Hindi namalayan na sa kakatitig ni Aphrodite sa langit ay sumikat na ang araw. Iniisip pa rin niya kung saan niya matatagpuan si Asterran upang makabalik na siya sa kanyang mundo at makita ang lalaking nakatadhana sa kanya, si Prinsipe Garetia.
Natutuwa siya sa mga nagliliparang ibon sa langit kasabay ng pagsikat ng araw na dumadampi sa balat niyang mala porselana. Ang lamig ng simoy ng hangin na yumayakap sa balingkinitan niyang katawan at ang amoy ng bagong umaga na nagbibigay sa kanya ng sigla.
"Prinsesa magandang umaga!" bati ni Tinidora. Galing sa kwarto ang tatlong diwata na palihim na kinausap ang Ama ni Aphrodite upang ireport ang mga nangyari noong nakaraang araw.
"Magandang umaga Tinidora, Tidora at Nidora." nakangiting bati ni Aphrodite sa kanila.
"Mukhang maganda ang bungad ng umaga sa aming prinsesa."sabi ni Nidora habang inaayos ang buhok ng prinsesa. Tinirintas niya ito na parang diwata at nag-iwan siya ng mangilan-ngilang hibla ng buhok na lalong nagpaganda sa prinsesa.
Kumuha ng bulaklak na gumamela si Tidora at inilagay ito sa tenga ng prinsesa.
"Kamusta na kaya si Prinsipe Garetia? Ako rin kaya'y naiisip niya?"tanong ng prinsesa sa kanyang mgs diwata.
"Tiwala kami na sa pagbabalik mo sa ating mundo, siya ang unang sasalubong sa'yo." kinikilig na sabi ni Tidora.
Masayang silang nag-uusap kaya bakas sa mukha ni Aphrodite ang wagas na kasiyahan.
Habang naglilinis ng kotse si Jake ay napansin niya si Aphrodite sa taas ng balkonahe na nakangiti. Maging si Jake ay hindi mapigilang ngumiti dahil sa nakakahawang saya sa mukha ni Aphrodite.
Hindi napansin ni Jake na kay Asterran niya natama ang hose na hawak niya. Nakaupo ito sa labas ng bahay nila habang binabasa ang balita tungkol sa kanya.
"What the hell Jake!"sigaw ni Asterran. Hindi ito naririnig ni Jake dahil nakatingin lang siya kay Aphrodite na masayang pinagmamasdan ang langit.
Nang maramdaman ni Jake na palapit ang kapatid niya ay pinatay niya ang hose.
"Are you crazy?"tanong ni Asterran.
Lumapit pa si Asterran sa kanya at tumingala ito upang tignan kung ano ang tinitignan ng kapatid niya ngunit wala naman itong nakita maliban sa flower vase na nakapatong sa taas ng balkonahe.
"She's so gorgeous.."sambit ni Jake.
"Who?"
Tumingala si Jake at Asterran sa balkonahe ngunit nawala na si Aphrodite. Nagtungo ito sa kusina dahil hinahanap niya si Jake upang magpaalam na.
"Harmless?"
"Harmless?"tawag muli ni Aphrodite.
"Prinsesa mukhang iniwan na tayo." bulong ni Tinidora.
Habang nililibot ni Aphrodite ang buong bahay ay nakatanggap si Asterran ng tawag mula sa manager niya kaya siya naman ang umakyat ng hagdan at nagtungo sa balkonah ng bahay nila upang makapag-usap sila ng masinsinan.
Hindi ito napansin ni Aphrodite dahil busy ito sa pagkilatis sa loob ng refrigerator.
"Nidora, ano 'to?"tanong ng prinsesa.
"Hindi ko alam prinsesa. Pwede nating buksan baka may lagusan diyan pabalik sa mundo natin."
"Hindi kaya libingan 'yan? Baka diyan natin pwedeng ilibing yung kapatid mong si Athena."biro naman ni Tidora.
YOU ARE READING
Got to Believe in Magic
FanfictionPrincess Aphrodite(Maine) was meant to marry a Prince but fate stepped in and she met Asterran(Alden), the hottest actor from the real world.