Hindi makapaniwala si Asterran sa narinig niya kaya agad niyang pinuntahan si Aphrodite sa kwarto niya. He was surprised when he saw his brother outside.
"Glad that you came."bungad ni Jake.
"What are you doing in my room?" he asked.
"Tinitignan ko lang kung nakauwi ka na. Matutulog na ako.." paalam nito.
Agad na pumasok saloob ng kwarto si Asterran at naabutan niya si Aphrodite na tumatalon-talon sa kama niya.
"Paano nila nalaman na naligo tayo?" bungad niyo, Halata sa boses niya ang galit kaya napahinto si Aphrodite at nilapitan si Asterran. Itinuro niya ang telepono sa gilid at hindi ito nagbitiw ni anong salita.
"Iningatan ko ang career ko ng ilang taon, but you ruined everything!" galit na sabi nito.
Hindi maipaliwanag ni Aphrodite kung bakit nakakaramdam ito ng tibok sa puso niya habang pinagmamasdan niya si Asterran.
"Hindi kita maintidihan."sabi ng prinsesa.
"Dahil wala kang alam! Can you do me a favor? Pwede bang umalis ka na sa buhay ko?" galit na sabi ni Asterran. Binuksan niya ang pintuan niya at pinapalabas niya si Aphrodite.
Hindi na nakipagtalo ang prinsesa kaya lumabas na lang ito upang hindi na magalit si Asterran. Hahanapin na lamang niya ang kanyang mga diwata upang may kasama ito.
Paglabas niya ng gate nila Asterran ay bumuhos ang malakas na ulan kaya nagmadali ito upang mahanap ang kanyang mga diwata.Tila ba naging laruan para kay Aphrodite ang ulan dahil nag-eenjoy ito habang nagtatampisaw sa mga namuong tubig sa kalsada.
Hindi naman mapakali si Asterran nang marinig niya ang kulog at kidlat sa labas. Tinakpan niya ng unan ang kanyang mukha upang hindi niya ito marinig ngunit parang pinaglalaruan siya ng tadhana dahil bumukas ang kanyang bintana dahil sa lakas ng hangin sa labas.
Isasara na sana ito ni Asterran ngunit naalala niya si Aphrodite. Maraming puno na ang nagbagsakan sa labas dahil sa lakas ng ulan kaya lalo itong nakokonsesnya.
Isinara na niya ang bintana at bumalik sa pagkakatulong ngunit kahit anong gawin niya, pumapasok sa isipan niya ang prinsesa. Kung nasaan ito, kung anong ginagawa niya o baka nasa panganib na ang buhay niya.
"Why are you doing this to me?" he whispered.
Naghilamos ito sa banyo at tinitigan ang sarili sa salamin. He remembered how happy she was when they were together.
Hindi man niya aminin, gusto niyang tulungan ang prinsesa dahil sa mga nasaksihan nito.
Agad na binuksan ni Asterran ang kanyang pintuan nag makarinig ito ng katok mula sa labas.
"Asterran.. Nakatanggap ako ng tawag mula kay Darla, pataas na ng pataas ang tubig sa labas at baka sa susunod na oras, mabaha na ang subdivision. Get your things at sa studio muna tayp pansamantala." wika ni Jake na nakasuot nang pang-alis at kapote.
Agad kinuha ni Asterran ang nakasabit niyang itim na jacket sa likod ng pinto at lumabas na ito. Nakapantulog pa siya ngunit hindi niya ito inisip dahil gusto niyang hanapin si Aphrodite.
Dinaanan lang niya si Jake sa sala na kanina pa naghihintay sa kanya.
"Where are you going?" tanong ng kapatid.
"Mauna ka na. Susunod ako sa studio may hahanapin lang ako." paalam ni asterran.
"Delikado sa labas!" Hindi na ito narinig ni Asterran dahil sa pagmamadali. Kinuha niya ang kotse niya at sinimulang libutin ang subdivision. Tinalasan niya ang kanyang mga mata ngunit hindi niya makita ang prinsesa.
YOU ARE READING
Got to Believe in Magic
FanfictionPrincess Aphrodite(Maine) was meant to marry a Prince but fate stepped in and she met Asterran(Alden), the hottest actor from the real world.