa tabi ng tray na nilapag ko kanina sa lamesa sa may veranda.
Inalalayan ko si Isaac na tumayo papunta sa veranda. Umupo siya at ganoon din ako. Sinubuan ko siya at agad niya iyon kinain. Akmang sasadok ako muli ng sabaw ng pinigilan niya ako.
"Ako na... kumain ka na din ng iyo." Aniya. Tinignan ko siya sa mata. "Kaya mo na?" Tanong ko. "Oo naman. Umayos na pakiramdam ko dahil sa halik kanina ng asawa ko." Pilyong aniya. Ngingiti ngiting umiling ako at inabot sakanya ang kutsara niya.
----
Nagising ako dahil sa halik sa noo. Dahan dahan kong idinilat ang mata ko at una kong nasilayan ang mukha ni Isaac.
Hinimas ng daliri niya ang noo ko. Umupo ako at tinakpan ang bibig ko dahil sa paghikab. Bumaling ako kay Isaac na nakaupo sa gilid ko. Nakasuot siya ng pamasok.
"Okay ka na ba?" Tanong ko. Tumango tango siya at inilagay ang kumalat na buhok ko sa likod ng tainga ko. Ipinatong ko ang palad ko sa noo niya pagkatapos ay sa leeg, pinapakiramdaman ang init niya. Wala na nga siyang lagnat pero dapat ay magpahinga siya. Suminghot siya at umubo ubo.
"Magpalit ka ng pangbahay." Utos ko sakanya. "Bakit? Okay na nga ako." Sagot niya habang umuubo. Tinignan ko siya ng masama. "Hindi. Dito ka lang muna sa bahay! Bukas ka na pumasok!" Wika ko at humiga ulit. Bahala siya! Ang tigas ng ulo. Kagabi nga ay may lagnat pa siya e, tapos papasok na siya!?
"Aly... pasok na ako." Paalam niya.
"Hindi Isaac! Dito ka lang!" Pinal kong sabi at tumagilid ng higa patalikod sakanya.
"Pero madami akong meeting ngayon." Aniya pero hindi ko na siya pinansin. "Aly..." tawag niya at naramdaman ko ang palad niya sa bewang ko. "Aly.." tawag niyang muli pero hindi ko pinansin.
Suminghot siya at bumuntong hininga. "Sige hindi na ako papasok." Aniya. "Bukas na lang." Dagdag pa niya.
Tumagilid ako ng higa paharap sakanya. "Iaayos mo 'yang hinubad mo sa cabinet ah!" Wika ko at tumayo na. Isa-Isa niyang hinubad ang damit niya hanggang sa boxer na itim na lang ang natira. Nag iwas ako ng tingin! Shit! Isaac, his perfect body and his black boxer!
Kinuha ko ang hinubad niya at ako na mismo ang nag ayos noon. Kinuhaan ko siya ng shirt at inabot sakanya. Sinarado ko ang kabinet.
Napansin kong hindi siya kumikilos para magsuot ng shirt. Napatingin ako sakanya, hawak lamang niya iyong shirt at may pilyong ngiti sa labi niya.
"Suot mo na 'yan!" Halos mautal ako ng sabihin ko iyon. Nag iinit ang mukha ko. Bakit ganyan siya maka ngiti?
"Hindi ko pa ata kaya... suot mo sa akin.." ang pilyong ngiti sa labi niya ay hindi maalis.
"Hindi ka pilay ah!" Wika ko pero ngingiti ngiti na. Ang cute ni Isaac maglambing parang bata.
"Pero hindi ko talaga kaya!" Aniya. Kaya para matigil na siya at makapag damit na ay inagaw ko ang shirt at sinuot sa ulo niya. Bahagyang masikip ang suotan ng shirt sa leeg kaya medyo na stack iyon sa ulo niya. Hinawakan niya ang bewang ko at hinatak ako papalapit sakanya. Gamit ang isang kamay ay isinuot niya ang ulo ko sa laylayan ng shirt kaya ang ulo ko ay nasa loob na din ng shirt.
Hinampas ko ang dibdib niya at akmang lalayo sakanya nang hinigpitan niya ang pagkakahawak sa bewang ko. "Isaac!" Reklamo ko. "Aly..." napahinto ako sa paraan ng pagbanggit niya sa pangalan ko. Napakalambing noon at napaka banayad ang sarap sa pandinig.
Napatingila ako sakanya. Nakatingin siya sa mga mata ko kaya hindi ko maiwasan na hindi mapatingin doon. Sa bawat paghinga niya ay humahampas sa mukha ko. Ang bango ni Isaac. Inilapit niya ang mukha niya sa mukha ko at hinalikan ang labi ko.
Ang halik niyang banayad at napakalambing gaya ng pagbanggit niya sa pangalan ko.
BINABASA MO ANG
Replica #Wattys2016
General Fictionrep·li·ca /ˈrepləkə/ noun an exact copy or model of something, especially one on a smaller scale. --- Ang makasal sa lalaking dapat ay papakasalan ng kaibigan mo. Ang mahalin ng lalaking dapat ay para sa kaibigan mo. Ang mahulog sa lalaking pinakasa...