LWFTW - Chapter 7

0 0 0
                                    


James's POV

The wedding day...

We settled everything , all is done and now everyone is ready. Si Pinky nalang ang hinihintay nang lahat. Wala ang parents ko sa mismong araw nang kasal ko dahil sa naging tampuhan namin, simula nang tampuhan namin na yun, hindi na ko umuwi nang bahay sa condo nalang nagstay, hindi rin naman nila ko nagawang contact-in dahil nga sa mataas ang pride ni papa, malamang pinipigilan nun si mama.

Ni hindi alam ni Pinky ang nangyaring yun sa amin nang parents ko, ang sinabi ko lang kaya hindi makakarating sila mama ay dahil nasa business trip sila sa italy, balak pa niyang wag munang ituloy hangga't hindi pa umuuwi sila mama pero pinilit ko siya at gumawa nang dahil sa huli pumayag din naman siya.

Kaya eto na to. Naghihintay na ko sa harap nang altar, naghihintay sa babaeng pakakasalanan ko habang papalapit siya sa akin, nakikita ko ang luhang tumutulo mula sa mata niya, nakikita ko ang kasiyahan mula sakanya. Oo Lord, eto ang babaeng gusto kong makasama habang buhay. Pero may mga tanong sa isipan ko na naglalaro.

Kaya ko bang panindigan ang mga desisyon ko ngayon? Kaya ko bang panindigan ang babaeng naglalakad sa harapan ko ngayon? Kaya ko ba siyang alagaan nang hindi nasasaktan? Dahil wala nang atrasan to. At isang tanong ang pinaka-nakapagpalito sakin. Ready na ba talaga ko makasakal sakanya?

Habang papalapit siya nang palapit, natatakot ako sa mga mangyayari kinabukasan, hindi ko alam kung anong mangyayari sa amin pagkatapos neto, saan kami pagtapos nito, nawalan ako nang sapat na lakas para sagutin ang mga tanong sa isipan ko, baka nga tama sila mama at papa na hindi pa ko handa sa bagay na to, dapat pala pinagisip ko munang maigi ito at hindi yung naging padalus dalos ako sa desisyon ko sa mga bagay bagay, sana pala nakinig na muna ko kila mama.

Habang papalapit na siya sakin, saka ako nakakuha nang sagot. Nang makalapit na siya sakin, sobrang ganda nang mga ngiting sumalubong sa akin, na makikita mo talagang masayang masaya siya, na kahit na sa una ay tumutol siya sa pagaaya kong magpakasal pero biglang napawi ang ngiting yun at napalitan kaagad nang pagtataka sa mga salitang binitawan ko sakanya.

"I'm sorry." Halos hindi ko na rin marinig ang sarili ko sa sinabi kong yon, pagkatapos kong sabihin yon, bigla akong tinanghay nang paa ko at tumakbo palabas nang simbahan, parang naging slow motion ang lahat, nang makarating ako sa labas nang simabahan saka ko sumakay sa sasakyan ko, nagdrive lang ako nang nagdrive nang walang direksyong pupuntahan, napakatanga ko at nagawa ko yun lahat sa babaeng pinaka-mamahal ko. Bakit ba ko nagkakaganito? Sobrang tanga ko lang talaga.

Hindi ko alam kung saan pupunta, hanggang sa dalhin ako nang sasakyan kong pauwi nang bahay.

"Anak, what happened?!" Gulat na gulat na sabi ni Mama na sinalubong ako pagkababa ko nang sasakyan. Gulat na gulat siya dahil nakita niyang kong bihis pa at walang kasamang iba.

Hindi nalang ako sumagot at dumirecho sa kwarto ko. Duon ako nagwala sa kwarto ko, lahat nang makita kong pwedeng ihagis, ibinabato ko. Sobra sobrang sakit ang nararamdaman ko at alam kong mas doble ang sakit na nararamdaman ng babaeng mahal ko sa ginawa ko.

"Aaahhhhh!! Ang tanga tanga mo! Ang tanga mo!!" Sigaw ko nalang habang umiiyak nang sobra. Ako may kagagawan neto tapos ako ang iiyak! Puta! Nakakagago na tong nararamdaman ko!

"Anak, ano bang nangyayare sayo? Ano bang nangyare?" Hindi ko namalayan na nakapasok na pala sila mama ng kwarto ko at alalang alala sakin dahil siguro nakita pa niyang may sugat ako. Natahimik lang ako nung niyakap ako ni mama.

"Ma, ang tanga tanga ko, nasaktan ko yung babaeng mahal ko" Sabi ko habang umiiyak, wala naman sigurong masamang umiyak kung nasasaktan na ang tao.

"Tama ka ma eh, tama kayo ni papa at ang sakit na makita ko siyang nasasaktan nang sobra dahil lang sa katangahan na ginawa ko." Sabi ko na parang nagsusumbong kay mama at papa.

And then there, from that moment there's only one thing in my mind. To reach my dream to become a model, para pagbalik ko ready na uli akong harapin siya at panindigan, so once I stop sobbing, I decide to pack my things and leave this country that fast.

- - -

End. Of chapter 7 more and more to come folks!! :)) kaso baka matagalan pa, just wait guys! ;)

Cyclopina_chAYO

Love will find the way..Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon