"Prinsesa ganito na lang ba gagawin natin palagi? Pagmamatyagaan si Asterran kung saan siya magpunta?" tanong ni Tidora.
Lahat ng lugar na punupuntahan ni Asterran ay nakabuntot silang apat. Lahat ng nilalapitang babae ni Asterran, ginagawan ng paraan ni Aphrodite upang hindi sila makapag usap.
"Kailangan kong pag-aralan ang bawat kilos niya. Hindi ako makakapayag na may puso muling masasaktan sa ginagawa niya."paliwanag ng prinsesa.
Nagtatago silang apat sa likod ng van at kasalukuyang may shooting si Asterran para sa kanyang bagong movie.
Katatapos pa lang ng movie niya with Nadine na "God Gave Me You" ngunit mayroon nanaman itong new movie na lalabas next month. He is really the King of Movies kung maituturing. Lahat ng endorsements pinakyaw na niya at maging mall shows napupuno niya.
Pero alam niyo ba na never niyang pinanood ang mga pelikula na ginawa niya? Umaatend siya ng premiere night pero kapag nagsisimula na ang pelikula, naglalaho na lang siya ng parang bula.
"Alam mo prinsesa, mabait naman pala si Asterran. Hindi ko maintindihan kung bakit marami siyang pusong sinasaktan."
"Hindi ko rin alam Tinidora. Iyon ang kailangan nating malaman"
Parang nagkakagulo ang production team dahil rinig nila ang bangayan ng director at ibang staff.
"Kung hindi niyo mapabalik si Julia. Magpa-audition kayo ng ng papalit sa role niya. Now na!"sigaw ni Direk Cathy.
"Direk, hindi madaling maghanap ng babaeng babagay sa role ng isang Dyosa."
"What's the purpose of audition? Bakit pa inimbento ang make up? Kung kinakailangang tapalan niyo ng isang truck ng foundation ang babae para gumanda gawin niyo." galit na sabi ni Direk. Uminom ito ng tubig at binalikan ang staff na kausap niya.
"My God people. We have 1 month before the playdate. I want someone right now. As in now! Hindi bukas, hindi sa makalawa. Itayo niyo sa harapan ko or else hindi ko gagawin ang movie na to. Sinasabi ko sa inyo huwag ako!"sigaw ni Direk Cathy na nasa gitna ng araw at inaayos ang mga gamit na kailangan niya.
"Copy direk!" tarantang sabi ng isang babae na may salamin. Nagkakanda-ugaga na ang mga tao sa set samantalang si Asterran walang kaalam alam sa nangyayari.
Kahit nakasuot ito ng itim na shades ay nangingibabaw pa rin ang kanyang kagwapuhan. Kanina pa siya natutulog at hinihintay lang niya na may gumising sa kanya sa pagsisimula ng shooting.
"Bakit may gyera?"tanong ng mga diwata na hindi rin mawari kung bakit nagkakagulo sila.
"Baka may kalaban sila."bulong ng prinsesa.
"Makikinig ako sa usapan nila prinsesa." paalam ni Tidora.
Inilabas ni Tidora ang pakpak niya at tumabi kay Direk Cathy na pinapapapila lahat ng babae sa harapan niya upang pumili kung sino ang gaganap bilang Dyosa.
"Marunong ka bang kumanta?"
"Hindi po."
"Marunong ka bang magpacute sa camera?"
"Medyo po."
"Kaya mo bang ka-eksena si Asterran?"
"Susubukan ko po."
"Anong pang tinatayo mo sa harapan ko? Kung hindi ka sigurado sa mga sagot mo, kilalanin mo muna ang sarili mo bago mo ipagpilitan ang sarili mo. Next!"galit na sabi ni Direk Cathy na umiinit na ang ulo dahil sa babae sa harapan niya.
YOU ARE READING
Got to Believe in Magic
Hayran KurguPrincess Aphrodite(Maine) was meant to marry a Prince but fate stepped in and she met Asterran(Alden), the hottest actor from the real world.