Chapter 10

2.5K 69 1
                                    

  PAGDATING SA BAHAY nila ay agad siyang naligo, paglabas niya nakita niya pa si Andrew sa sala nila. Nilalaro ang baby niya, mukhang giliw na giliw ito sa anak niya.

"Drew, akala ko nakaalis kana?" Tanong nito sa huli.

"Naaliw ako kay Baby," tuwang wika nito, habang nakikita niya si Andrew na masaya hindi niya mapigilan na sana si Andrew nalang ang napangasawa niya. Parang bigla siyang nahiya sa naisip kaya winaksi niya iyon sa isipan.

"Baka hinahanap kana ng mga tao na nag-aani ng mais, kailangan mo nang bumalik doon," kung hindi pa binanggit iyon ni Angel ay nakalimutan pa ni Andrew iba talaga pag si Angel ang kaharap at kasama niya, sa mga munting bagay na naitutulong niya dito ay kapalit na nag-uumapaw na saya sa puso niya, walang may nagbago he still love Angel kahit alam niyang may Asawa na ito.

Nagpaalam na din siya kay Angel. Nagpasalamat naman ang huli sa binigay nitong pera. "Don't mentioned it, ilista mo nalang ako bilang ninong ni Baby." Wika nito.

Nakaalis na si Andrew ay nakatanaw parin si Angel sa kawalan. "Ate!" Panggugukat ng kapatid niya sa kanya. "Ang bait ni kuya Drew noh? Sayang mas bagay pa naman kayo," ani ng kapatid nito sa kanya kaya binalingan niya ito.

"Oo nga sayang, pero ganito talaga siguro ang buhay, hindi ko narin naman maibabalik ang nakaraan kaya tatanggapin ko nalang. Kaya ikaw pag nagmahal ka sa susunod sundin mo ang puso mo, hindi iyong nasa isip at sa nakikita mo, huwag kang maging bulag sa mga materyal na bagay, huwag mag tiwala agad, kilalanin mo muna ang isang tao bago mo ibigay ang sarili mo, dahil minsan mahirap kapag puro nalang positive side ang nakikita mo, hanapin mo din ang negative side ng taong pipiliin mo atleast sa susunod alam mo na kung paano i-handle iyon." Mahabang paliwanag niya sa kapatid, kahit ganito ang nangyari sa kanya, natutuwa din siya, dahil biglang naging matured ang utak niya, naiintindihan niya na ang mga bagay bagay siguro nga tama ang iba, bago ka matututo kailangan mo munang madapa.

"Oppss, may nakalimutan pa pala ako, huwag gayahin si Ate na maaga nagpabuntis ha, dapat makatapos muna ng pag-aaral." Dugtong pa nito.

"Opo ate," ani ng kapatid niya. Natutuwang inakbayan niya ito saka pumasok sila sa loob ng bahay nila.

LUMIPAS ANG BUWAN at araw magkakalahating taon na si Ryan sa Maynila pero hindi pa daw ito nakakapagtrabaho, dahil may training pa daw itong ginagawa. Manager ng Pal Airlines ang tiyuhin nito, kaya kung suwertehin magandang trabaho ang makukuha nito. Madalang lang kung tumawag si Ryan kay Angel dahil ang rason nito nagtitipid ito. Wala namang angal doon si Angel lalo pa't nagtratrabaho na siya ulit sa grocery store ng kanyang tiyahin. Malaking tulong din iyon sa kanya, dahil minsan nililibre ng tiya niya ang gatas ng Anak niya, vitamins at ang ibang pangangailangan nalang ang kailangan niyang pag-ipunan. Sa ilang buwan na nakalipas wala na siyang balita kay Andrew, ang alam lang nito ay busy na ito sa pag-aaral.

PILIT WINAWAKSI NI Andrew sa isip si Angel, ilang buwan narin ang nakalipas na hindi niya ito nakikita. Pinagbubuti niya ang pag-aaral dahil ang totoo umaasa parin siya na maging kanya si Angel kahit alam nitong malabo. Luha? Ilang basong luha na ba ang nailabas niya dahil kay Angel mananatili ito sa puso niya, pero pipilitin niyang iwasan ito, minsan nga pag hindi niya na talaga matiis ay tumatawag siya gamit ang ibang number para lang marinig ang boses nito.

LUMIPAS PA ANG araw, nagkasakit na naman ang baby nila. Kaya nahospital na naman ito, ang una ay nabayaran pa nila ang bill, hindi pa nakatatlong araw ang bata sa bahay nina Angel ay nangingitim na naman ito dahil sa taas ng lagnat at diarrhea.

Uumulan ng gabing iyon, napasugod si Angel sa kaibigan niyang si Anne dahil manghihiram ito ng pera sa kaibigan. Kahit umuulan pilit parin siyang naghahanap ng nasakyan nila papuntang hospital.

"Subukan natin sa kapitbahay namin Gel," suhesyon ni Anne sa kanya. Pumunta nga sila doon, pero hindi ito pumayag dahil malakas ang ulan, unless nalang kung magbabayad sila ng mahal.
Kulang nalang lumuhod siya para lang pumayag ang may ari ng tricycle, umiiyak siyang nakikiusap sa driver hanggang sa napapayag niya rin ito. Luha at sipon pati ang patak ng ulan ang nalalasahan niya dahil hindi niya na iyon pa inabalang punasan, pagdating sa bahay nila basang basa siya dahil sa ulan at nakikita niya nangingitim na ang anak natatarantang nilapitan niya ito habang karga karga ng Ina niya. Pati ang Ama niya ay natataranta din.

Nagmadali siyang nagbihis, sakto lang ng natapos siya dumating ang tricycle. Pagdating sa hospital ay napagalitan pa ng doctor ang Ina nito sa pag-aakalang anak nito ang baby niya. "Anong klaseng Ina ka, kung hindi pa mangingitim ang bata hindi niyo pa dadalhin sa hospital!" Galit na wika ng Doctor dahil sa awa sa bata. Hindi naman iyon pinansin ng Ina niya, habang siya awang-awa sa anak, nahirapan na ang mga nurse at doctor hanapin ang ugat ng bata para sana ikabit ang dextrose nito. Hanggang nagdesisyon ang doctor na dalhin ang bata sa ICU.

Iyak siya ng iyak hindi niya makakaya kung may mangyaring masama sa anak niya. Tinakbo niya ang maliit na chapel ng hospital, taimtim siyang nanalangin doon.

Bumalik na siya sa labas ng ICU. Sakto namang lumabas ang Doctor. "Okay, na ang bata, kailangan niyo lang bilhin ang mag resita sa kanya, masyadong na dehydrate ang bata kailangan makabawi agad ito, kaya kailangan niyong bilhin ang mga resita hanggang bukas." Ani ng doctor saka nagpaalam na sa kanila.

Inilipat sila sa ward, patuloy parin ang pagtatae ng bata. "Paano ba ito, kakapadala ko lang kay ate mo kahapon ng pera para sa thesis niya." Sapo ang noo na wika ng Ina nito.

Kinuha naman ni Angel ang cellphone at lumabas ng ward saka tinawagan si Ryan. "Hello," sagot ng nasa kabilang linya na halatang nagising niya ito.

"Hon, ako ito nasa hospital si Baby," deritsong sabi nito.

"Ano?! Nahospital na naman ang anak natin? Ano ba ang ginagawa mo? Pinapabayaan mo siguro ang bata kaya laging nagkakasakit." Ayaw ng makipagtalo ni Angel kaya kinimkim nalang nito ang sama ng loob, sino ba namang Ina na gusto magkasakit ang Anak?

"Maraming resita binigay ang doctor at kailangang mabili iyon bukas na bukas din," ani nito binaliwala ang sinabi ng asawa.

"Alam mo naman na wala akong trabaho ano ba sa tingin mo ang magagawa ko?" Sagot nito na nagpangitngit kay Angel.

"Marami naman sigurong paraan kung gugustuhin mo," ani ni Angel

"Ano gusto mo magnakaw ako? Para may maibigay akong pera sa'yo?!" Sagot nito

"Ry, sumusobra kana ha! madami namang paraaan para makahanap ka ng pera at hindi ko rin sinabi na magnakaw ka, kahit ngayon lang naman magpaka-ama ka sa anak mo!" Galit na sigaw nito sa kabilang linya. Sumusobra na kasi ang Ama ng Anak niya.

Kinabukasan maaga siyang nagpaalam sa Ina nito na aalis muna siya. Dala-dala niya ang resita, hindi niya alam kung saan siya magsisimulang maghanap ng pera, pero umuwi muna siya sa bahay nila.

Pagdating doon kinuha niya ang box niya na pinaglalagyan niya ng mga memorable things niya, hinalungkat niya ang pinakailalim no'n saka kinuha ang dapat kunin, ang perang binigay noon ni Drew sa kanya, hindi niya iyon ginastos noon dahil gusto niya lang itago para maging remembrance niya galing kay Andrew, wala sa loob na binuklat niya isa-isa ang laman ng box niya. Nakita niya doon ang mga unang sulat ni Andrew sa kanya, pumili siya sa isa doon at binasa. Habang binabasa iyon ay hindi niya maiwasan ang magsisi, kung sana naging kuntento lang siya noon kay Andrew at kung sana hindi nalang siya nag rebelde sa Ama hindi niya sana nararanasan ito ngayon, mas pipiliin niya pang bugbugin ng Ama kisa sa nangyayari ngayon, hindi niya kaya dahil ang pinag-uusapan ay ang munting anghel niya. Tinuyo niya ang mga luha niya saka binalik ang mga sulat nandoon din ang mga bulaklak na ibinigay ni Andrew noon sa kanya, nang patapos na siya ay biglang may nahulog sa paanan niya, ang bracelet na binigay ni Andrew sa kanya, wala sa loob na sinuot niya iyon, naalala niya ang sabi ni Andrew kahit sa bracelet lang naman makasama niya ang mahal niya, kaya iyon din ang ginawa niya na kahit sa bracelet lang naman kasama niya si Andrew.

BATANG INA                                                    by: Lee Ann PradasTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon