FINALE

4.9K 124 22
                                    

  NATAPOS ANG USAPANG iyon, wala narin nagawa ang pamilya ni Ryan sa desisyon ni Angel, matapang niya iyong pinanindigan.

Para naman siyang nabunutan ng tinik sa dibdib, magsisimula siya sa bagong kabanata ng buhay niya kasama ang anak nito.

Kahit lumuhod at umiyak pa si Ryan buo na ang pasya niya. "Wala na magagawa ang pagluhod at pag-iyak mo, nakapagdesisyon na ako, kung gusto mo maging Ama sa anak natin, walang problema open ka sa kanya anytime," ani nito kay Ryan.

Sabay baling sa pamilya ni Ryan. "Kahit kayo din po anytime puwede niyong makita si Baby." Ani niya, saka magalang na nagpaalam sa lahat.

Laglag ang balikat na nililigpit ni Ryan ang mga gamit niya sa bahay nila ni Angel. Magsisi man siya wala narin siyang magagawa.

Sumama na siya sa kanyang magulang na umuwi sa bahay nila. "Wala kang ibang sisihin kundi ang sarili mo, kaya harapin mo iyan." Ani ng Ina nito sa kanya.

Parang gusto niyang magwala dahil sa galit, galit dahil hindi na siya pinatawad ni Angel, galit dahil pati mga magulang niya ay kinasusuklaman siya.

LUMIPAS ang araw at buwan masayang namumuhay ang mag-ina. Nakabalik ng trabaho si Angel sa Mall na pinagtratrabahuan niya dati. Kung tutuusin pala kayang-kaya niya namang buyahin ang anak, siya lang ata ang hiwalay sa asawa na masaya, nag fucos siya sa kanyang trabaho, anak at pamilya niya lang ang iniisip niya. Gusto niyang makabawi sa mga kapatid at magulang niya kaya lahat ng pagkakayod ay ginawa niya.

"Gel, attend ka sa birthday ko." Ani ng isa sa mga naging kaibigan niya sa Mall.

"Kailan ba?" Tanong nito.

"Bukas, mag ba-bar hopping tayo kasama sina Ma'am." Ani nito na ang tinutukoy ang department head nila. "Opppss, don't tell me na nagdadalawang isip ka? Minsan naman bigyan mo ng break ang sarili mo, masyado kang seryoso sa trabaho." Ani pa nito.

"Alam mo naman ang nakaraan ko, ayaw ko ng magkamali ulit, kaya kung kaya kong iwasan ang mga ganyang bagay iiwasan ko." Sagot nito sa kaibigan.

"Gel, pinagdaanan mo na iyon diba? Bakit ka natatakot sa nakaraan kung alam mo naman na kaya mo nang harapin ang sakalukuyan. Niyaya kita para naman makapagrelax ka, para naman masubukan mo ang mga bagay na na skip mo sa pagkadalaga mo, hindi kita yayain para maging tulad ka na naman sa nakaraan, gusto ko lang masaya ka, masubukan ang mga bagay bagay pero alam dapat ang limitasyon." Ani nito kay Angel.

"Sus, dami mo pang sinabi, Oo na sasama na ako." Ani nito sa kaibigan.

"Yes!" Para namang nanalo sa lotto na sigaw ng kaibigan niya.

Kinabukasan, pumunta nga sila sa isang bar, halos lahat sila ay magkakatrabaho, inuman, sayawan at tawanan ang nangyari, nag-enjoy silang lahat. Pati si Angel ay nag-enjoy ito pala ang mga bagay na naskip niya sa buhay niya simula ng magkaanak siya, ang mag-enjoy na kasama ang mga kaibigan. May natutunan na naman siya, pweding mag-enjoy kasama ang mga kaibigan basta alam mo kung hanggang saan ang limistasyon mo. Natapos ang gabing iyon na masaya natagpuan niya ang sarili niya, na hindi naman kailangan ng isang lalaki para mapangiti, masaya ka. Dahil may mga kaibigan at pamilya pa na pweding magpasaya at magmamahal sa iyo ng totoo.

Pinatunayan niya sa pamilya niya na makakabangon siya sa kanyang pagkakadapa.

Kahit gaano siya ka busy sa trabaho ay sinisigurado niyang may oras parin siya sa anak niya. Matuling lumipas ang araw at buwan. Mag-iisang taon na pala silang hiwalay ni Ryan, wala na siyang balita dito simula ng huling pag-uusap nila.
Dumating ang Ama niya galing abroad napag-usapan nila na pag-aaralin siya kahit dalawang taong kurso lang. Hindi niya naman iyon tinanggihan, dahil alam niyang iyon ang makakabuti sa kanya at sa anak niya.

Taon pa ang lumipas nakapatapos siya ng kanyang pag-aaral sa kursong HRM agad siyang nag-apply sa abroad, para makabawi sa mga magulang, kahit labag sa loob na iwan ang anak ay ginawa niya para sa kinabukasan nito.

"Anak, mag-iingat ka doon ha, pwede naman na dito ka nalang magtrabaho." Ani ng Ina niya.

"Mang kakayanin ko po, para po sa inyo at sa anak ko, babawi po ako sa lahat na nagawa ko sa inyo." Ani nito sa Ina habang nagliligpit siya ng gamit sa bag niya.

Nag-apply siya bilang isang waitress sa Dubai. Kailangan niyang gawin iyon para mabigyan ng magandang buhay ang anak kahit pa ang kapalit noon ay ang malayo sa pamilya.

Halos isang buwan na siya sa Dubai pero iyak parin siya ng iyak dahil miss na miss niya na ang anak, hindi pala ganun kadali pag sa ibang bansa ka, kahit pa sabihin man natin lakasan lang ng loob, nangingibabaw parin ang pangungulila sa pamilya.

"Why you always crying." Tanong ng manager niya sa kanya ng pinatawag siya.

"I'm sorry Ma'am, I just missed my family." Ani nito.

"I understand your situation, but you need to be strong for them, you come here to work to earned a money for your family future, so you must to concentrate on your work." Ani ng Manager niya.

"I'm sorry again Ma'am." Hinging paumanhin nito.

"You don't need to apologized just do your job well." Ani nito.

Pagkatapos ng pag-uusap na iyon sinikap ni Angel na huwag na munang isipin ang pangungulila niya sa anak. Kailangan niyang mag sakripisyo para dito.
Hanggang sa makasahod na siya bumili agad siya ng bagong cellphone para makagamit ng social media na sabi ng mga katrabaho niya. Malaking tulong daw iyon sa pangungulila niya sa pamilya niya, at tama nga ang mga ito, kahit papano naka-adjust na siya sa malayong lugar.

Hanggang isang gabi, habang nag che-check siya ng Facebook niya, biglang may nag friend request sa kanya. Si Andrew, nagdadalawang isip naman siyang i-accept iyon kaya hinayaan niya na muna, alam niya sa sarili niyang mahal niya pa si Andrew, pero isasantabi niya iyon para sa anak niya at para narin kay Andrew. Ayaw niya ng gumawa ulit ng maling desisyon, tama na iyong ilang beses siyang naging tanga at nagpakatanga.

Ilang araw at linggo ang lumipas, kahit papano na-e-enjoy niya ang trabaho niya sa ibang bansa, nalampasan niya na ang sinasabi nila na stage of adjustment.
Nagbabasa siya ng pocket niya ng tumunog ang cellphone niya, day off niya ngayon, pero hindi siya lumabas, gusto niya lang magpahinga.

"Hello." Ani nito sa malambing na boses.

"Gel," ani naman ng nasa ka bilang linya kaya napaupo naman ng matuwid si Angel.

"Drew? Paano mo nakuha ang number ko?" Tanong nito sa huli.

"Kay Anne, kailangan ko pa talagang magmakaawa sa kanya para lang makuha ko ang number mo." Sagot naman nito.

"Drew." Tanging nasabi niya alam niyang nandito din si Andrew sa Dubai, pero hindi niya inisip na mag ku-krus ang landas nila.

"Matagal na akong nag friend request sa'yo, pero hindi mo naman ina-accept." May himig pagtatampo na sabi nito.

"Drew, alam mo naman ang dahilan diba?" Ani niya.

"Iyon na nga eh, wala akong kaalam-alam kung bakit mo ako iniiwasan, gusto lang naman kita makita lalo pa't sa iisang bansa lang tayo." Ani nito.

Napabuntong hininga naman siya. "Drew, alam mo naman na iniiwasan kita dahil ayaw ko ng gulo lalo na sa'yo."

"Ano bang gulo ang iniiwasan mo Gel? Please kita naman tayo, bago ako magpakasal." Sa narinig ay biglang lumuwag ang hawak niya sa cellphone niya.

"Magpapakasal kana?" Tanong niya.

"Oo," maikling sagot nito, sabagay ilang taon na din naman sila noong girlfriend nito bakit magtataka pa siya.

"Okay, kita tayo, kailan ka ba available?" Tanong nito kay Andrew, wala naman sigurong masama kung magkikipagkita siya kay Andrew, beside matagal na naman nila natuldukan ang sa kanila masyado lang siguro siyang umaasa na hanggang ngayon siya parin ang mahal ni Andrew.

"Day off ko ngayon." Sabi nito kay Angel. Kaya ng araw na iyon ay nakipagkita siya kay Andrew.

Sa Dubai Mall nila napagkasunduan na magkikita. Agad niya namang nakita si Andrew na nag hihintay sa intrance ng Mall.

"Kanina ka pa ba?" Tanong nito kay Andrew.

"Nope kararating ko lang din ani nito. Halika kana kain muna tayo." Aya sa kanya ng binata sabay kuha ng kamay niya at sabay silang pumasok sa mall.

"Drew, namamawis na ang kamay ko." Ani nito ng mapansin na kanina pa nakahawak ang palad nito sa palad niya.
Kumuha ito ng panyo saka pinunasan iyon, katulad ng ginagawa nito noong magkasintahan pa sila. Parang gustong maiyak ni Angel. Parang gusto niyang haplusin ang mukha ni Andrew para maparamdam sa binata ang pagmamahal niya. Pero pinigilan niya ang kanyang sarili dahil alam niyang pag ginawa niya iyon babalik sila sa dati ni Andrew ayaw niyang may masaktan na naman siya, dahil alam niyang mahal na mahal ito ng girlfriend niya o mas tamang sasabihin na fiancee nito.

Nag-order na sila at kumain pagkatapos kumain ay niyaya siya ni Andrew manuod ng sine. Parang nag di-date lang silang dalawa.

"Drew dapat nagtitipid kana, sooner or later magkakapamilya kana, mas maganda parin na may ipon ka." Ani nito kay Andrew ng matapos silang manood ng sine.

Bumili ito ng snacks nila kasa pumunta sila sa hindi masyadong ma taong park.

Umupo sila sa isang bench habang nag-uusap. "Ano ka ba ngayon nga lang kita na libre pipigilan mo pa." Kunwa'y pagtatampo nito.

Kinurot niya naman ito sa ilong, dahil cute na cute siya sa itsura ng binata habang nakabusangot. "Ikaw huwag ka ngang umakting diyan na parang may utang ako sa'yo." Ani nito.

Hinagip naman ni Andrew ang kamay saka umupo ito sa harapan niya. "Malaki ang utang ko sa'yo," panimula nito na ikinapagtaka ni Angel.

"Kulang pa itong panglilibre ko sa'yo kung tutuusin, dahil kung ano man ang narating ko ngayon, ikaw ang dahilan, kung wala ka baka isa parin akong magsasaka, dahil sa'yo, I tried to strive dahil ang nasa isip ko noon ay kailangan kong mag sumikap para mabigyan kita ng magandang buhay, para hindi kana masasaktan ng papa mo, para maranasan mo ang buhay prinsesa na ako ang kasama." Ani nito na nagpaluha kay Angel.

"Drew, please, we already talked about this right?" Ani nito.

"Yes I know, I just want to let you know lang naman na ikaw ang dahilan ng tagumpay ko, alam mo ba nang mabalitaan kong hiwalay na kayo ng asawa mo, ang saya-saya ko, dahil sa isip ko may pag-asa na ako sa'yo. Pero hindi pala ganun kadali iyon dahil may tao pala akong masasaktan." Paliwanag ni Andrew sa kanya.

Wala siyang masabi hinayaan niya nalang ang binata na magsalita. "Alam mo ba, bakit kita niyaya ngayon? Dahil gusto kung tanungin ka sa huling pagkakataon." Ani nito.

"Ano ang ibig mong sabihin?" Sa kinakabahang tanong ni Angel.
"Gel, pag sinabi ko bang hihiwalayan ko siya, magpapakasal kaba sa akin?" Tanong nito na animo'y napaka simple ng sagot.

"Drew, ano ba ang pinagsasabi mo?" Pilit niyang kinakalma ang sarili dahil parang gusto niyang sagutin ang tanong ni Andrew na Oo, pero naisip niya ang anak niya being with Andrew in the future is like a gamble, isang sugal na walang kasiguraduhan kung siya'y mananalo, She don't want to risk again lalo pa't may anak siyang nangangailangan ng isang Ina. She's willing to sacrifice her own feelings to Andrew para lang sa anak niya. Tama na iyong naranasan niyang magmahal at mahalin ng isang katulad ni Andrew.

"Please Gel." Pakiusap nito.

"Drew, alam mong hindi pwede, ikakasal kana at ako masaya na ako na ang anak ko lang ang kasama ko, kahit pa sabihin kung mahal kita hindi parin ako susugal sa pagmamahal ko sa'yo dahil ramdam kong hindi tayo ang nakatadhana, so please huwag na nating ipilit." Ani ni Angel kay Andrew.

Hilam sa luha na inabot ni Andrew ang mukha ni Angel. "Siguro nga hindi tayo tinadhana ngayon, pero umaasa parin ako na sa kabilang buhay ikaw na at ako." Hindi narin mapigilan ni Angel ang lumuha. Si Andrew ang pinakamagandang pahina ng buhay niya, mahal nila ang isa't-isa pero hindi sila ang nakatadhana.

Pagkatapos ng madamdaming usapan nila ay nalaman niyang pauwi na pala ito sa Pilipinas sa sunod na araw kaya naman sinulit nila ang huling araw na silang dalawa lang, naglibot sila sa Dubai, kumain, tumawa at nagkwentuhan. Dahil alam nilang dalawa na pagkatapos ng araw na iyon, ibabaon na nila kung ano man ang naramdaman nila sa isa't isa, si Andrew para sa kanyang magiging asawa at siya naman ay para sa kanyang anak.
Nagkahiwalay silang dalawa na magaan ang pakiramdam, siguro nga natanggap na nila na hindi talaga sila para sa isa't isa.

Lumipas ang panahon natapos na ang kontrata niya, nakaipon siya para makapag-umpisa ng pinaplanong business niya. Umuwi na siya sa Pilipinas at ginampanan ang pagiging Ina sa anak niya.

Nabalitaan niyang nagpakasal na nga si Andrew. Si Ryan naman ay nag-asawang muli at may anak narin ito sa bagong asawa.

Sa dalawang lalaki sa buhay ay marami siyang natutunan, hindi naman importante kung ilang beses kang nadapa at nagpakatanga ang importante ay kung paano ka babangon sa pagkakadapa.

Tinatanaw niya ngayon ang pinapatayo niyang Restaurant na may ngiti sa labi, ilang beses siyang nadapa, ilang beses naging tanga, pero ito siya ngayon buo ang pagkatao dahil sa kanyang anak at sa tagumpay na nakamtan. Kung naging tanga man siya noon, ginawa niya lang ang nararapat, para sa huli wala na siyang pagsisi.

Ang maging batang Ina ay hindi madali, kailangan bago mo pasukin ang pagiging Ina handa ka, siguraduhin mong kaya mo, dahil ang pagiging Ina ay napakahirap, dapat handa ka ding i-sakripisyo ang sarili mong kaligayagan para sa anak mo, dahil isang buhay din ang nakasalalay sa mga kamay mo bilang Ina. Naranasan niya lahat ng hirap pero nalampasan niya iyon, tiwala at pananalig lang ang kailangan.

Sa ngayon mamumuhay sila ng kanyang anak at kanyang pamilya ng maayos, masaya at matiwasay. Lalo pa't malaki na ang pinagbago ng kanilang ama. Marahil tama nga ang kasabihan, Things happen for a reason.  

BATANG INA                                                    by: Lee Ann PradasTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon