Part Two

40.2K 489 61
                                    


Bagong araw, bagong bisita sa bahay ni David at heto ako, nag-iisip na naman ulit nang iisang bagay lang—pag-ibig. Love.

Dalawang oras akong nasa telepono kagabi, kausap ang pamilya ko. May landline kami sa apartment na ginagamit naming lahat para tumawag sa mga minamahal namin sa Pinas. Mas mura kasi kesa cellphone. May lima akong roommates na mga temporary foreign workers rin at lahat kami nagtitipid sa kahit anong paraan.

Pinapasalamatan parin ako ng mga magulang ko sa ipinadala kong pera para sa anniversary nila. Sabi nila hindi ko kanailangang regaluhan sila at ang dami ko nang ginawa para sa kanila. Pero natutuwa parin silang magkaroon ng oportunidad na pumunta nang Baguio sa unang pagkakataon. Nagplano silang magbakasyon bago Pasko pero nagkatrangkaso si Tatay tapos nagka-bronchitis. Na-postpone ang bakasyon nila sa umpisa ng March. This time, hindi ang mga magulang ko ang dahilan kung bakit pinag-iisipan ko ulit ang mga panuto ng puso.

Ang nakababatang kapatid kong si Abigail ang nagpaikot sa ulo ko ngayon matapos niyang inamin sakin last night sa telepono na nahanap na niya ang lalaking mamahalin niya habang-buhay—si Anton, science teacher sa high school na pinagtuturuan niya.

Siguro dahil mas matanda ako, at siguro dahil wala nang mga bituing bumubulag sa mga mata ko, na hindi ko napigilan ang sarili ko at pinag-babalaan siya na maging maingat. Akala ko magiging defensive siya pero tinanong niya lang ako kung na in-love na ba ako before. In-love as in habang-buhay, hanggang kamatayan, walang katapusang klase ng pag-ibig. Medyo madrama ang kapatid ko eh. Sabi ko sa kanya na dapat alam na niya ang sagot dun since kilala niya si Bryan at alam niya ang pinagdaanan namin. Boyfriend ko mula ng college si Bryan pero sa huli, hindi kami nagtagal dahil ayaw niyang tanggapin ang desisyon kung magtrabaho abroad. Hindi sumang-ayon si Abigail. Sabi niya, hindi magandang halimbawa ang relasyon namin ni Bryan sa klase ng pag-iibig na tinutukoy niya. Ayaw ni Bryan na tumayo sa tabi ko habang hinaharap ko ang mga pagsubok ng pamilya ko. At hindi ko kayang isuko ang mga responsibilidad ko para lang pasayahin siya.

Sa huli, naisip ko na baka ganito lang talaga dapat ka-simple ang pag-ibig—ang hangarin ang lahat nang mabuti, masaya at maganda para sa isa't isa.

At hindi ko maiwasang tanungin ang sarili ko kung may pag-asa pa bang mahanap ko ang ganitong klaseng pagmamahal sa labas nang pamilya at mga kaibigan. Kung mahahanap ko ba ito sa isang tao na galing sa napakaibang buhay at nakapakaibang mundo.

"Speaking of napakaibang buhay..."

Pumasok ako sa bahay na naging ibang mundo para sa amin ni David mula nang nahuli niya akong natutulog sa sofa niya two nights ago.

Nung gabing yun, si Diana at David lang kami—dalawang tao na kahit nagmula sa dalawang magkaibang mundo, ay nauunawaan ang isa't isa na parang magkasama na sila nang matagal na panahon.

May kinakanta ako nang pumunta ako sa kusina kung saan ako palaging nagsisimula. Natigil ako sa chorus nang nabasa ko ang nobelang sinulat ni David na nakadikit sa refrigerator.

Weather forecast says there won't be a snowstorm to keep you here but I hope you'd stay for dinner with me.

I'll be home 5:30PM sharp.

You know I don't cook so we can go somewhere nice.

Or, if you're up for it, you can fulfill that promise to cook me something. We can shop for supplies.

Hope you're still here when I come home.

-David

So walang snow ngayong gabi, walang dahilan na magtagal ako rito pagkatapos kong maglinis. Pero gusto ni David na maghintay ako para makapag-dinner kami. Kumain man sa labas o mamili ng grocery para makapagluto kami, kahit ano, game siya.

Kahit Nasaan Ka ManTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon