Chapter 11

2.5K 71 0
                                    

  PUMUNTA SI ANGEL sa kanyang tiyahin pero wala ito dahil may pinuntahan at sa isang linggo pa ang uwi kaya sarado ang Groceries nito. Napabuntong hininga si Angel, hindi alam kung saan pupunta. Sumukay siya ng jeep, saka sinubukang pumunta sa Botika para maibili ang resita, pero laking panlulumo niya nang dalawa lang sa limang resita ang nabili niya sa isang libo.

"Paano na ito?" Tanong niya sa sarili, habang pinipigilan ang luha. Basta nalang dinala siya ng mga paa niya sa boarding house ng mga naging kaibigan niya. Naabutan niya ang mga ito na nagtatawanan.

"Gel?" Gulat na wika ni Grace, agad naman napabaling ang lahat sa gawi niya at tumayo ang mga ito saka nilapitan siya. Hanggang sa nararamdaman niyang bumibigat ang mata niya at biglang nawalan ng malay, buti nalang maagap si Arnold at Edric kaya nasalo siya.

Mga ilang minuto pa bago siya nagising, habang sapo-sapo ang ulo nito. "Ano'ng nangyari?" Tanong nito ng wala siyang may naalala.

"Nahimatay ka." Sagot ni Irine sa kanya.

"Ito nga nagluto kami ng noddles." Ani ni Grace habang bitbit ang umuusok pa na niluto nito.

Para namang biglang kumalan ang sikmura niya dahil sa naramdamang gutom.

Agad niyang kinain ang binigay ng mga kaibigan, napatitig lang ang lahat sa kanya. "Gel, hindi naman halatang gutom ka ano?" Pansin ni Irine.

"Pasensiya na kayo, aside sa gutom talaga ako, nagmamadali din akong makabalik sa Hospital." Ani nito na hinihingal pa.

Nagkatinginan naman ang lahat, saka inabot ang sobre kay Angel. Nagtatakang tinanggap niya iyon. "Nakita namin ang resita kaya nag ambag-ambag kami para makabuo ng pera." Ani ni Arnold, hindi naman maiwasan ni Angel ang pangilidan ng luha, buti pa sila naiintindihan ang sitwasyon niya, pero ang sariling Ama ng anak niya wala lang naman may magawa.

"Wala ka bang contact kay Ryan?" Tanong ni Edric.

"Mayroon, pero ang sabi wala naman daw siya magagawa dahil wala naman daw siyang trabaho." Napakuyom naman ng kamao si Arnold. Halatang naiinis kay Ryan.

"Basta kung kailangan mo ng tulong andito lang kami ha," ani ni Grace sabay yakap sa kanya, kahit papano ang swerte niya sa mga kaibigan niya.

Sinamahan siya ng mga ito para bilhin ang resita. Binayaran na lahat ni Arnold ang kulang. "Dadalaw nalang kami bukas kay baby," ani ng lahat habang hinihintay nilang makasakay si Angel.

Tumango naman si Angel sa kanila, saka nagpasalamat at sumakay na ng sasakyan. Maluwag ang jeep na sinakyan niya, kaya naman pinatong niya ang plastic bag niya sa upuan saka may hinahalungkat doon, hindi lang naman siyang nag-abalang lingunin o tapunan ng tingin ang mga katabi at kaharap.

Maya-maya ay tumigil ulit ang jeep may bumaba, doon lang siya napaangat ng tingin. Nabigla pa siyang nakitang nakatitig si Andrew sa kanya habang may naka abresyite sa mga braso nito, nakatulog ang katabi nitong babae. Para namang may kurot siyang naramdaman.

"Drew?" Tawag niya kay Andrew ng makabawi. Dahil siguro napalakas ang boses niya kaya nagising ang babaing katabi nito.

"Nasaan na tayo?" Tanong nito kay Andrew.

"Malayo pa, puwede ka pang matulog sagot naman ng huli.

Nang mapagawi ang tingin ang babae sa kanya ay parang na bigla pa ito.

Nang mahalata naman iyon ni Andrew ay pinakilala niya ito kay Angel. "Gel, si...." hindi na natuloy ni Andrew ng magsalita ang kasama nito.

"Ivy, Andrew's girlfriend," ani nito sabay lahad ng kamay kay Angel. Nabigla man ay tinanggap parin nito ang pakikipagkamay ng babae sa kanya.

Sabay tingin kay Andrew na parang nagtatanong ang mata na totoo ba? Umiwas naman ng tingin si Andrew kaya alam ni Angel totoo ang sinasabi ng babae sa kanya. Palihim niyang pinagmasdan si Andrew dahil gusto niyang makasiguro, pero laking dismaya niya nang hindi niya makita ang gustong makita kay Andrew, ang bracelet.

Parang gusto niyang maglulumpasay sa iyak, hindi niya alam kung bakit ganun nalang kasakit ang naramdaman niya. Halos gusto niya ng paliparin ang jeep na sinasakyan niya para makarating na siya sa Hospital.

Wala ng may nagbukas ng usapan sa kanilang tatlo. Hanggang sa natatanaw na ni Angel na malapit na siya.

Kung kailan naisipan ni Andrew na magtatanong kay Angel saka naman ito pumara.

"Kuya, sa tabi lang po," saka tumingin sa gawi nina Andrew. "Mauna na ako sa inyo." Ani nito na pinipilit buoin ang boses.

Nagmamadali siyang bumaba sa jeep, ayaw niya nang lumingon pa sa gawi ni Andrew.

Nagtataka si Andrew kung bakit bumaba na si Angel. Para masagot ang katanungan agad nitong tinawagan si Anne. "Anne, may problema ba si Angel?" Agad na tanong nito sa kabilang linya.

"Drew, ikaw pala. Oo nasa hospital ang baby niya," sagot ni Anne sa kanya.

"Huh? Kailan pa?" Tanong nito.

"Kagabi lang." Ani ni Anne.

"Punta ako sa bahay ni'yo mamaya ha, mag-uusap tayo." Ani nito sabay baba ng cellphone niya.

"Akala ko iiwasan mo na siya?" Tanong ni Ivy sa kanya. "Iyang reaction mo daig mo pa ang asawa ng Angel na iyon," wika ni Ivy sa kanya.

Tiningnan lang ito ni Andrew, saka napabuntong hininga, kaklase niya si Ivy at ka boarding house din kaya naging close silang dalawa, lagi nga silang tinutukso ng mga kaboardmate nila, pero malinaw sa kanilang dalawa ni Ivy na magkaibigan lang sila. Minsan kasi, nanghiram siya kay Ivy ng cellphone para tawagan si Angel, kinausap siya ng huli na kailangan niya ng mag move-on, para makapagsimula siya ng bagong buhay at nangako ito na tutulungan niya si Andrew na maka move-on at inumpisahan niya na kanina.

Agad na dumeritso si Andrew kina Anne. Nakiusap ito sa huli, na mag-aabot siya ng tulong para kay Angel.

"Ikaw na kaya ang personal na magbigay sa kanya niyan Drew," ani nito kay Andrew.

"Ikaw nalang, ayaw ko nang makita siya sa ganuong sitwasyon, at alam ko tatangihan niya lang ang tulong ko kapag ako mismo ang nagbigay." ani nito, saka nagpaalam na kay Anne.

Agad naman pumunta ng Hospital si Anne at inabot ang pinabibigay ni Andrew. "Akala ko wala kang pera?" Takang tanong ni Angel ng inabot ni Anne ang sobre sa kanya.

"May nahiraman kasi ako," pagsisinungaling nito.

Agad naman binuksan ni Angel ang sobre, pati si Anne ay nabigla din sa laman ng sobre.

"Anne, bakit ang laki nito? Saan ka nakahiram ng ganito kalaking pera, at paano mo mababayaran ang sampung libo na ito?" Tanong nito.

"Huwag mo nang isipin iyon, ako na ang bahala," ani niya ulit, ka bilin-bilinan kasi ni Andrew na huwag ipaalam kay Angel na galing ang pera sa kanya.

"Thank you bhes ha," sabay yakap sa kaibigan.

"Hindi ako makahinga bhes," reklamo nito.
Parang nakokonsens'ya naman ito, dapat kasi si Andrew ang pinapasalamatan nito at hindi siya.

LUMIPAS ang buwan, nabalitaan nalang ni Angel na may kinakasama na si Ryan sa Manila. Ang sakit sakit ng naramdaman niya hindi para sa sarili kundi para sa anak nito, kaya pala halos hindi niya na ito makausap, at hindi rin ito nagpapadala ng suporta sa kanila.

Tinago niya iyon sa magulang niya dahil ayaw niya itong mag-alala ang mga ito sa kanya. Nagpatuloy siya sa pagtratrabaho sa kanyang tiya, hanggang nagdesisyon ang Ama niya na mangibang bansa para makatapos ng kolihiyo ang mga kapatid niya.

Malaki ang pagbabago ng kanyang Ama, na ikinasiya niya, hindi na ito masyadong naging istrikto sa mga kapatid niya at ang pinakamaganda sa lahat ay mahal na mahal nito ang anak niya.

Lumipas ang taon wala na talaga siyang contact kay Ryan kaya naman inamin niya na sa magulang ang totoong dahilan.

"Anak, bakit ngayon mo lang sinabi?" Tanong ng Ina niya sa kanya.

"Nahihiya at natatakot kasi ako Mang, marami na akong nagawang perwisyo sa inyo, kaya po nahihiya na po akong idagdag pa ito." Ani nito.

Niyakap naman siya ng kanyang Ina. "Pamilya mo kami, kami ang unang dadamay sa'yo kung may problema ka. Alam mo ba kung bakit nag-abroad si Papang mo?" Hindi siya sumagot hinayaan niya lang ang Inang magsalita. "Dahil gusto niyang makabawi sa mga panahong hindi siya naging mabuting Ama sa inyo." Ani ng Ina niya, kaya naman hindi niya mapigilan ang luha. Higit kanino man ang pamilya ang unang dadamay sa kanya.

May taon narin silang walang communication ni Andrew simula ng malaman niyang may girlfriend na ito ay nag fucos na siya sa kanyang trabaho at sa anak niya. Si Ryan naman ay paminsan-minsan tumatawag na ulit sa kanya.

"Anong sinasabi mong ayaw mo na?" Tanong nito na animo'y siya pa ang nakagawa ng kasalanan.

"Ry, ikaw ang nangaliwa, ikaw ang nagpabaya, tapos tatanungin mo ako kung bakit ayaw ko na?!" Naiinis nitong sabi.

Bigla namang natahimik ang nasa kabilang linya. "Pero kahit sabihin mong ayaw mo na, asawa parin kita, dahil kasal tayo. Baka nakakalimutan mo iyan." Ani nito.

Oo nga biglang nakalimutan ni Angel na kasal nga pala sila ni Ryan.

Sumasakit ang ulo ni Angel kung ano nga ba ang gagawin, habang tinitigan niya ang anak ay naaawa siya dito, pero pagod na siya kay Ryan habang tumatagal ay unti-unting nawawala kung ano man ang naramdaman niya dito dati.

"Pa...pa...." ungol ng anak niya, habang nakapikit ang mata, marahil nanaginip ito. Magdadalawang taon na ang anak niya kaya kahit papano nakakapagsalita na ito ng maiikling words.

Nang marinig ang ungol ng anak ay bigla siyang naawa sa anak. Alam niyang hindi maganda kung walang amang kamumulatan ang anak niya, ayaw niya din naman maging broken family pero nalilito siya kung kaya niya pa bang tanggapin si Ryan. Hanggang sa nakatulugan niya na ang pag-iisip.

BATANG INA                                                    by: Lee Ann PradasTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon