Belle Lure Camara
Kinuha ni Isaac ang bag ko. "Halika na?" Tanong niya. Sabay kaming papasok ngayon at isang sasakyan lang ang gagamitin namin. Ihahatid daw niya ako at susunduin. Noong una ay tumanggi ako dahil baka malaman niya ang itinatago ko. Ayokong ngayon niya pa malaman hindi pa ako handa. Ngayon pa na napag desisyunan ko ng kalimutan na lang ang totoong ako at hayaan ang sarili kong damahin ang pagmamahal ni Isaac bilang si Alysandra. Bilang ang kaibigan ko.
"Sa harap na lang ng hospital ah. Huwag ka ng umakyat baka ma late ka." Bilin ko habang lumalapit sakanya na nasa may pintuan.
"Opo.." sagot niya at inabot ang palad ko. Pinagsiklop niya iyon at sabay kaming lumabas ng kwarto.
Hindi pa siya gaanong magaling dahil may ubo at sipon pa siya pero mas okay na siya kaysa kahapon.
Ipinasok niya ang bag ko sa likod ng sasakyan bago ako pinagbuksan ng pinto sa passenger's seat at umikot siya para makasakay na din.
Binuksan niya ang makina kaya nilagay ko na ang seat belt ko. Pinasibad niya ang sasakyan palayo sa bahay...
"Buti Aly.. hindi ka nababaliw?" Basag niya sa katahimikan.
"Huh!? Hindi naman bakit?" napapaisip na tugon ko. "Kasi puro baliw pasyente mo eh." Aniya.
"Hindi sila baliw! Hindi lang kinaya ng utak nila ang mabigat na kinahaharap nila sa buhay..." sagot ko. "Para sa akin sila ang mga mas matapang kumpara sa mga normal na tao." Dagdag ko pa.
Ganoon talaga ang paniniwala ko. Mas matamang ang mga kagaya nila. Dahil sila, kinaya nilang harapin ang lahat ng bigat ng nararamdaman nila, ang dami ng iniisip nila. Nakaya nila, nilabanan nila ngunit hindi kinaya ng utak nila. Hindi kagaya ng iba, hindi kinakaya.. ang iba ay pinipiling magpakamatay, mag pakariwara o kung ano pa man...
Saktong red light kaya inabot niya ang ilong ko at pinindot iyon. "Huwag agad magalit... sabay tayong mag lunch ah." sunod sunod na wika niya.
Hinimas ko ang ilong ko ng dalawang daliri. Muli niyang pina andar ang sasakyan.
"Hindi ba hassle kung magsasabay pa tayo? Medyo malayo ang office mo sa hospital.." sagot ko. Baka kung magsabay kami ay hindi kami makabalik on time sa trabaho.
"No. Walang hassle hassle makasabay ka lang kumain." Banat niya. Kinurot ko siya sa tagiliran. "Ewan ko sayo. Sige na! Sa gilid mo na lang i-park.." utos ko ng nasa harap na kami ng hospital.
Inabot niya ang bag ko pagkahinto ng sasakyan at inabot iyon sa akin. "Thank you." Pasalamat ko at binuksan na ang pinto ng sasakyan at mabilis na lumabas.
Kumaway ako sa sasakyan niya pero bumubaba ang binta ng sasakyan niya. "Aly, kiss ko." Aniya. Umiling ako. "Tumigil na!" Saway ko sakanya. "Hindi ako aalis dito." Aniya. Lumapit ako at mabilis siyang kinintalan ng halik.
"Tawagan mo na lang ako mamaya kung magsasabay pa tayo." Bilin ko at mabilis na tumalikod na sa sasakyan niya at sakanya. Pakiramdam ko ay pulang pula ako. Ito ang unang pagkakataon na nagmahal ako.
"Sige... babay." Aniya at kahit nakatalikod na ako alam kong nakangiti siya.
Kinuha ko ang phone ko at nag tipa doon ng mensahe para kay Isaac.
Isaac
Huwag masyadong ngumiti baka ikaw na ang susunod na pasyente ko. Hahaha. Ingat sa pagmamaneho.
Agad kong nai send iyon. Itinago ko ang phone ko at pumasok na sa hospital.
"Magandang umaga po Mam. Belle!" Bati ng gwardiya sa akin. Ngumiti lang ako at dumiretso na sa opisina ko.
Belle Lure Camara. Sa bawat araw at oras na nasa hospital ako lagi nitong pinapaalala kung sino talaga ako. At kung ano ako.
"Doctor Camara... Doctor Camara...." mula sa speaker na iyon ay narinig ko ang pangalan ko. Tawag pa lamang ng pangalan ko ay alam ko na agad kung saan ako pinapapunta.
Umakyat ako sa opisina niya. Surgeon Ricardo Camara. Pangalang nakapaskil sa labas ng pintuan na iyon. Kumatok ako ng tatlong beses bago binuksan iyon.
"Dad..." tawag ko sakanya at agad na iginala ang mata ko sa loob ng kwarto na iyon.
"Belle! Nawala ka daw ng ilang araw!? Ano na naman ang pinagkaka abalahan mo!?" Tanong niya.
"As if you really care, Dad. Himala ata at wala kang kasama ngayon. Alam mo pala ang salitang pahinga." Pilit kong itinatago ang galit sa boses ko.
"Tumahimik ka Belle! Huwag mo akong simulan." Banta niya.
"Sino bang nagsimula? Hindi ba ikaw?" Balik ko sakanya. "Kung wala ka ng sasabihin. Mawalang galang na ho at madami pa akong gagawin." Wika ko at mabilis na lumabas ng kwarto na iyon.
BINABASA MO ANG
Replica #Wattys2016
Ficción Generalrep·li·ca /ˈrepləkə/ noun an exact copy or model of something, especially one on a smaller scale. --- Ang makasal sa lalaking dapat ay papakasalan ng kaibigan mo. Ang mahalin ng lalaking dapat ay para sa kaibigan mo. Ang mahulog sa lalaking pinakasa...