Chapter 4

2.7K 63 0
                                    

  LUMIPAT NGA SI Angel ng boarding house. Dahil laging short sa allowance halos si Ryan na ang gumagastos sa kanya nang magsimula ang second sem.

Kaya hindi niya narin mapigil ang mahulog sa kasintahan lalo pa't nasa iisang bubong sila· Ryan did everything to her sa kanilang pagsasama sa iisang bubong nagbuhay prinsesa siya na pinagsisilbihan ni Ryan.

"Hon, gising na...." panggigising ni Ryan kay Angel isang umaga. Minulat niya ang ang kanyang mga mata nakangiting kasintahan ang bumungad sa kanya, gwapo din naman ito malakas din ang appeal lalo na pag sumasayaw, may kaputian din ito dahil narin siguro hindi ito nasasabak sa sakahan tulad ni Andrew. Nasa 5'6" ang hight nito which is mas matangkad si Angel tingnan pag magkatabi sila.

"Good morning." Bati nito sa kasintahan habang kinukusot ang mata para mawala ang panlalabo no'n.

"Good morning too hon, nakaprepared na ang tubig na ipapaligo mo, mainit-init pa iyon." Ani ni Ryan, nakaugalian na ng huli ang asikasuhin si Angel.

"Salamat." Tanging na sagot nito saka tumayo na at pumunta sa banyo. Napangiti nalang siya ng makita niyang nakaprepared na doon ang lahat tulad ng towel at personal undies niya. Habang naliligo ay di maiwasan ni Angel ang mapangiti napakaswerte niya kay Ryan.

Pagkatapos niyang maligo ay tinawag na siya ni Ryan para kumain ng agahan. Nakapagluto na ito pati ang paglalagay ng pagkain sa plato n'ya ay ang kasintahan pa. "Masyado mo naman akong binibaby." Napasimangot na reklamo ni Angel.

"Masanay kana dahil araw-araw ko nang gagawin ito sa'yo kahit mag-asawa na tayo." ani nito na ikinatigil ni Angel sa pagsubo tiningnan ang gawi ni Ryan habang busy sa pagkain. Then she just smile. Alam niya magiging responsible ito balang araw dahil sa pinapakita nito sa kanya ngayon, ano pa ba ang hihilingin niya kay Ryan maalaga, mapagmahal, masipag. Gigising nalang siya kakain, maliligo pati ang uniform at sapatos na naka prepared narin.

Pagkatapos nilang kumain ay sabay na silang pumunta ng iskwelahan habang nagkahawak-kamay. Lingid sa kaalaman ni Angel may taong nasasaktan habang siya ay masaya sa feeling ni Ryan.

NAPAPIKIT SI ANDREW nang makita si Angel na may kaholding hands. Ibabalita niya sana kay Angel na nakapasa siya sa scholarship naibinigay sa kanila ng TESDA, kaya next year makakapag-enroll na siya sa kolihiyo.

"Drew?" Napalingon siya sa tumawag sa kanya.

"Anong ginagawa mo dito?" Tanong ng pinsan niya sa kanya na nag-aaral din doon.

"Ate! Ah.... Eh.... Anu... ah..." hindi alam na sasabihin ni Andrew dahil sa sakit na naramdaman niya.

"Si Angel ba?" Napabuntong hininga na tanong ng pinsan nito mas matanda ito sa kanya ng dalawang taon.

Hindi na nakasagot si Andrew nagpaalam na ito sa pinsan, naiiling na tinanaw nalang ng tingin nito ang huli。

Matuling lumipas ang araw midterm exam na naman nina Angel.

"Uwi pala ako mamayang hapon sa bahay ha." Paalam nito kay Ryan habang kumakain sila.

"Sige, sakto kasi pinapauwi din ako ni MaMa dahil may pupuntahan kaming salo-salo." Sagot din nito.

Kailangan niyang umuwi para humingi ng pambayad ng kanyang matrikula. Pagdating sa bahay nila ay naabutan niya ang kanyang Ina na nagbabalot ng ice candy, kaya tinulungan niya ito.

"Mang, midterm na po namin." Alangang wika ni Angel sa Ina.

"Hintayin mo si Papang mo, subukan mong humingi sa kanya narinig ko kasing nakasahod na sila." Ani ng Ina niya, kahit papano umaasa si Angel na may ibibigay sa kanya ang Ama.

Anong oras na wala parin ang Ama nito, nakatulugan niya nalang ang paghihintay. Pagkagising niya kinaumagahan ay naglinis siya ng buong bahay nila, maaga ding umalis ang Ina nila dahil naglalabandera ito sa malapit na kamag-anak nila, nagtataka siyang tahimik ang bahay nila marahil tulog pa ang Ama nito.
Pagkatapos niyang maglinis ay nagluto narin siya ng pananghalian nila. Tinawag ang mga kapatid para pkumain.

"Bunso, katukin mo na si Papang kakain na tayo," utos nito sa bunso nilang kapatid.

"Ate, wala si Papang hindi pa siya nakakauwi." Sagot ng isa niyang kapatid.

Hindi maiwasan na kabahan si Angel, parang nagka phobia na ata siya sa kanyang Ama simula noong nabugbog siya ng husto nito. Pagdating sa ibang tao mabuting tao ang Ama niya, kaya naman kilala ito ng marami sa lugar nila madali itong lapitan ng lahat pero bakit pagdating sa kanila parang ang layo ng loob nito sa kanila. Hindi niya mapigilan ang mapaluha sana man lang maisipan ng Ama nila na maging isang huwarang Ama sa kanila.

"Ate, bakit ka umiiyak?" Tanong ng nag-iisang lalaking kapatid niya.

"Huh? Wala na puwing lang ako," ani nito saka pinagpatuloy ang pagkain. Hindi pa sila nakakatapos ng pagkain ay dumating ang Ama nila.

"Pang, kain na po." Ani ni Angel sa Ama, wala naman itong imik na umupo sa mesa, kaya dali-daling naghain si Angel para dito.

Naghahanap ng magandang tyempo si Angel para humingi ng pera sa Ama. Huminga muna ito ng malalim bago nagsalita.

"Pang?" Tawag nito sa Ama, nakatayo ito sa tabi nito. Hindi ito sumagot, kaya nagpatuloy ito sa pagsasalita. "Mid term na po namin, hihingi sana ako ng pang bayad para sa exam." Ani nito, napatigil ang Ama niya sa pagsubo.

"Wala akong pera," sagot nito.

"Pang sige na po, kahit magkano lang para lang po maka-exam ako," pakiusap nito sa Ama.

Binitawan naman ng Ama niya ang kutsara nito saka hinarap siya. "Sino ba ang nagsabi sa'yo na mag-aral ka?!" Pasigaw na tanong nito.

Gusto man sagutin ni Angel ang Ama pero wala siyang lakas ng loob. "Pag wala kang pambayad sa exam mo, tumigil ka sa pag-aaral mo....., buwisit!" Sabay tayo nito at tinalikuran siya.

Nagpupuyos naman sa galit si Angel, napaiyak siya sa galit sa Ama. "Wala talagang kwentang Ama." Ani nito habang nakakuyom ang mga palad, nagrerebelde ang utak niya.

Pagdating ng Ina ay umiiyak siyang nagsumbong dito. "Hahanapan ko nalang ng paraan anak, para maka-exam ka." ani nito.

Gaya ng sinabi ng Ina ay naghanap nga ito ng paraan, ngunit sa kasamaang palad ay wala itong may mahiraman.

"Nak, baka puwede ka munang makiusap na sa susunod ka nalang magbabayad." Ani ng Ina. Ano pa nga ba ang magagawa niya.

"Okay po mang susubukan kung mag promissory note, kung pwede kulang din kasi iyong pang-enroll ko no'ng una." Ani nito.

Kinahapunan nag-ayos na siya para bumalik sa boarding house niya.

"Oh, anak, babalik kana ba?" Takang tanong ng Ina nito sabado palang naman kasi kadalasan linggo ng hapon ang balik niya, pero gusto niya munang makaalis sa bahay nila, pagsaing niya kanina wala na silang bigas sasakit lang ang loob niya sa kakaisip baka masagot niya pa ang Ama nito.

"Opo Mang, may project pa kasi akong gagawin," pang dadahilan niya sa Ina.

Alam niyang wala siyang makakasama o maabutan sa boarding house dahil kadalasang balik ng mga kaboardmate nila ay linggo ng hapon.

Mas okay na iyon para mapag-isa siya alam niya din naman kasing wala din si Ryan. Habang nasa byahe ay gusto niyang umiyak, dahil ang tanging dala niya lang para sa isang linggo ay ang talong, talbos ng kamote at ang tuyo, at binigyan lang siya ng mama niya ng isang daan, paano niya pagkakasyahin iyon sa isang linggo, babawasan pa iyon ng pamasahe niya. Lalo pa't sa ibang lugar ang NSTP nila.

Pagdating sa boarding house agad siyang pumasok sa silid at binuhos ang luhang kanina pa gustong tumulo. Nakatulugan niya nalang ang pag-iyak, hanggang sa maramdaman niyang may humahaplos sa pisngi niya. Kaya napabalikwas siya ng bangon.

"Bakit andito kana?" Tanong ni Ryan na bakas sa mukha ang pag-alala. Hindi niya naman sinagot ang huli basta niya nalang niyakap iyon. Gusto niyang maramdaman na may masasandalan siya ngayon. Hinagod naman ni Ryan ang likod niya.

"May problema ba?" Malumanay na tanong nito.

"Wala," pagkakaila nito. "Ikaw bakit napaaga ang balik mo?" Pag-iiba nito.

"May kukunin lang ako tapos babalik ako sa bahay nina Arnold andoon kasi ang mga tropa." Ani nito.

"Ahh , Ganun ba." Tanging nasabi ni Angel.

"Kung may problema ka ako na bahala," ani pa nito. Napatango naman si Angel, nakwento na din naman kasi niya kay Ryan about sa family niya. "Mag bihis ka, isasama na kita." Dugtong pa nito.
Sumama nga siya kay Ryan, pag dating doon halos kumpleto ang barkada nila. Nagkabatian ang lahat. Nag-iinuman ang mga ito, samantalang siya ay pinakain muna ni Ryan. Pagkatapos kumain ay nakisali narin sila sa grupo, tawanan, biruan at kung ano-ano pa, kaya kahit papano nakalimutan niya ang problema niya.

"Hindi kaba umiinom Gel?" Tanong ng girlfriend ni Arnold sa kanya.

Umiling siya bilang sagot dito. Kumuha naman ito ng baso at sinalinan iyon ng inumin. "Here, try this, light lang 'yan, ang tawag diyan boracay." Ani nito.

"Boracay?" Takang tanong nito.

"Yup, pinag halong, tanduay, gatas, kape, sprite, royal. Try mo masarap iyan hindi mo malalasahan ang tanduay." Pangungumbinsi pa nito.

Wala naman sigurong masama kung susubukan niya. At tama nga ito masarap ang lasa, kaya naman napasarap narin ang pakikipag-inuman nito. "Hey, dahan-dahan lang, malakas ang tama niyan." Paalala ni Ryan sa kanya. Nginitian niya lang ito saka nakipagkwentuhan sa lahat. Naging madaldal na siya dahil sa nainum, feeling niya lumulutang siya sa hangin, na parang kay gaan ng kanyang pakiramdam.

Parang doon niya binuhos ang galit sa Ama, halos tunggain niya na ang isang pitsel na inumin. "Hon, tama na 'yan, uwi na tayo." Aya ni Ryan sa kanya.

"G-gusto.... ko pang...... u--minom......" putol-putol na sabi nito.

"Ry, may isang bakante pang kuwarto sa bahay, puwede kayo doon, dilikado ng umuwi pa kayo." Ani ni Arnold.

Sinang-ayunan naman iyon ni Ryan. Inakay niya na si Angel sa silid na sinasabi ng kaibigan. Nadaanan pa nila ang isang kaibigan nito kasama ang kasintahan na naghahalikan kaya napailing nalang si Ryan. Saka tiningnan si Angel. Namumungay na ang mga mata nito dahil sa alak na nainom. Hanggang sa mapadako ang mata nito sa mga labi ng huli, natural na namumula iyon. Nilapit niya ang mukha nito kay Angel. Saka hinalikan iyon, parang nabigla pa ang huli.
Nanlalaki ang mata ni Angel ng maglapat ang labi nila ni Ryan, parang ang gaan-gaan talaga ng pakiramdam niya, parang wala siyang lakas na itulak ang huli. Lasing siya Oo, pero alam niya ang nangyayari, pero wala lang talaga siyang lakas na pigilan ang gustong gawin ni Ryan sa kanya. Wala sa sariling kinawit niya ang mga kamay ng maramdaman niyang nanghihina ang mga tuhod niya dahilan iyon para mas naging malalim ang halik.

Dahil wala na siyang lakas para pigilan ang bagay na hindi dapat mangyari ay nagpatianod narin lang siya. Ramdam niya ang bawat haplos na ginagawa ni Ryan sa kanya, kaya hindi niya mapapigilan ang mapa-ungol, hanggang sa hiniga siya ng huli sa kama at doon nagsimula ang lahat, ang isang gabing hindi dapat nangyari ay ginawa na nilang pampalipas oras iyon, lalo pa't nasa iisang bubong sila.

Wala namang may nagbago sa kanila ni Ryan, maliban lang sa pagiging sobrang seloso nito.

"Sana hindi ka mag bago hon," wika ni Angel habang nakaunan sa braso ni Ryan. Kinabig naman siya ng huli saka siniil ng halik halos mapugto ang hininga niya matapos ang halik.

"Promise, walang may magbabago Hon," ani nito.

Niyakap niya ang huli saka pumikit na at natulog. Hinding-hindi magiging katulad ng Ama niya si Ryan, dahil ngayon palang ay naramdaman niya na iyon.

Lumipas ang araw at buwan, may kakaibang naramdaman si Angel. Nasusuka siya pag nakakaamoy ng ginisang sibuyas.

Sinundan ng tingin ni Ryan si Angel na nagmamadaling pumunta ng banyo at nagduduwal doon, kaya parang siyang naparalisa, hindi makagalaw. May namumuong hinala sa isip niya, na ayaw niyang paniwalaan.  

BATANG INA                                                    by: Lee Ann PradasTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon