Maraming tao ang sasang-ayon na kahit planuhin natin ang buhay natin, minsan, may sariling plano ito para sa atin.
Tinigil ko ang paghabol ko sa mga pangarap ko nang nagdesisyon akong magtrabaho sa kabila ng mundo para sa pamilya ko. Akala ko, pagkatapos nun, makakabalik ako sa dating buhay ko na parang kasing dali lang nang pagsuot ng lumang T-shirt. Pero kahit na nag-iba ang mga plano ko, mukhang nakatadhana parin akong mahanap ang lalaking mamahalin ko buong buhay ko sa iba at malayong bansa. Hindi ako sigurado kung nag-iba nga ba talaga ang mga plano ko o ito talaga ang landas na lalakbayin ko at ang lahat ng ito ay simpleng pagtupad lang nang nakatadhana.
"Diana, kamusta ka na?" May sigla sa tanong ng bank teller sakin habang palakad ako sa counter niya. "Ang tagal na ring hindi kita nakita."
Ngumiti ako kay Maricris. "I know. Halos lahat online ko na ginagawa nang mga nakaraaang buwan. Mahirap kasing lumabas ng bahay at pumunta nang kung saan-saan."
Tumawa lang si Marciris dahil alam niya ang situwasyon ko nang nakaraang ilang buwan. "Mabuti naman at kahit papaano nabibisita mo rin kami dito sa branch. Ano bang kailangan mong gawin today?"
Sa sobrang excitement, kinuskos ko muna ang mga kamay ko bago ko inilabas ang bank card ko. "Magpapadala ako ng pera sa Pilipinas—may trip kasing pinaplano ang buong pamilya ko."
"Talaga? Saan sila pupunta?"
Abot tenga ang ngiti ko. "Dito sa Canada."
"Wow! Magandang balita yan, Diana! Siguradong napa-excited nila ngayon!" sabi ni Maricris na napangiti rin. Dumating sa Canada ang asawa at dalawang anak niya nung nakaraang taon kaya alam niya ang nararamdaman ko.
"Talagang excited. Bibisita lang sila pero dito sila magpa-Pasko," sabi ko bago ko kinuwento sa kanya ang pinag-usapan namin sa telepono nang nakaraang ilang gabi. Nagsiksikan ang buong pamilya ko sa telepono para makagatong sa usapan habang nagpaplano silang lahat nang sabay-sabay. "Excited si Nanay na makakita ng snow sa unang pagkakataon. Si Abigail, gustong pumunta sa lahat ng mga malls. Si Luis, gustong subukan ang lahat ng mga bagong pagkain. May suspetya ako na magiging busy kami ngayong holidays."
Habang kinukumpleto ni Maricris ang global money transfer ko, kinuwentuhan niya ko ng mga first experiences ng pamilya niya nang dumating sila ng Canada. Hindi ako nahirapang ma-imagine ang magiging reaksiyon ng pamilya ko once madiskubre nila ang lahat nang kakaiba ang bagong mga bagay dito sa Canada.
Bago ako umalis, tumigil ako sandali at binigyan si Maricris ng huling ngiti. "Naalala mo ba mga ilang taong nakaraan nang dumating ako rito na halos mawawalan ng bait dahil nagka-stroke si Tatay?"
Tumango lang si Maricris.
"Sinabi mo sakin na magiging maayos rin ang lahat," pinaalala ko sa kanya. Siya ang unang taong nagsabi sakin nun ng araw na yun nang nagising ako sa masamang balita. "At oo, mahirap paniwalaan ang payo mo ng araw na yun pero tama ka. Naayos rin ang lahat sa huli."
Nasa mga labi ko parin ang ngiti ko ng lumbas ako ng CIBC. Lumawak lang ang ngiti na yun habang lumakad ako papunta sa kabilang dulo ng parking lot.
Nakatayo si David sa tabi ng silver naming SUV, guwapo sa mga mata ko habang suot ang mahaba at gray niyang overcoat at dark blue na scarf. Kahit tapos na ang summer, may mga light parin na streaks sa buhok niya na medyo mas mahaba ngayon kesa nakasanayan niya. Ang tahimik, mahiyain at seryosong David ay nandoon parin pero may kagaanan na sa ugali niya nitong nakaraang mga taon. Mas madalas siyang ngumingiti at tumatawa ngayon. Sa eksaktong sandaling ito ay humahalakhak siya habang sinusubukan siyang yakapin sa leeg ng maikli at chubby na mga braso.
BINABASA MO ANG
Kahit Nasaan Ka Man
RomanceMaraming pangarap si Diana Robles-at hahabulin niya rin ang mga ito pagkatapos niyang tuparin muna ang pangarap ng pamilya niya. Halos tatlong taon siyang nagsipag sa Canada para patapusin ng college ang mga nakababata niyang kapatid. Ngayong abot...