Wakas

4K 92 3
                                    

Thank you for making up to this far. :) God bless po!

------------

Wakas

"Ma, goodmorning po." Bati ni Isaac sa mama niya ngunit gaya ng sabi ng mama ni Isaac kagabi ay hindi niya kami papansinin. Kumain lamang ng almusal ang mama niya na parang wala kami. "Ma... mag uusap pa tayo di'ba?" Tanong muli ni Isaac.

Nilingon siya ng mama niya bago siya sinagot nito. "Nakausap ko na si Belle kagabi. Siya ang tanungin mo." aniya at uminom ng gatas, inubos niya iyon bago tumayo at lumabas na ng kusina.

Ramdam ko ang tingin sa akin ni Isaac pero hindi ko siya tinignan at hinayaan ko lang siya. Kumuha ako ng tinapay na  nakalagay sa isang mangkok at inabot ko ng mayonnaise na may itlog na nasa gitna ng lamesa. Ipinalaman ko iyon sa tinapay bago ko kinain iyon.

"Belle..." tawag ni Isaac.

"Hmmmm?" tinaas ko pa ng bahagya ang kilay ko. Kumagat akong muli ng tinapay.

"Anong sabi ni mama? bakit hindi mo nabangit sa akin kagabi?"

"Kumain ka muna. Mamaya na tayo mag usap." sagot ko sakanya. Pinaningkitan niya ako ng mata bago sumandok ng sinangag at tumusok ng hotdog. Mabilis siyang kumain. Matatapos na siya pero ako ay nakaka dalawang tinapay pa lang. Paano ko sasabihin sakanya? Hindi ba dapat ay hintayin na lang na kusang dumating ang baby? nakaka pressure naman ang gusto ng mama ni Isaac. Kung ganon ang gusto niya baka isang taon ang itagal ng hindi niya pag pansin sa amin.

Suyuin ko kaya? Gawin ko lahat ng gusto niya. Lalambingin ko...

Parang kagabi lang ay nahihirapan ako sa lahat pero ngayon nabawasan na ata iyon. Medyo gumaan na ang nararamdaman ko.

Tumayo ako pagkatapos kong isubo ang natitirang kalahating tinapay ng kinakain ko.

"Saan ka pupunta?" mabilis na tanong ni Isaac sa akin. "Maliligo muna ako." sagot ko at lumabas na ng kusina.

Nasalubong ko ang isang kasambahay nila. Mabilis kong tinawag iyon at lumapit naman siya agad sa akin. "Bakit po mam?" tanong niya.

"Anong paboritong pagkain ni mama?" desperado na ako.

"Hindi ko po alam, mam. Pasensya na po, pero madalas pong kainin ni mam ay gulay.." aniya.

Tumango tango ako. Gulay? anong gulay kaya? "Sige, manang. Salamat po."

Umakyat ako sa kwarto para maligo. Pagkatapos ay kinuha ko agad ang phone ko. Nag browse ako sa google at nag search ng mga pagkain. Ilang oras din ako doon bago nag pasya kung anong lulutuin ko.

Pagbaba ko ay dumiretso ako sa kusina.Tinignan ko kung nasa refrigerator ang mga rekados na kailangan ko.

"Belle..." pumasok sa kusina si saac at dumiretso sa tabi ko. "Mamaya Isaac. Kapag hindi nag work ang mga plano ko sasabihin ko na sayo ang napag usapan namin ng mama mo." Wika ko at nilabas na ang mga rekados na kailangan ko.

Hinugasan ko ang mga iyon bago hiniwa. Sinunod ko ang paraan ng pagluto ng nais kong lutuin na ulam na nakita ko sa google kanina.

Si Isaac ay umupo sa isang upuan at pinanood lang ako. "Mamayang gabi, uuwi na tayo." aniya. Tumango lang ako at hinulog ang huling rekado ng niluluto ko. Ngayon ay hihintayin ko na lamang na kumulo iyon.

Sana magustuhan ni mama.. bulong ko sa sarili ko.

Nang maluto ang Ginataang kalabasa na niluluto ko ay inayos ko na ang hapag bago inutusan sila manang na tawagin na sila mama.

Replica #Wattys2016Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon