Fifteenth Entry: Letter

1.2K 45 10
                                    

Karylle

"Karylle gising na!" napabalikwas ako ng bangon sa aking kama ng narinig ko ang sigaw ni mama.

"Ma, sabado ngayon walang pasok." muli akong nahiga at nagtalukbong.

"Anong sabado? Ana Karylle lunes ngayon! Kaya bumangon ka na at malalate ka pa sa school mo." kinuha ko yung phone ko then I checked kung anong oras at araw ngayon. Tama nga si mama, dali-dali akong pumunta sa banyo para maligo at maghanda sa pag-pasok.

Buti na lang nakaabot ako, kala ko talaga di na ako makakahabol terror pa naman ang teacher sa first subject namin.

"Karylle, di ka ata nakapag-suklay."

"Baliw ka Vhong, sadya yan ano ba." sabay tawa nito sa akin.

Kasalukuyan na break ngayon pero dahil nagtitipid ako di ako bumili mamaya na lang para masarap lunch ko. Dahil wala naman akong magawa kinuha ko ang diary ko at sinulat ang nangyari simula kaninang umaga.

Finally! Tapos na rin ang 10 hours kong pagalalamay sa school. Wala naman masyadong ginawa ang boring. Lahat ng ito ay isinulat ko sa aking diary.

Sa pagsusulat ko ay may napansin ako sa isa kong notebook na may naka-sipit na nakatiklop na papel. May napansin ako sa itsura ng sulat niya parang familiar.

Karylle,

I'm sending this letter to you para maging aware ka. Ngayong araw na ito ay muntikan ka ng malalate sa klase mo at inasar ka ni Vhong about sa buhok mo. Hindi ka kumain noong breaktime dahil nagtitipid ka. At higit sa lahat muntikan ka ng bumagsak sa surprise quiz niyo dahil di ka nakapag-review. Alam ko itong lahat dahil ikaw ay ako, ako ay ikaw. Iisa tayo. The only difference is that I'm from the future and I'm sending this letter para maging aware ka. Mag-aral ka na ngayon dahil bukas may surprise quiz ulit kayo. At bukas din makikilala mo si Jose Marie, pero bakla siya di niya pinahahalata.

From your future self,
Karylle

Paano? Ang dami ngayong tanong na namumuo sa aking isipan. Is that even possible na galing ba talaga ito sa future self ko? At ano naman ang kinalalaman ng Jose Marie na yun? Pero mag-aaral na ako baka nga magkaroong ng surprise quiz.

"Karylle, paano mo nagawa yun?" tanong ni Vhong sa akin at pinipilit na sabahin ang sikreto ko kung bakit ako naka-perfect sa quiz namin kanina.

"Nag-aral duh. Ano ba naman yang mga tanong mo Vhong."

"Paano mo nalaman na yun yung ating quiz? Future teller ka ba?" talagang kinukulit ako nitong Vhong na 'to.

"Advance study. Try mo din minsan."

"Guys, alam niyo ba na may bagong student sa kabilang section. Jose Marie daw ang name." napalingon ako sa mga kaklase kong nagchichismisan about doon sa Jose Marie na yun.

"Balita ko magaling na football player yun."

"Balita ko din na may gf yun dito kaya lumipat dito sa school natin." chismis is chismis hays.

Pauwi na ako ng may nakabangga akong matangkad na lalaki kaya natumba ako pati yung mga gamit ko.

"Pasensya na. Bago kasi ako dito kaya medyo naliligaw ako tinitingnan ko kasi itong school map, sorry di kita napansin." napatulala ako kasi gwapo siya at first time ko lang din siya nakita dito sa school. "Tulungan na kita dyan."

"By the way ako pala si Jose Marie." inilihad niya ang kanang kamay niya as a sign na mag-shake hands kami kaso imbis na mag-shake hands kami ay may sinabi ako na gusto ko ding bawiin agad.

"Bakla ka."

"Miss, sorry pero ano yun?"

"Bakla ka ba?" napansin ko na medyo nagulat at natawa siya sa tanong ko.

"Halata ba? Charot, bakla ako pero siguro yung iba di nila napapansin yun. Gwapo ko kasi. Eeeeww."

"Sorry, medyo na-ano lang kasi ako dahil ano, ano kasi." bakit ako kinakabahan at bakit ang bilis ng pagtibok ng puso ko.

"Sige kung ano man yan. Ano nga pala pangalan mo?"

"A-ako si Karylle."

"Matagal ka na ba dito? Pwede mo ba ako i-tour around. Di kasi ako masyado nag pay attention noong tinour ako dito." napatango na lang ako.

Habang tinotour ko siya nagkakapagkwentuhan din kami. Nalaman ko na sport niya talaga ay volleyball. Bago lang din siya dito sa probinsya kasi taga-Maynila talaga siya at lumipat sila magkakapamilya dahil dito sa Laguna para mapangalagaan ang kanilang bukid dito. At napansin ko siya yung bakla na hindi baklang-bakla yung may slight na pagkalalake.

Pag-uwi ko muli kong tiningnan ang bag ko kung may bagong sulat galing sa future self ko at may nakita nga ako.

Karylle,

Alam kong itong araw na ito ay makikita mo si Jose Marie, nagkabungguan kayo at inaya ka niyang itour mo siya around campus. Syempre dahil mabait ako este ikaw umoo ka. Nag-enjoy ka sa company niya wag ka ng mag-deny kaya simula palang ngayon binabalaan na kita, iwasan mo na siya agad. Dahil sa araw na magkakaroon kayo ng activity together with other class ay mahuhulog ka sa kanya. Kaya ngayon pa lang iwasan mo na siya, dahil ilang buwan pagkatapos ng pag-amin mo ay maaksidente siya at mamatay. I hope you will not make the same mistake I made. Please for the sake na rin ng kaligtasan niya at kaligtasan mo.

From your self,
Karylle

To be continued...

Halooo! This story is inspired by the anime Orange.

Wonderland (ViceRylle OS Compilations)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon