♥//Game 38: December Event

2.9K 59 2
                                    

A/N: Sorry at ngayon lang ako nakapost ng UD T^T...at hindi ko 'to na doubl check, so sorry sa mga errors :)

VOTE.COMMENT.SPREAD!!!

-----

♥//Game 38: December Event

[Andrew's POV]



Matapos ang nangyari sa party ni Jason, isang linggo akong hindi pumasok. Tatlong beses lang din akong umuwi sa amin at dalawang beses kong nakausap si Tristan. At sa dalawang beses na yun wala kaming matinong pag-uusap. It's either I get mad or he'll get mad.

Hindi ako pwedeng magsinungaling na hindi ako nahihirapan at nasasaktan sa ginagawa ko. Kahit gusto ko siyang kausapin para maayos ang lahat, naduduwag ako. Alam ko kasing mali ako. Na kahit anong gawin ko, hindi ko mabubura ang pagkakamaling ginawa ko sa kanya.

Nasaktan ko na siya..

"Andrew Delos Reyes! Buti naman at umuwi ka pa!? Saan ka na naman galing ha?! Ano bang nangyayari sayo at nagkakaganyan ka?! Kausapin mo naman ako!"yan agad ang sigaw ni Ate pagkauwi ko.

Tuesday ngayon at madaling araw na naman akong umuwi. Hindi ako lasing at wala akong pasa sa mukha, pero O.A kung magreact ang ate ko.

Sasagutin ko na sana si Ate nang biglag tumunog ang cellphone ko.

Agad ko 'tong sinagot ng hindi tinitignan kung sino ang caller.

"Oh?"irritableng sagot ko.

[Dud! Kanina pa kita tinatawagan! Papasok ka ba bukas? Sabihin mo naman sa akin kung hindi ka papasok para hindi na rin ako papasok! Iniiwan mo na la---]

Hindi ko na tinapos ang mga sinasabi niya at inend ko na ang call. Siya? Hindi papasok dahil hindi rin ako papasok? Imposible! Ako pa ang uutuin niya? Alam kong gusto niya lang akong bantayan.

In-off ko na ang phone ko at naglakad papaakyat ng hakdan.

"At saan ka pupunta?! Hindi pa tayo tapos Andrew!"sigaw ni ate. Hindi ko lang siya pinansin, dahil sumasakit lang ang ulo ko kakaputak niya. Hindi pa ba siya nasanay sa akin? Hindi pa ba siya napapagod kakaputan niya? Kahit anong gawin niya, hindi niya ako mapipigilang gawin ang gusto ko.

Wala na akong pakealam sa mundo.

Hindi ko na nga alam kung anong petsa ngayon o kung nasa tamang pag-iisip pa ba ako.

Simula nang makita ako ni Chelsea nakikipaghalikan kay Karen nung party, hindi ko na alam kung lahat ng ginagawa ko ay tama pa rin. Araw-araw lumilipad lang ang pag-iisip ko at si Chelsea lang ang nakikita ko.

Lasing man ako o hindi, si Chelsea pa rin ang nakikita ko.

Play with Love [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon