Lalong hinila ni Asterran si Aphrodite na naging dahilan kaya lalong lumakas ang tibok sa dibdib ng prinsesa.
"Anong ginagawa mo?" tanong nito. Kinuha ni Asterran ang panyo sa bulsa niya at pinunasan ang mga luha ng dalaga.
"Bakit ka umiiyak?" tanong ni Asterran.
"Hindi ko alam. Kusa ko na lang itong nararamdaman.." litong sagot ni Aphrodite. Kinuha ni Asterran ang panyo niya at unti-unting pinahid sa mukha ng dalaga.
Nakatingin lang siya sa mga mata ng binata at ipinagtataka kung bakit lumuluha siya. Dahil sa kanilang kaharian, tanging wagas nap ag-ibig lamang at hindi pa niya naranasan ang ganito.
Binitawan ni Asterran si Aphrodite dahil napansin niyang naiilang ang dalaga.
"Hahanapin ko sina Nidora.." sambit ng dalaga.
"Okay lang bang tulungan kita?"
Binuksan ni Asterran ang sasakyan niya upang pasakayin ang dalaga ngunit tumanggi ito.
"Baka masira ang career mo.." malungkot na sabi ni Aphrodite. Naglakad na lang ito habang nagmamasid sa paligid. Ilang araw na niyang hinahanap ang kanyang mga diwata ngunit bigo ito.
"Itong pangit na'to andaming alam sa buhay.." bulong ni Asterran.
Kumuha ito ng dalawang shades at sombrero upang itago ang katauhan nila ni Aphrodite dahil panigurado ay may makakakilala sa kanila. At alam niyang madadagdagan pa ang mga taga hanga nila matapos ang interview nila kanina.
"Ang pagiging maarte, naayon sa mukha 'yan" sarkastikong sabi ng binate.
Ipinatong niya ang sombrero kay Aphrodite na ipinagtaka ng dalaga.
"Korona ba 'to?" tanong ng dalaga.
Inabot niya ang shades kay Aphrodite at kahit walang araw ay kailangan nila ito upang hindi sila makilala.
"Whatever you call it.." sagot ng binata.
Humarap si Aphrodite sa binate na parang bata na nakikipaglaro.
"Alam mo bang may korona ako sa kaharian namin?"
"Ikaw? Korona? Paano?" pang-aasar ni Asterran. Sa gilid ito dumaan at iniwan ang dalaga na nakasimangot.
"Dahil ako ang prinsesa.." dugtong ni Aphrodite.
Hindi na talaga alam ni Asterran kung maniniwala siya kay Aphrodite ngunit sa mga kakayahang ipinakita nito ay hindi maikakaila na mayroong kakaiba sa kanya.
Naghanap na lang ito ng hindi mataong lugar upang doon sila maglakad-lakad.
Maraming sasakyan sa highway kaya hindi niya alam kung paano sila tatawid ni Aphrodite.
"Doon tayo sa kabilang kanto."turo ni Asterran.
May takot itong tumawid simula bata pa lamang sila at pakiramdam niya ay masasagasaan siya sa mga naglalakihang mga sasakyan.
Para bang ang bilis ng mga sasakyan sa paningin niya kaya nagdadalawang isip ito.
Naglakad na si Aphrodite ngunit hindi sumusunod ang binata na ipinagtaka ng prinsesa.
"Ah Aphrodite, dito na lang pala tayo.." agad na sabi ni Asterran..
Napansin ng prinsesa na parang may pag-alinlangan ito sa pagtawid kaya nilapitan niya ito upang tulungan.
"Natatakot ka?" inosonteng tanong ng prinsesa.
Huminga ng malalim si Asterran at rinig niya ang kaba sa kanyang dibdib.
YOU ARE READING
Got to Believe in Magic
FanfictionPrincess Aphrodite(Maine) was meant to marry a Prince but fate stepped in and she met Asterran(Alden), the hottest actor from the real world.