Hindi ko alam kung bakit ganito,
Bigla ko na lang naramdaman ang layo mo na sa akin
Oo nga't magkatabi tayo,
Pero magkaiba naman ang nilalanghap nating hangin
Akala ko dati ang kaligayahan ay walang hangganan,
Yun pala ay nakatago at malapit lang
Nag-aabang... Nag-aabang...
Lahat ng tao may itinatago,
Sariling desisyon mo na kung ilalabas mo ito
Minsan kahit anong tago ang gawin natin,
Kusang lumilitaw ito at hindi kayang pigilin
Hindi ko namalayan na napaglipasan na ako ng panahon,
At patuloy pa ding nabubuhay sa patay na panahon
Kahapon... Kahapon...
Alam kong wala sa lugar,
Itong aking naturang kadramahan
Parang halo-halo sa tag-ulan
At mainit na kape sa tanghalian
Para akong gumuhit ng isang magandang larawan,
Ngunit ito'y naging masagwa nang ito ay aking kulayan
Lumagpas... Lumagpas...
Ang tanong ko sa sarili ko;
Anong kadramahan ito?
Napaisip ako...
Biglang kumalam ang sikmura ko
Ang nasabi ko na lang;
Gutom lang siguro ito.
BINABASA MO ANG
Mga Tula Ng Isang Huwad Na Makata
PoetryMga tula sa Filipino at Ingles na pawang likha ng isang huwad na makata. Mga bagay na may kwenta at walang kwenta ang inyong mababasa. Nasa'yo ang desisyon kung ito ay papansinin mo o babalewalain.