LWFTW - Chapter 8

3 0 0
                                    


James's POV

That moment, hindi ko na sinabi kila mama ang plano ko at kung saan ako pupunta, alam na nila yun at alam kong hindi na nila ko pakikialaman.

And then, here I am now suffering from what I had done to her, alam kong masakit pa rin para sakanya yung nangyari na yun pero willing akong pagbayaran lahat yun dahil alam kong ako ang nagsimula neto eh. And it's time for me to make all the things fall into right places, I'm gonna win her back even if it's too late.

Anne's POV

After that mother and daughter namin ni mama, di ko namalayan na tinawagan pala niya si tito dad kaya ayun, gustong gustong umuwi ni tito dad nung time na yun. Ang kulit nga nila eh, para silang mga teenager uli. Nandito ako sa bahay buong araw, feeling ko napapagod ako kapag kumikilos ako pero hindi naman pwede because I need to go to work. At wala naman akong ibang choice kundi ang magpunta naman talaga sa botique to lighten up my mood.

Isusubsob ko muna ang sarili ko sa trabaho, ayokong magisip ng kung ano ano. Pumunta nalang ako sa shop at duon nagchecheck nang ng sales at dresses and gowns.

"Mam, may naghahanap po sa inyo." Sabing bigla ni Martha. Malamang si Keiri lang to at pagod na pagod pa ko.

"Hay nako, Martha sabibin mo kay Keiri wag muna ngayon dahil feeling ko pagod na pagod ako." Sabi ko.

"Mam, hindi po si mam Keiri ang tinutukoy ko." Ha? Kung hindi sino, sino pa ba ang magpupunta dito sa shop? Napataas nalang ang kila ko kay Martha nang hindi mahulaan kung sino ang tinutukoy niya.

"Andun po sa labas Mam." Sabi niya at tinuro ang way sa labas.

Agad naman akong lumabas para malaman kung sino ang naghahanap sa akin, at nakakita nanaman ako nang kumpulan nang mga babae nang makita ko kung sino ang pinagkakaguluhan nagtama ang mga mata namin at parang slow mo ang nangyaring paglapit niya sakin.

"Hi" Nakangiti niyang sabi.

"Anong ginagawa mo dito?" Masungit na sabi ko. Anne, calm down please, wag na wag ka magbibitaw nang kahit na anong salita.

"For you." Sabi abot nang ng bulaklak sakin nang nakangiti.

"Wait! What the hell! Bakit siya binibigyan nang flowers ni James?" Rinig kong sabi nang isang babae likod niya.

"Oo nga! I hate her!"

"Sino ba siya para bigyan nang flowers nang baby ko"

At kung ano ano pa ang mga naririnig ko, hindi ko nalang pinansin yun at patuloy na sinungitan ang lalaking to.

"Para san naman yan? Hindi pa naman undas ay mas lalo namang hindi pa ko patay para alayan nang bulaklak." Sabi ko sabay talikod at bumalik sa shop. Kalma, Anne, kalma.

"At sino ba siya para sungitan ang baby ko"

"OMG! James, akin nalang yang flowers kung ayaw tanggapin nang bruhang yan! Napakaarte niya!" Sabi nung isang babae.

"Wait Pinky!" Sabi niya habang hinahabol ako. Pinky, lahat nang sakit, lahat nang saya, bumalik. Siya lang ang tumatawag sakin sa first name ko, dahil halos magkaparehas ang first name at second name niya, yun ang naging basis nang tawagan namin.

Merong side sakin na gustong gusto ko na siyang yakapin dahil sa sobrang pagkamiss ko sakanya, pero nangingibabaw talaga ang galit sa dibdib ko. At hindi pa yung ang kinaiinis ko, yung babaeng nasabi na bruha ko, parang kumulo ang dugo ko nang marinig ko yun. Tumigil ako sa paglalakad saka pumunta dun sa lugar nang mga babae.

"Excuse me miss, wala ka sa lugar para pagpasabihan ako nang bruha at mas lalong dapat na wala ka sa lugar kung saan nakatayo ang shop na to" Sabi ko dahil nanggagalaiti na talaga ko.

"Sino ka para pagsabihan ako nang ganyan? Eh isa ka lang namang hamak na employee jan na nagiinarte. If I know, sumasahod ka lang naman jan sa mga not-so-elegants gowns, tsk poor girl." Sagot pa niya nang masungit at lalong naginarte And then it hit me.

Naramdaman kong hinawakan ni James ang braso ko, inalis ko nalang bigla yung kamay niya na may hawak sakin dahil nanggigigil na ko sa mga babaeng to, ayoko sa lahat, lalaiitin ang shop ko dahil passion ko to, ok lang na ako laitin wag lang ang shop ko!

"Tama! Tama!" Hirit pa nang mga kasamahan niya.

"At isa pa miss, hindi ka karapat dapat bigyan ng bulaklak ni James kung ganyan ang inaasta mo, akala mo kung sino ka." Pagtataray pa niya sabay tawanan.

Ngumiti ako ng pagtamis tamis at "Oh I didn't introduce myself yet? Well, I'm Anne Cruz, owner of this dress shop and my family owns this mall, and if you want I can call the guards for you to leave this mall that fast and never come back again and never see my fiance James again?" Hindi ako mapagmalaki pero sumobra na ang mga babaeng to and at that moment, napatulala at nakanganga sila ngayon. So I won!

At ayun nga, nagalisan na silang mga luhaan.

"Fiance huh? Really?" Narinig ko namang sabi niya likod ko at paglingon ko nakita ko siyang nakangisi sakin. Oh no! Wrong choice of word. Patay!

- - -

Shoutout sa aking mother dear! Happy 40th Birthday para aking pinakamamahal na ina! Hahaha dedicate this to her kaya napagUpdate ako!

So like, share and vote! Thank you folks, keep supporting the story!

Thank yk

Cyclopina_chAYO :)

Love will find the way..Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon