Part One

101K 1.1K 174
                                    


Ako ang tipo ng tao na palaging nag-iisip ng trabaho at ang bawat centimo na kinikita ko. But today, isang bagay lang ang nakatanim sa utak ko—pag-ibig. Love.

Siguro dahil bente-singko anyos nako—ang edad ni Nanay nang pinakasalan niya si Tatay.

Ngayong araw na to ang anibersaryo nila. Bukas pa rito ang actual date kasi advanced nang isang araw ang Pilipinas sa Canada.

Tatlong dekada na ang lumipas since sinumpa ni Nanay ang puso at tiwala niya sa iisang lalaki panghabang-buhay. Romantic pakinggan pero na-realize ko na walang lalaki sa buhay ko ngayon na katulad ni Tatay—karapat-dapat sa lahat nang pinangako ni Nanay sa kanya.

In short, wala akong love story.

Pero hindi dahilan yun na maging malungkot ako.

Sa totoo lang, wala akong dahilan na magreklamo sa buhay ko ngayon.

Dalawa at kalahating taon na matapos kong iniwan sa Pilipinas ang pamilya at mga kaibigan ko, pati na rin ang mga pangarap ko, para magtrabaho sa Edmonton at siguraduhing maka-graduate ng college ang dalawa kong nakababatang kapatid. Mapalad naman ako na ginawa nila ang makakaya nila para tulungan akong tuparin ang pinangako ko sa kanila. Natapos na ni Abigail ang degree niya last year at kasisimula niya lang magturo nang full-time sa high school doon sa amin. Si Luis mag-ga-graduate na nurse sa tatlong buwan. Pagkatapos nun, pwede ko nang tapusin ang kontrata ko dito at umuwi sa Pilipinas for good.

Or, pwede kang magtagal rito nang isa pang taon at tuklasin kung saan ka dadalhin ng buhay. Malay mo, thirty years from now, i-ce-celebrate rin ng anak mo ang wedding anniversary mo at ng maswerteng lalaking mamahalin mo.

Tumigil ang bus ko sa kanto at nagmadali ako sa bangko.

Buong linggo, sinubukan kong mag-decide, once and for all, kung ano ang isasagot ko kay Dolores, ang boss ko. Inalok niya ko na i-extend ang kontrata ko na magtrabo dito nang isang pang taon. Tatlong taon lang ang pinlano ko. Hindi ko pa alam kung anong gagawin ko. May time pa naman akong mag-isip bago niya sisimulan ang mga papeles. Hindi ko kailangang pasakitin ang ulo ko nang kakaisip today.

Kahit na alam kong gagaan ang bank account ko pagkatapos kong pumunta sa bangko, pumasok ako sa CIBC na nakangiti. Sorpresa to sa mga magulang ko, para sa anniversary nila. Lahat ng ipon ko rito, pinapadala ko sa Pilipinas para sa tuition ng mga kapatid ko. Pero naka-ipon ako nang extra galing sa mga tips at overtime na tinrabaho ko.

Matiyagang nag-hintay ang bank teller habang binibilang ko ang cash na dinala ko para idagdag sa nadeposito ko na extra.

Ngumiti ako sa teller habang pinoproseso niya ang money transfer ko. "Gift ko to para kay Nanay at Tatay. Gusto kong makapunta na sila nang Baguio once and for all."

Sinabi ko ang lahat nang yun in Tagalog at ngumiti sa akin si Maricris—ang pangalan ng teller na Pinay rin katulad ko. "Maganda sa Baguio ngayon. Mas malamig at strawberry season pa."

Tumawa ako. "Ayaw ni Tatay sa malamig kahit na hindi niya talaga alam ang tunay na kahulugan ng salitang malamig—hindi tulad natin na nakatira rito sa winter city. Pero magugustuhan niya ang mga strawberries. At ang tanawin. At siyempre, ang mga ngiti ni Nanay."

Lumambot ang ngiti ni Maricris. "Masuwerte ang mga magulang mo sa iyo."

"Ako ang masuwerte."

Kahit Nasaan Ka ManTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon