Pagkatapos nang maikli pero nagpapanik kong tawag kay Abigail tungkol sa kondisyon ni Tatay, dumeresto ako sa bangko na para bang may sunog.
Ako ang unang customer nila ng umagang yun. May nahalata siguro ang bank teller ng CIBC sa mukha ko dahil tumigil siya ng sandali sa pagpa-process ng global money transfer ko at tinanung ako kung OK lang ba ako. Si Maricris ulit ang teller na tumutulong sakin. Siya rin ang nagsabi sakin ilang buwang nakaraan na masuwerte ang mga magulang ko sa akin nang pinadalhan ko sila ng anniversary gift.
"Nagka-stroke si Tatay," sagot ko, ang boses nanginginig nang konti. "Marami silang ginagawang tests at mino-monitor nila ang kondisyo niya. Pero hindi pa nila masabi kung may mga kumplikasyon."
Hindi ko napansin ang luha ko hanggang pumatak ito sa counter. Pinahiran ko ito kaagad, nagbuntong hininga ang pinilit ang sarili ko na ngumita kay Maricris.
Inabot niya sakin ang box ng tissue at kahit na nahiya ako nang konti, tinanggap ko ang tulong niya.
"Mahirap paniwalaan ito ngayon pero maging matatag ka. Magiging maayos rin ang lahat."
Siyempre, magiging maayos rin ang lahat—kailangan nilang maging maayos.
Pero hindi ako mauupo at maghihintay lang hanggang mangyari yun. Kailangang makita ng dalawang mata ko na okay ang pamilya ko.
May nakaplano na akong bakasyon ng isang buwan sa Pilipinas—matagal ko na tong naschedule para ma-timing sa graduation ni Luis sa katapusan ng Marso. Ni minsan hindi ako nagbakasyon sa halos tatlong taon kong pagtatrabaho rito sa Canada kaya excited akong makauwi. Dalawang linggo pa bago ako dapat umalis. Pero hindi ko kayang maghintay at mag-alala ng dalawang linggo. So tinawagan ko ang airlines para alamin kung magkano ang kailangan kong bayaran para ma-reschedule ang flight ko. Gusto kong subukan kahit papaano na makauwi nang mas maaga. Hindi ko napigilang ipaliwanag ang sitwasyon ng tatay ko sa agent sa telepono, at kung bakit desperado akong makauwi kaagad. Sa awa ng Diyos, hinayaan ako ng agent na baguhin ang flight ko nang libre. Pagkatapos nun, kinausap ko si Dolores at Marilou dahil alam kong maapektuhan ang cleaning schedule nang buong staff sa biglaan kong pag-alis. Pero tinawagan nila ang mga katrabaho ko at nagtanong kung sino ang puwedeng mag-cover sa mga shifts ko. At dahil nauunawan nating mga Pilipino ang sitwasyon ng isa't isa sa mga panahong tulad nito, maraming nag-volunteer na tulungan ako. Umiiyak akong nagpasalamat at niyakap sina Dolores at Marilou bago ako umalis.
Bumalik ako sa apartment at nagsimulang mag-empake. Isinantabi ko sa iba't ibang envelope ng perang nilaan ko para sa mga bills na hinahati naming anim na mag-roommates. Si Helen na ang bahalang mag-abot ng parte ko pagdating ng due date.
David.
Siya ang nasa huli ng listahan ko—hindi dahil sa hindi siya importante. Nasa huli siya dahil siya ang magiging pinakamahirap iwan.
Mabuti na lang at out of town siya para sa isang conference sa Toronto at hindi siya makakabalik hanggang sa katapusan ng linggo. Yun ang dahilan kung bakit hinabaan namin ang panahon naming magkasama kagabi at kung bakit niya nilantad ang intensyon niya para sa aming dalawa. Akala namin magkakaroon kami ng pagkakataong mag-isip sa ilang araw naming magkahiwalay—na may panahon akong pag-isipan kung ano talaga ang gusto kong mangyari.
Pero hindi niya ako maabutan.
Hindi ko siya mayayakap o mahahalikan mang lang bago ako umalis.
Puwede ko siyang tawagan sa cell niya pero ayaw kong itambak sa kanya ang ganitong klaseng masamang balita. Mag-aalala lang siya habang sinusubukan niyang magtrabaho sa malayo. Ayaw kong gawin sa kanya yun. Hindi niya ito krus na dapat niyang pasanin—akin lang ito.
BINABASA MO ANG
Kahit Nasaan Ka Man
RomanceMaraming pangarap si Diana Robles-at hahabulin niya rin ang mga ito pagkatapos niyang tuparin muna ang pangarap ng pamilya niya. Halos tatlong taon siyang nagsipag sa Canada para patapusin ng college ang mga nakababata niyang kapatid. Ngayong abot...