Chapter 13

2.5K 63 1
                                    

  PAGKATAPOS ANG PANGYAYARING iyon ay hindi na nagpakita si Ryan, okay lang sana iyon kay Angel pero sa ilang buwang hindi pagpapakita ni Ryan sa kanya ay natuklasan niyang nagdadalang tao siya. Parang naulit lang ang nangyari sa kanya noong pinagbubuntis niya ang panganay nito.

"Walang mangyayari sa'yo kung mag mumukmok ka nalang diyan, bakit hindi mo puntahan sa pinagtratrabahuan niya, para malaman niya na buntis ka," advise ng mga kaibigan niya.

Hindi niya narin kasi ito makontak. Habang nag-iisip kung ano ang dapat gawin ay tumunog ang cellphone niya.

"Hello bhes?" Ani ng nasa kabilang linya.

"Yes Bhes," walang ganang sagot nito.

"Pupunta kami diyan sa boarding house mo," ani ni Anne na halatang excited.

"Sino ang kasama mo?" Tanong nito ngunit binabaan siya ng kaibigan.

Naligo at nagbihis na siya, day off niya kasi ngayon pero hindi siya umuwi sa kanila dahil wala pa silang sahod. Habang hinihintay ang pagdating ng kaibigan ay tumunog ulit ang cellphone niya.

"Manager to ni Ryan, gusto ko lang malaman mo na may babae ang asawa mo, kaya hindi na siya umuuwi sa inyo, huwag mo sanang isipin na ninira ako, concerned lang ako sa'yo, at isa pa may karapatan ka naman sa sahod niya." Iyon ang nabasa niyang text.

Na meet niya na ang manager ni Ryan once dahil sinama siya ng huli sa Anniversary ng Company na pinagtratrabahuan nito. Hindi siya makatiis kaya tinawagan niya ang nagtext sa kanya.

Na agad namang sinagot ng nasa kabilang linya.

"Hello?" Tanong nito

"Hello Sir ako po ang asawa ni Ryan," pakilala nito.

"O ikaw pala Angel, kung tungkol doon sa text ko, nagsasabi ako ng totoo, dahil ilang beses ko na siyang nakita na may kasamang babae, at itong huli nga iisa na sila ng boarding house ng babae niya, kaya hindi nagpapadala sa'yo iyan dahil estudyante ang babae, hindi ko gusto makasira sa inyo pero hindi na kasi tama ang ginagawa niya, kung ganyan siya ng ganyan ikaw ang kawawa at ang anak mo." Mahabang paliwanag nito.

"Salamat po sa concerned Sir," ani nito na walang masabi.

"Kung gusto mong malaman ang totoo, puwede kitang samahan sa boarding house nila." Presinta nito kay Angel.

"Pag-iisipan ko po." Ani niya.

"O siya, text ka lang kung kailangan mo ng tulong." Sabi nito at nagpaalam na.

Parang pinagsakluban ng langit at lupa si Angel. Babae na naman ang problema? Okay lang sana kung hindi siya buntis, magdadalawang buwan na ang tiyan niya pero hindi iyon halata, dahil payat naman siya.

Naabutan siya ni Anne sa ganoong ayos. "Bhes," garalgal na tawag nito sa kaibigan.

Agad naman nilapitan ito ng huli. "May problema ba?" Tanong nito habang hinahagod ang likod niya.

"Buntis ako, pero hindi na nagpapakita si Ryan sa akin magdadalawang buwan na, kakatapos lang namin mag-usap ng Manager niya, sinabi nito na may babae na naman si Ryan." Ani nito.

"Buwisit talaga ang lalaking iyon! wala ng may ginawang matino." Nanggagalaiti na wika ni Anne.

Nang mahimasmasan ay, pinabihis na nito si Angel dahil may pupuntahan daw sila, dinaanan lang daw kasi talaga siya ng huli dahil naghihintay na ang kasintahan nito sa Restaurant.

"Enjoy mo ang araw na ito, dahil buong araw tayong magpapakasaya." Tuwang wika nito, kakababa lang kasi ng kasintahan nito galing sa barko.

"Ayos ka din naman ano? Ginawa mo pa akong Chaperon." Kunwaring tampo nito sa kaibigan.

"Sus, sa ganda mong iyan, magiging chaperon lang no way!" Wika nito kay Angel na ikinatawa ni Angel.

"Nambola kapa." Sabay siko sa kaibigan.

Nakarating na sila sa isang native style Restaurant, unang kita niya palang doon ay alam niyang maganda na ang lugar. Para kasi iyong nasa paraiso sila. May sari-saring halaman, at ang wall naman nito ay sinadyang nilagyan ng paint. Na animo'y totoo ang nakapinta.

"Wow! Ang ganda naman dito." Bulalas nito.

Ngumiti lang si Anne sa kanya, dahil kumakaway na ang kasintahan nito sa kanila. Nasa may kubo na ang mga ito, maliban kasi sa mga lamesa, mayroon ding mga kubo-kubo kung gusto ng iba ng privacy.

Pinakilala na ni Anne ang boyfriend nito kay Angel. Saka sila pumasok sa kubo.

Nakangiting Andrew naman ang nabungaran niya sa loob. Nakatitig ito sa kanya. Kaya naman hindi niya maiwasang ma-concious.

"Dito muna kayo ha, mag-oorder lang kami," ani ngkasintahan ni Anne.

"Umupo kana bhes, babalik kami agad." Baling sa kanya ni Anne.

Umupo naman siya magkaharap sila ngayon ni Andrew. May kinuha ito sa likod niya.

"Para sa'yo." ani nito sabay abot ng malaking paper bag sa kanya.

"Salamat Drew." Mahinang wika niya.

"Walang problema, kamusta kana? It's been a long 1year parang gusto kong hilahin ang araw para lang makauwi na dito sa Pilipinas." Nakapagtrabaho kasi ito sa ibang bansa ng makapagtapos ito.

"Okay lang ako Drew," alanganing sagot nito sa kaharap.

"Alam kung hindi ka okay." Ani ni Andrew na matiim na nakatitig sa kanya.

Sa sinabi ng kaharap parang gusto niyang maghagulhol. "I-ikaw kamusta na?" Balik tanong nito sa kaharap.

"Ito hindi parin naka move on pilit na umaasa sa taong minahal ko." Hindi iyon maintindihan ni Angel, dahil balita niya may kasintahan na si Andrew, kaya naman para sa kanya isa nalang magandang alaala ng kahapon ang kaharap.

"Naghiwalay ba kayo ng girlfriend mo?" Tanong nito.

"Hindi, okay naman kami." Tugon nito na nagpakirot sa puso ni Angel.

Magtatanong pa sana si Andrew ng dumating na ang magkasintahan.

"Drew favor naman oh, lipat ka doon sa tabi ni Angel." Ani ni Anne.

Lumipat nga ito sa tabi ni Angel. Parang biglang nabalisa naman ang huli.

Dumating ang order nila, pinagsilbihan naman siya ni Andrew. "Busog na ako," ani nito.

"Kumain kapa, para magkalaman naman ang katawan mo," wika nito habang pinaghihimay siya ng mauulam nito.

"Salamat, ikaw din kumain kana." Sabay sandok nito ng kain at ulam para kay Andrew.

Habang kumakain sila nagkukwento ang kasintahan ni Anne ng mga nakakatawa kaya naman tawa sila ng tawa. Habang busy silang lahat sa kakatawa ipinatong naman ni Andrew ang kamay niya sa kamay ni Angel.
Nang tingnan niya ito, walang salitang namutawi sa bibig ng huli , pero mababasa sa mata nito na kahit ngayon lang mahawakan ko ang kamay mo.

Nang pinagdaop palad na ni Andrew ang kamay nila ay nakaramdam siya ng katiwasan.

They just hold their hand, na parang kumportable sila sa isa't-isa. Nasa ganoong ayos lang sila magkahawak kamay habang kumakain.

Napapansin niya ding nakatingin ang magkasintahan sa kanila, wala kang makikitang pang huhusga, bagkos makikita sa mga mata ng mga ito ang saya sa nakikita sa kanilang dalawa ni Andrew.

"Pagkatapos nito may pupuntahan muna kami ng palalabs ko ha," ani ni Anne sa dalawa. Nagkatinginan naman silang dalawa ni Andrew at sabay na tumango sa kaharap.

Gaya ng napag-usapan umalis nga ang magkasintahan kaya dalawa nalang silang natira ni Andrew sa loob ng kubo.

"Gusto mong magpahinga?" tanong ni Andrew sa kanya.

Tumango din naman siya. Kaya naman inayos ni Andrew ang upuan inalis ang bag at paper bag niya doon para may space siya sa pagkakahiga.

"Dito kana mahiga," sabi nito na ang tinutukoy ang binti niya. " Para mas maging kumportable ka." Ani nito

Inisip nalang ni Angel, na isang friendly offer lang ang ginagawa ni Andrew sa kanya. Nahiga nga siya nakaunan ang ulo niya sa binti ni Andrew habang ang huli naman ay kinakantahan siya, marahil sa pagod at madami ang iniisip, nakatulog na agad ito.

"Habang nakikita ka sa ganitong sitwasyon, mas lalo akong hindi maka move-on, katawan ko lang ang nawala sa ilang taong kong hindi pagpapakita sa'yo pero may mga mata parin akong nagpapabantay sa'yo." Kausap ni Andrew sa tulog na si Angel.

"Kung may karapatan lang sana akong bugbugin iyang napangasawa mo ginawa ko na. Mula noon hanggang ngayon mahal kita." Ani nito kasabay ng pagtulo ng luha. "Bakit hindi kita makalimutan, bakit ikaw parin ang laman ng puso't isipan ilang taon narin ang nakalipas pero walang pagbabago sa nararamdaman ko sa'yo." Patuloy na kausap nito sa natutulog na si Angel. Habang nilalaro ang buhok ng huli.

Pinagsawa nito ang mga mata sa natutulog na si Angel.
Mga ilang sandali pa ay nakatulog narin si Andrew. Marahil sa pagod dahil kakarating niya lang galing airport hinatid niya lang ang mga gamit nito sa bahay nila at agad niyang tinawagan si Anne na gusto niyang makita si Angel.

Lahat naman ng sinabi ni Andrew ay narinig ni Angel. Pero wala na siyang magagawa masyadong unfair kay Andrew ang lahat.  

BATANG INA                                                    by: Lee Ann PradasTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon