♥//Game 1: Transferred Student

8.7K 141 5
                                    

♥//Game 1: Transferred student

[Andrew's POV]

Hmm? Ano kaya siyang section?

Bakit wala akong alam na may ganun kagandang babae dito sa campus? Bago lang ba siya dito? Siguro nga. Kung old student kasi siya siguradong naging trophy ko na siya matagal na..

Transfered student siguro..

Kung ganun, anong section niya?

Waah! Gusto ko na siya makita ulit!

"Huy! Kanina ka pa dyan kamot ng kamot ng ulo! May kuto ka ba?"--Tristan

*glare* +___+

"Pwde ba hindi nagkakakuto ang mga gwapo"

"Hangin Dud"

"Ewan ko sayo."

Sabay subsub ng mukha ko sa desk. Hindi pa ba magsisimula? Ang tagal naman ng teacher. Kanina pa nagstart ang first period!

Pero mas ok nga kung walang klase, pwedeng pwede akong matulog sa roof top..

Hmm? Pwede ko na rin umpisahan ang paghahanap sa kanya.

"Aish!"

Dapat siya maghanap sa akin!

Ang gwapong ako? Maghahanap sa kanya? In her dreams!

Habang abala akong mag-isip ay narinig kong may pumasok.

"Goodmornig class.."

Sa wakas!

"Bago ang lahat may ipapakilala ako sa inyo...late enrolly siya...ngayon.."

Hindi ko masyadong maintindihan ang mga sinasabi ni Sir sa klase dahil nakatuon ang isip ko sa nangyari kaninang umaga...

Aaminin ko ang lakas ng tama niya sa akin..

Ang ganda ganda talaga niya. Ibang klase yung ganda niya, yung tipong kahit simple lang yung pananamit niya at ayos niya ay makukuha niya talaga ang atensyon ng lahat. Hindi siya trying hard na magpaganda tulad ng ibang babae na sobrang kakapal ng make up para lang mapansin ng mga kagaya ko.

Tapos nung dumaan siya kanina, ang bango bango niya..

Play with Love [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon