May mga taong tumatalon
Kahit alam na malakas ang alon
May mga taong ayaw tumalon
Takot na baka hindi makaahon.
May mga taong hindi makatalon
Dahil wala silang pantalon
May mga taong wagas makatalon
Para bang bukas ay wala ng itatalon.
May mga taong tumatalon
Sa pagsapit ng bagong taon
Kasabay ng kanilang pagtalon
Ang putok ng kay Hudas na sinturon.
Ikaw? Kailan ka tumatalon?
Ano ang dahilan ng iyong pagtalon?
Nasubukan mo na bang tumalon
Sa lugar kung saan malalaki ang alon?
Tanungin ang sarili bago tumalon
Gaano ba kalakas ang mga alon?
Handa na ba akong tumalon?
At makipagsabayan sa malalaking alon?
Walang sagot kung hindi ka tatalon
Walang maaabot kung hindi tatalon
Bago makalipad kailangang tumalon
Tandaan: hindi ka makakalipad ng walang pantalon.
BINABASA MO ANG
Mga Tula Ng Isang Huwad Na Makata
PoetryMga tula sa Filipino at Ingles na pawang likha ng isang huwad na makata. Mga bagay na may kwenta at walang kwenta ang inyong mababasa. Nasa'yo ang desisyon kung ito ay papansinin mo o babalewalain.