Introduction

127K 1.9K 389
                                    



Alam na siguro nang marami sa inyo na ipinanganak at lumaki ako sa Pilipinas.

Tadhana at pag-ibig ang nagdala sa akin sa Canada maraming taon nang nakalipas.

At gaya nang ibang Pilipinong malayo sa sariling bayan, alam ko na nanatiling matatag ang kaugnayan natin kahit nandito man tayo sa kabilang dulo ng mundo. Kahit anong mangyari, pamilya parin ang pamilya at gagawin natin ang lahat nang makakaya natin para sa kanila.

Isinulat ko ang kuwentong ito in partnership with CIBC dahil isa itong kuwento na nauunawan ko. Isa itong kuwentong magiging bahagi ko panghabang buhay dahil sa maraming paraan, pinagdaanan ko rin ito.

Matapos akong permanenteng lumipat sa Canada, naging prioridad ko ang siguraduhing patuloy akong makakatulong sa pamilya ko. Hindi madali o mura ang pagbalik-balik nang dalawang bansa. Ang nagpagaan lang ng loob ko ay ang kakayahan ko na umabot ng tulong na makakarating sa kanila kaagad kahit na napakalayo ko. Regular akong nagpapadala ng tulong at napakaimportante sa akin na maging maingat ito, madaling gawin at mabilis makarating sa pamilya ko.

Isinulat ko rin ito sa pag-asang maipakita ko iba ang riyalidad nang marami sa atin. Sana makatulong ito sa inyo kahit papaano—na paikliin ang mga oras at paliitin ang lupa at karagatan na naghihiwalay sa atin sa mga mahal natin sa buhay.

Tayong mga Pilipino ay kilala dahil sa maraming bagay.

Para sa akin, ang pagpapahalaga natin sa pamilya ang dapat numero unong dahilan.

Ito ang nangunguna sa sariling lista ko—at syempre, sinusundan ito ng karaoke. =)

  =)

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.
Kahit Nasaan Ka ManTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon