Chapter 15

3.1K 78 0
                                    

  NAMIMILIPIT SA SAKIT si Angel, napalakas ang tulak sa kanya ng babae ni Ryan lalo pa't hindi niya iyon napaghandaan.

Nataranta naman ang dalawa, hindi alam ng mga ito kung ano ang gagawin, hanggang sa bumukas ang pintuan ng boarding house at iniluwa doon ang Manager ni Ryan.

"Gel?" Tawag nito kay Angel na namimilipit sa sakit. Hindi kasi siya mapalagay habang nasa opisina siya kaya naisipan niyang balikan si Angel.

Walang pag-aatubiling binuhat niya ito at dinala sa sasakyan nito, laking pagkagulat naman ng asawa nito ng makita niya ito na buhat buhat si Angel.

"Hon, buksan mo ang backset, kailangan nating madala ang batang ito sa hospital." Taranta namang sumunod ito sa utos ng asawa.

"Ano ba ang nangyari?" Tanong nito sa Asawa.

"Hindi ko alam basta pagpasok ko nakabulagta na iyang bata." Ani nito na nakatuon ang mata sa daan habang nagda-drive.

"Dios ko, ano ba ang nangyayari sa Ryan na iyan, kung ako lang ang Ina ni Angel hindi ko na hahayaan n makalapit pa ang gagong iyon sa anak ko!" Galit na sabi ng asawa ng Manager ni Ryan habang hawak si Angel.

Nang makarating sila sa hospital ay doon lang nila nalaman na buntis pala si Angel, at ang sabi ng Doctor nakunan na ito dahil sa daming lumabas na dugo sa kanya. Pagkatapos itong maasikaso ng mga Doctor ay inilipat ito sa ward. Ang mag-asawang Cruz parin ang nagbabantay sa kanya. Simula ng malaman niyang nalaglag ang bata sa sinapupunan niya ay lagi nalang siyang umiiyak.

"Gel, ayusin mo ang sarili mo, tinawagan ko na ang Mama mo, dalawang araw kana dito pero ganyan ka parin ng ganyan." Ani ni Misis Cruz sa kanya.

"Sorry po Ma'am, naabala ko pa kayo. Hindi ko kasi alam kung ano ang masakit, masakit dahil sa pagkalaglag ng dinadala ko o masakit dahil naaktuhan ng dalawang mata ko na may babae ang asawa ko. Nagtitiis naman ako para sa anak namin dahil hindi ko gusto na lalaki ang anak ko na magiging wasak ang pamilya. Pinipilit ko naman na maging maayos kami, binigyan ko na siya ng second chance, para maayos namin kung ano man ang binuo namin. Siguro nga hindi kami para sa isa't-isa, nakakapagod na kasi magpakatanga, nakakapagod ng umasa na magbabago siya, nakakapagod na maghintay sa kanya na maging responsable siyang ama at asawa sa amin." Ani nito habang lumuluha.

"Tahan na, ang isipin mo nalang ginawa mo na ang lahat, binigyan mo na siya ng second chance. Atleast someday kung hindi man maging buo ang pamilya mo alam mong sinubukan mo, para pagdating ng araw walang what if na katanungan sa isip mo." Ani nito kay Angel.

Sa dalawang araw siyang nasa hospital hindi nagpakita sa kanya si Ryan. Pero nakabuo na siya ng pasya, makikipaghiwalay siya sa kanyang Asawa.

Dumating ang kanyang Ina. "Anak?" Sabay yakap kay Angel, kaya naman mas lalo siyang napahagulhol.

"M-mang." Utal na tawag nito sa Ina.

"Alam ko na ang nangyari, hindi mo na kailangan magpaliwanag. Nasasayo ang desisyon anak, pero kung ako ang tatanungin, hindi ko na gustong makipagbalikan ka pa sa Asawa mo. Bata kapa marami pang oportunidad na darating sa'yo, andito lang kaming pamilya mo na nakahanda na damayan ka sa lahat na magiging desisyon mo." Ani ng Ina niya habang hinahagod ang likod niya.

Makalipas ang tatlong araw ay nakalabas na siya ng Hospital. Nagpasalamat siya sa mag-asawang Cruz.

"Maraming salamat po sa inyong dalawa Ma'am, Sir." Ani nito saka naikipagkamay.

"Walang ano man hija, magdesisyon ka ng tama, hindi lang para sa anak mo kundi para sa sarili mo." Ani ng Ginang sa kanya.

"Opo, salamat po ulit." Tumango naman ang mag-asawa bilang tugon sa kanya.

ILANG ARAW siyang nasa bahay lang nila, hanggang sa maisipan niyang pumunta ng munisipyo, para e-check ang marriage contract nila ni Ryan.

"Hija, hindi talaga namin makita ang record ng marriage contract ninyo." Ani ng registrar na napagtanungan niya.

"Paano po nangyari iyon?" Tanong nito.

"Ganito nalang hintayin mo nalang ang secretary ni Attorney baka hindi niya pa na file iyon." Suhesyon nito.

Naghintay nga siya ng ilang sandali, hanggang sa dumating na ang secretary ng Abogado na nagkasal sa kanila.
"Ikaw ba iyong naghahanap ng record ninyo sa marriage contract?" Tanong nito.

"Opo Ma'am," sagot ni Angel.

"Write your name and your husband name, date kung kailan kayo kinasal at taon." Ani nito saka binigay kay Angel ang isang malinis na papel.

Mga ilang sandali pang paghahanap ng record nila ay ipinaliwag sa kanya kung bakit wala silang marriage contract. " Hindi na process ang marriage contract ninyo, dahil kailangan niyo pang i-comply lahat ng requirements katulad ng mga sumusunod, CENOMAR, Barangay Clearance, Birth Certificate, Confirmation Certificate, Valid ID, marriage counsel at family planning seminar, pagkatapos nito ay ipa-xerox ang mga ito at pumunta na sa city hall para maiprocess na ang mga ito." Paliwanag sa kanya ng Secretary.

Sa haba ng sinabi nito, ay isa lang ang naintindihan ni Angel, invalid ang kasal nila ni Ryan, dahil hindi nila na process ang mga requirements.

"Ibig sabihin po, invalid ang kasal namin kapag hindi namin na process ang requirements?" Tanong parin nito para makasiguro.

"Ilang taon na ang nakalipas Hija, ngayon ni'yo lang ulit binalikan?" Takang tanong nito.

"Naging busy po kami, kaya po ako pumunta ngayon dito, dahil gusto ko lang po makasiguro kung naprocess ba talaga ang marriage contract namin." Ani nito.

"May problema ba? Paano naman namin iyon mapa-process kung hindi kayo nakapasa ng requirements." Tanong nito.

"Wala naman pong problema," pagkakaila nito.

"Kung hindi ni'yo iyan mapa-process, wala kayong magiging marriage contract, invalid ang kasal ninyo, isa lang ang ibig sabihin hindi kayo kasal ng asawa mo, kung gusto ninyong i-process kailangan madaliin niyo dahil this year mag re-retired na si Attorney na kumasal sa inyo, iba na ang papalit sa kanya maaring matabunan ang papeles ninyo, or baka matapun na nila ito." Paliwanag niya kay Angel.

Parang gustong magbunyi ni Angel, hindi sila kasal ni Ryan, invalid iyon hindi siya nakatali sa huli.

Agad niyang binalita iyon sa Ina. Naikinatuwa naman nito. "Mang nakapagdesisyon na po ako, makikipaghiwalay na ako kay Ryan." Ani nito sa Ina.

"Kung iyan ang gusto sususportahan ka namin." Nilapitan naman nito ang Ina saka niyakap.

"Salamat Mang, kahit hindi man ako perpertong anak ninyo, andiyan parin kayo para suportahan ni'yo ako sa lahat ng desisyon ko, sana balang araw makabawi ako sa lahat ng ginawa ninyo sa akin, nagrebelde ako dahil sa pagiging irrisponsable ni Papang, pero wala iyong mabuting dinulot sa aking buhay. Hindi ko man maitatama ang pagkakamali ko, sisikapin ko naman na sa pagkakataong ito magiging mabuting Anak na ako sa inyo. Salamat sa inyo ni Papang." Ani nito sa Ina na lumuluha din, marami siyang natutunan sa nangyari sa buhay niya, hindi niya iyon pagsisihan dahil may isa naman siyang anghel na magbibigay sa kanya ng bagong buhay.

Ilang linggo din bago nagpakita si Ryan sa kanya, sa pagkakataong ito kasama niya na ang mga magulang nito at mga kapatid.

"Kung ano man ang problema ninyong dalawa ayusin ninyo para sa anak ninyo," Ani ng Ama ni Ryan.

"Sorry po maaring hindi niyo po alam kung ilang beses ko ng binigyan si Ryan ng chance, sa pagkakataong ito, sarado na po ang puso sa kanya. Maging Ama muna siya sa anak niya, ipakita niya munang kaya niya na ang obligasyon niya bilang Ama sa anak ko, kapag ginawa niya iyon baka maaring mapatawad ko pa siya, ilang babae pa ba ang dadaan sa kanya? Ilang pagkakataon pa ba na hindi siya maging Ama sa anak namin? Nakakapagod na po maghintay, nakakapagod narin po akong umintindi, nakakapagod narin na pakisamahan ang isang tulad niya na hindi ko alam kung ano ang plano sa buhay. Mas mabuti na pong maghiwalay kami, kisa naman lulubog lilitaw siya sa amin ng anak niya." Ani ni Angel sa ama ni Ryan.

"Paano ko mapapatunayan sa'yo na nagbago na ako kung hindi tayo magsasama? Paano ko gagampanan ang pagiging Ama ko kung gusto mong magkahiwalay tayo?" Lakas loob na tanong ni Ryan, na para bang nasisiguro niyang patatawarin siya ni Angel.

"Magagawa mo ang obligasyon mo bilang ama sa anak mo kahit magkahiwalay tayo, kung gusto mong magbago ipakita mo, baka sakaling lumambot ang puso ko at ako na mismo ang lalapit sa'yo." Sagot ni Angel sa kanya.

"Bakit ba gusto mong makipaghiwalay sa akin? May bago na ba? Kung mayroon man, hindi ka magiging kanya dahil kasal tayo!" Ani pa nito kay Angel.

"Kasal? Sigurado kang kasal tayo? Hindi na process ang marriage contract natin, kaya invalid ang kasal natin, kaya huwag mong gawing pangtakot iyang sinabi mong kasal, dahil kung alam ko lang dati pa na invalid iyong kasal natin di sana matagal na ako nakipaghiwalay sa'yo." Ani ni Angel.

Lumuhod na naman ito sa harapan ni Angel. "Pero sa pagkakataong ito, naging bato na siya, paninindigan niya na ang desisyon niya.  

BATANG INA                                                    by: Lee Ann PradasTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon