Explore
"Goodmorning po, Miss Belle." Bati sa akin ng mga nurse. Ngumiti lamang ako kahit na inis na inis ako. Naiinis ako sa ama ko.
Hinding hindi ko makakalimutan kung paano nahihirapan ang mama ko dahil sa pangbabae niya.
"Miss Belle... nilagay ko na po sa mesa ang lahat ng gagawin." sabi ng sekretarya ko. "Salamat Wilma." Tanging naging tugon ko bago tuluyan na pumasok sa opisina ko.
Sinuri ko ang files bago pinindot ang isang telepono na nagko konekta sa secretary ko. "Wilma, papasukin mo na."
Ilang sandali lang ay pumasok ang pasyente ko. Tumayo ako mula sa inuupuan ko at lumipat sa couch at doon na upo.
"Upo ka Jillian." Anyaya ko. Umupo siya at tinignan ako. "Be comfortable. Just think me as one of your friends." Wika ko. Nilapag ko ang recorder at pinindot iyon.
"Kamusta Jillian?" Tanong ko sakanya.
"Okay naman po.. hindi ko po iniinom ang gamot na binigay mo pero may ipapatingin po sana akong gamot. Binigay po ito ng ikalawang psychiatrist na pinuntahan namin.. gusto ko pong i-check niyo ang laman." Aniya at nilabas ang maliit na botilya ng gamot. Kinuha ko iyon. Kapareho iyon ng ibinigay kong gamot noong nakaraan sakanya. Binuksan ko iyon at tinaktak sa palad ko ang gamot. Iba iyon sa laman ng binigay ko."Gusto ko pong sabihin na.. hindi po ako baliw. Ang mga nagpapakita sa akin sa kwarto ko sa kalagitnaan ng gabi ay hindi ko nakikita kapag sa bahay ng kaibigan ko ako natutulog." Aniya.
Madami pa siyang sinabi at wala akong ibang sinabi. Kailangan kong isipin ang sinabi niya.
Lumabas ang isang pasyente ko na kakatapos lang sa kanyang consulation.
Tumingin ako wrist watch ko. Break time na pero wala pa din tawag mula kay Isaac.
Tumunog ang phone ko. "Aly, nasa labas ako ng hospital. Tinatanong ko sa guard kung saan ang opisina mo pero ang sabi lumipat ka na daw ng probinsya..." aniya.
Ang kaibigan kong si Aly ay lumipat na sa probinsya kung saan nakatira ang lalaking napusuan nito.
Nagmadali ako sa pagkuha ng bag ko para umabas ng hospital.
"Wala na nga po si Miss Aly dito. Lumipat na kasi nagpakasal na iyon eh." ani ng gwardiya. Lumingon si Isaac sa likod ng gwardiya kaya nakita niya ako. "Aly!" Sigaw niya dahilan kung bakit napalingon saglit ang ibang naglalakad sa parteng iyon.
"Si Miss--" hindi naituloy ng gwardiya ang sasabihin niya ng sinenyasan ko siya. Saktong hindi nakita ni Isaac iyon dahil may tumawag sa phone niya at tinignan niy a iyon para patayin..
"Isaac!" Tawag ko at hinila na siya palayo doon. Dumadagundong sa kaba ang puso ko pero pilit kong tinakpan iyon ng ngiti.
"Sabi ko sayo tumawag ka bago ka pumunta." Wika ko. Ang kaba ay hindi pa din maalis.
"Su-supresahin nga sana kita eh. Bakit sabi ng guard wala ka daw?" Nagtatakang tanong niya.
Umiling ako agad. "Dalawa kasi ang Aly. Parehas kaming nagpakasal at hindi alam ng guard iyon kasi bago lang siya." Paliwanag ko.
God! I can be a great writer! I can create my own story with just a seconds.
Kumain kami sa medyo malapit na restaurant sa hospital. Hawak hawak ni Isaac ang kamay ko sa buong oras na magkasama kami.
"Friday bukas... pupunta ba tayo kila mama?" Tanong niya. Tumango ako bago uminom ng tubig. "Bakit?" Tanong ko dahil parang may gusto pa siyang sabihin. "Wala.. gusto ko lang sana na mag travel tayo sa weekends.. pero gusto mo kila mama, kaya ikaw ang masusunod." Aniya sabay ngiti.
Travel? Explore with him? Why not?
Hinatid niya ako sa hospital at ng umalis na siya ay kinausap ko ang guard.
BINABASA MO ANG
Replica #Wattys2016
Ficción Generalrep·li·ca /ˈrepləkə/ noun an exact copy or model of something, especially one on a smaller scale. --- Ang makasal sa lalaking dapat ay papakasalan ng kaibigan mo. Ang mahalin ng lalaking dapat ay para sa kaibigan mo. Ang mahulog sa lalaking pinakasa...