Fifth Entry: Mommy Kurba and Daddy Pogi

2.5K 68 4
                                    

"Lets all welcome Mr. and Mrs. Viceral, kamusta ang honeymoon natin sa Europe and New York. One month din kayong leave ha." Excited na intro ni Anne Curtis isa sa katrabaho nila sa sikat a noontime show sa ABS-CBN ang IT'S SHOWTIME!

"Ayos lang naman. Masaya sobra lalo nung nasa hotel na kami." Sabi ni Vice sa kanyang mga co-hosts.

"Ay alam na this." Sabi ni Vhong na pa bakla. Habang si Karylle namumula sa tabi

"Oo nga girl chika ka naman dyan." Gatong pa ni Billy na lalo nakapag-pamula sa mukha ni Karylle at sumiksik lalo sa tabi ni Vice.

"Wag nga kayo. Ang ganda kasi ng view doon sa tinigilan namin. Masyado kayong." Pag-sita ni Vice kayna Billy at Vhong.

"Chika niyo yan later sa backstage ha." Sabi naman ni Anne para makapag simula na ng show

Natapos ang show ng masaya at maayos.

Sa mag-asawang Viceral naman tayo.

Ang mag-asawang Viceral ngayon ay nasa kanilang bagong bahay. Ito ay pinagipunan nila talaga. May isang master's bedroom, dalwang kwarto at isang guestroom. May tig-iisang banyo sa kada kwarto mayroon ding banyo malapit sa laundry. Simple lang ang bahay pero makikita mo talaga kung gaano ito pinangangalagaan ng mag-asawa.

"Love, may signs na ba?" Tanong ni Vice na nakayakap sa kanyang asawa na nakatalikod dahil siya ay nagluluto para sa kanilang dinner.

"Love, wala pa naman." Sabi ni Karylle na ngayon  na naghihiwa ng kamatis para sa sinigang.

"Ikaw masyado kang excited. Dadating din yun ha." Pagpapatuloy ni Karylle na ngayon ay iniharap si Vice at hinalikan sa pisnge.

"Pwede bang gawin ulit natin yun? Para naman sure na." Pilyong pagkadabi ni Vice.

"Later pagkatapos ng dinner natin."

After 4 years

"Mami! Hapi Birthday!" Sigaw ng super cute na bata na nasa edad na 3. Kulot ito at may konting pagka-tangkad at may matangos na ilong at may mata na mana niya sa kanyang ama.

"Aww thank you." Sabi ni Karylle na kakagising palang dahil nga sa sigaw ng bata.

"Ito gift ko po sa inyo." Sabi halik ng bata sa pisnge ni Karylle.

"Pwede ako rin ganyan din gift ko sa iyo." Sabi ng matangkad na lalaki na may hawak-hawak ng tray na may laman na tinapay, gatas, fried rice, scrambled egg at bacon.

"Good morning Love." Sabi ni Karylle kay Vice at kinuha ang dala-dala nito.

"Ang kiss ko nasaan?"

"Kala ko ba ikaw ang magkikiss sa akin?"

"Ganun ba." Sabay halik nito sa lips ni Karylle.

"Vice, may bata oh."

"Kilig ka ba sa amin baby?" Tanong ni Vice sa kanilang anak na nagtatago sa ilalim ng kumot dahil sa paghalik ni Vice kay Karylle.

"Yiieeeh, tuwoy niyo na lang po yan."


Another waley story! Happy 4th anniversary. Kaya medyo nagsisipag ako ngayon, hahaha.

Wonderland (ViceRylle OS Compilations)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon