Hindi ako puwedeng magpabulag-bulagan na hindi ko siya nakikita dahil walang taong hindi makakapansin kay David—sa kulay ng blonde niyang buhok, sa maputi niyang balat at sa height niya na mas halata sa baba ng kisame namin sa sala. Pero kahit subukan ko pa, hindi ko maalis ang mga mata ko sa kanya, lalo na habang nagtatalon ang puso ko sa tuwa matapos ang mahigit isang linggong hindi kami nagkita.
Dahan-dahan siyang tumayo, may ngiti sa pagod niyang mukha. This time, hindi niya suot ang formal business suit niya na nasanayan kong makita sa kanya. Nakasuot siya nang simpleng blue na T-shirt at maong na pantalon. Halos hindi mo siya mapagkakamalang abogado. Parang bumata siya nang maraming taon, kahit ang ngiti sa mukha niya magaan.
"Hello, Diana," bati niya sa usual na tahimik niyang paraan. Kumunot ang noo niya na para bang hindi niya alam kung paano ako magre-react.
Napansin rin ni Nanay na hindi pa ko kumikibo at pumalakpak siya para makuha ang atensyon naming lahat. Nagsalita siya—in English—ang Tagalog accent nandoon pa rin at medyo self-conscious nang konti. "Well, now that everyone's here, we can have dinner. I made Diana's favorite dishes which David told us are also his favorites. You will have to stay and join us, David."
Mas matangkad ako kay Nanay ng four inches pero hindi siya nahirapang mapa-oo si David na six-feet tall. Nag-cheer ang mga kapatid ko—si Luis nagrereklamo na kanina pa siya nagugutom at si Abigail binangga ako ng konti sa braso at binigyan ako ng ngiti na puno ng kahulugan bago siya pumunta sa hapag-kainan.
Tinuro ni Nanay si David sa silyang katabi ko bago kami lahat nagsiksikan sa palibot nang maliit naming mesa. Si Luis nanghiram pa ng stool galing sa kabilang kuwarto para makaupo kasama namin. Hindi naka-set nang pormal ang mga kubyertos at nagtaka ako kung ano ang iisipin ni David pag napansin niya na hindi kami gagamit ng dinner knives kung di kutsara at tinidor lang. O kung minsan, ang iba samin ay kakain nang nakakamay lang. Talagang casual ang 'casual dining' dito sa Pinas. Si Abigail ang nag-lead nang maikling panalangin bago sumabog ng usapan sa mesa at nagsimula ang lahat na kumain.
"Don't be mad at me," bulong ni David nang tumagilid siya sa direkyon ko habang inaabot ang kanin.
"I'm not mad at you," sagot ko kasama ang iling ng ulo ko. "I'm just not sure if this is a dream."
Sa ilalim ng mesa, hinawakan niya ang kamay ko at pinisil ito nang konti. "It's not a dream, Diana. I'm really here."
Nabigla ako, yes. Pero hindi ako galit. Hindi lang ako makapaniwala na sinundan niya ko sa Pilipinas.
Dahan-dahang bumalik ako sa normal, ngayong walang duda nako na nadito talaga si David kasama ko. Magaan at masaya ang usapan ng pamilya ko kay David at kahit na kinailangan nilang mag-English, hindi sila tumigil nang kakakuwento sa kanya tungkol sakin, lalo na nang lumalaki ako. Kahit hindi makapagsalita si Tatay, may ngiti sa mga mata niya habang nakikinig samin.
"You know I love your cooking," bulong ulit ni David sakin nang patapos na kaming kumain. "But your mother's cooking is waaaaay better."
Tumawa ako at nawala ang kung anumang natira na shock ko sa biglaang paglitaw ni David. Ngumiti lang siya sakin, ang floursecent na ilaw sa hapag-kainan namin maaaninag sa mga asul niyang mata.
"Let's go walk in the backyard," sabi ko kay David matapos kaming maghapunan at hindi kami pinayagan ni Nanay na tumulong magligpit. Hindi ko pinansin ang mga tumutuksong ngiti nila ni Abigail at sinamahan si David na maglakad patungo sa bakuran namin. Maliit lang ito na parte ng lote namin, may konting damo at may simpleng bakod gawa ng kawayan. Walang ginaw sa hangin at puno ang langit nang nagkikislapang mga bituin.
BINABASA MO ANG
Kahit Nasaan Ka Man
RomantizmMaraming pangarap si Diana Robles-at hahabulin niya rin ang mga ito pagkatapos niyang tuparin muna ang pangarap ng pamilya niya. Halos tatlong taon siyang nagsipag sa Canada para patapusin ng college ang mga nakababata niyang kapatid. Ngayong abot...