Walang mangyayari kung tutunganga ka
Maghapon magdamag nakabulagta ka
Sandamakmak na gawain nakatambak na
Mga lukot na papel sa paligid nagkalat na
Utak mong mahimbing ang tulog
Mga pangarap mo'y unti-unting nadudurog
Kapabayaan mo'y parang kanser na
Sa buong katawan mo'y kumakalat na
Walang mangyayari kung lagi kang ganyan
Katamaran. . . Wala kang mararating niyan
Gumising ka na, tanghali na
Kaysa magsisi ka kung kailan gabi na
O, ano? Hindi ka pa babangon?
Wala kang balak umahon?
Sige gumanyan ka,
Tignan natin kung maka-graduate ka!
BINABASA MO ANG
Mga Tula Ng Isang Huwad Na Makata
PoetryMga tula sa Filipino at Ingles na pawang likha ng isang huwad na makata. Mga bagay na may kwenta at walang kwenta ang inyong mababasa. Nasa'yo ang desisyon kung ito ay papansinin mo o babalewalain.