(8) scandal

1.6K 99 30
                                    

Napahinto si Asterran sa paglakad nang maramdaman niya si Aphrodite na sumusunod sa kanya.

"Anong ginagawa mo?"

"Sama ako sa'yo."malambing na sabi ng dalaga. Papasok na ito ng bahay nila Asterran ngunit nakabuntot pa rin ang dalaga. Hindi alam ni Asterran na walang bahay si Aphrodite kaya siya sinusundan nito.

Papasok na sana si Aphrodite sa kwarto ni Asterran ngunit hinarang ito ng binata gamit ang kamay niya na nakaharang sa pintuan.

"Hindi ba uso ang salitang privacy?"he said sarcastically.

Nagulat si Asterran nang biglang nawala si Aphrodite sa harapan niya at nakita niya na lang ito na nakahiga sa kama niya.

"Oh.."yun na lamang ang nasabi niya nang makita niya si Asterran sa loob.

"Tabi kami ni Asterran."pagpapakyut ni Aphrodite. Para itong bata na naglalaro sa kama habang tumatalon talon pa.

"Hey.. Naririnig mo ba ang sinasabi mo!?"

"Bakit? Anong masama kung tabi tayo?" Hinagis ng dalaga ang unan kay Asterran at tumama ito mukha niya.

"Ayokong tumabi sa pangit. Baka bangungutin ako."pang-aasar ni Asterran.

"Please?.."pamimilit ng prinsesa. Kinuha ni Asterran ang nakasabit na twalya at pumasok ito sa banyo.

Nagtaka si Aphrodite kung ano ang pinasukan ni Asterran. Inisip niya na baka may lagusan doon pabalik sa mundo nila kaya pumasok rin ito.

Rinig niya ang pagbukas ng shower at lalong nabalot ng katanungan ang kanyang isipan.

Hinawi niya ang kurtina at nakita niya si Asterran na basang-basa habang sinasabon ang katawan nita.

"Hey..!"he shouted.. Agad niyang kinuha ang twalya niya at ipinulupot sa bewang niya.

Napasandal ito sa tiles nang agawin ni Aphrodite ang pwesto niya kung saan nakatapat ang shower. Napalunok si Asterran dahil halos magkatabi na sila ni Aphrodite at hubo't hubad pa siya ngunit walang pakialam ang prinsesa.

"Ang sarap.."nangigigil na sabi ni Aphrodite. Napakamot sa ulo si Asterran at pinagmasdan na lang ang prinsesa.

"Ito ba ang paraiso niyo?"

Hindi makapagsalita si Asterran dahil sa inis at nanlaki ang mga mata nito nang akmang tatanggalin ni Aphrodite ang dress niya.

"Gagawin mo talaga 'yan sa harapan ko? Tch. Waal ka bang common sense?"hinawakan ni Asterran ang laylayan ng dress ni Aphrodite at hinila ito pababa.

"Ikaw nga walang damit.."sagot ng dalaga.

"Pssssssh.. paano ba mawawala tong babaeng 'to"inis niyang sabi sa sarili.

"Listen to me.. Hindi ito paraiso. Ang tawag dito ay banyo kung saan naliligo ang mga tao"paliwanag ni Asterran. Pinatay niya ang shower at hinarap ang dalaga.

Napansin ni Aphrodite ang malaking bote sa may lababo kaya kinuha niya ito at iniisip kung ano ang gamit nito.

"Shampoo 'yan"bulong ni Asterran. Pansamantalang kinuha ni Asterran ang boxers niya na nakasabit at nagulat na lang ito nang makita niya si Aphrodite na iniinom ang shampoo.

Agad na inagaw ni Asterran ang bote at tinago ito kasama ang iba pang mga kagamitan. He's losing his patience pero pinipigilan niya ang sarili.

"Aphrodite.. ang shampoo, para sa buhok." pinakita ni Asterran kung paano gamitin ito.

Got to Believe in MagicWhere stories live. Discover now