"Bespwend! Yabyu!" Makulit na sabi ni Vice kay Karylle na busy sa pagsusulat ng kung ano-ano.
"Hala siya. Nakipag-break ka lang sa jowa mo naging clingy ka na ulit sa akin." Sabi ni Karylle, tuloy pa din ang pagsusulat ng kung ano-ano.
"Hindi kaya. Love talaga kita!"
"Ano ka scientist? Lab? Ako?" Saglit na tumigil si Karylle sa pagsusulat at tiningnan niya si Vice na nagpapa-cute sa kanya.
"Scientist!!"
"Hala siya nabaliw na."
"I love you bespwend." Bulong ni Vice habang nakatitig kay Karylle na muling bumalik sa pagsusulat.
--
Hi kay bespwend!