LWFTW - Chapter 6

1 0 0
                                    


James's POV

"Dude! Ahahahah I can't imagine you said that after what you did to her! Hahahah napakatanga mo!" Arthur told me while laughing, andito kami ngayon sa bar at ano pa nga ba? Boys night out again, hobby na namin to. Mangchicks, well I have that guts because of this good looking face, mayabang ba? Eh sa totoo naman eh.

"Oo nga hahaha at sa gitna na pa nang napakaraming tao ah? And take note, hindi lang tao, puro babae, what are you thinking man?" Drei. Parang hindi kaibigan tong mga to, kung pagtawanan ako ah.

"Hindi ko alam ok? Nafeel ko lang na gusto kong sabihin sakanya yun after how many years,? 2? 2 years? I guess, siya pa rin eh" Sabi ko, sabay lagok nang beer na hawak.

"Ikaw ba yan? Hindi ikaw yan dude! Imagine, you can have every girl in this club, you can take them home like you always did back then in states, tapos ngayong nakita mo lang siya, siya na ulit ang mahal mo? Tapos magtataka ka pa kung bakit siya biglang tumakbo? You're impossible man!" Si Mike na parang hindi pa makapaniwala sa mga sinasabi niya.

"Sus, malay mo naman. Lover boy na ulit to, diba James?" Sabay akbay sakin ni Drei at ngumisi pa si gago. Inalis ko nga sa balikat ko yung kamay niya at siniko siya, ang lalakas mangasar nang mga gagong to.

"Wag nga kayo! Umayos kayo!" Lumagok nalang uli ako nang alak sa hawak hawak kong baso. Inisip ko lang na hindi pa rin siya nagbabago, ang ganda pa rin niya, yung mga mata niya malalaki na very expressive kaya nakita kong nasasaktan pa rin siya nung nakita niya ko, yung masyadong pointed niyang ilong at yung natural pink lips niya, lahat yun nagawang kong matitigan sa maikiling oras na napatitig ako sakanya. God she's still her! At mas lalo siyang gumanda.

Eh paano nga bang gagawin ko, akala ko nakamove on na din ako after nang ginawa ko sakanya, I dated a lot of girls back then at states, I make out with them, I had sex with them at hanggang duon lang ang lahat nang yun, I didn't had commitment kasi takot ako na baka mangyare nanaman yung mga nangyare two years ago.

-- flashback --

2 years ago..

"Ma! Pa! Pinky and I just engaged! I just proposed to her yesterday!" Excited na sabi ko kila papa habang nagbebreakfast kami, hindi ko nasabi agad kahapon dahil ginabi na ko nang uwi at paguwi ko tulog na sila.

Nakita kong napangiti sila pero nawala rin agad yun.

"Anak, sigurado ka ba jan? At punayag siya?" Sabi ni mama na ipinagtaka ko naman.

"Bakit naman hindi ma? Mahal ko si Pinky at mahal niya ko, anong masama dun ma?" Sabi ko na nagtataka.

"Ang sinasabi nang mama mo ay hindi kaya masyado pang maaga para sa inyong dalawa? Halos kakagraduate niyo lamang nang kolehiyo tapos magpapakasal na kayo? Ni wala pa nga kayong naiipon na kahit na ano eh." Si papa na ang sumingit sa usapan.

"Ganyan ba kayo magisip sakin? Na hindi ko kayang buhayin si Pinky? Ma, Pa, kayang kaya ko, magsusumikap ako para sa aming dalawa." Sabi ko nang malumanay.

"Anak, hindi naman sa wala kaming tiwala sa kakayahan mo pero paano yung pangarap mo? Bakit hindi mo muna unahin ang mga pangarap mo bago kayo magpakasal ni Pinky, tingin ko naman ang mauunawaan niya iyon." Sabi ni Mama pero buo na talaga ang desisyon ko, magpapakasal na ko kay Pinky sa ayaw at sa gusto nila.

"Kung ayaw niyo, edi huwag hindi ko naman kayo pinipilit na pumunta sa kasal ko eh, kung sa ayaw at sa gusto niyo, magpapakasal kami!" Sabi ko at sabay tayo palabas nang bahay.

"James, bumalik ka dito hindi pa tayo tapos magusap!" Narinig kong sigaw pa ni Papa pero nagtuloy tuloy nalang ako sa paglabas.

Gusto ko munang magpagisa, lumayo at makapagisip isip nang maayos dahil hindi lang ako mapapalagay kung nasa bahay lang ako, ayokong pumunta kila Pinky at ayokong sabihin sakanya ang napagawayan namin nila mama dahil magaalala lang yun at baka hindi pa ituloy ang kasal kaya minabuti ko nalang sarilinin ang problem ko...

- - -

Happy Balentayms folks!! 😍❤ sa mga taken jan, stay inlove and always put God in the middle of your relationship, always! At sa single jan, wag nang bitter, mahahanap niyo den siya, you just have to wait for tamang panahon, stay inlove with God, he's always there for you no matter what! Yiihiiiii! Stay inlove folks!

Cyclopina_chAYO

Love will find the way..Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon