Chapter 10-Sunny's Punishment

91 12 1
                                    

(Taeyeon)




"Sunny!" Malambing na tawag ni xiumin kay Sunny.

Subukan nya lang pansinin. Naku! Dadagdagan ko talaga punishment nya.

[Sunny's Punishments: 3 months, paying 1k everyday. cleaning the HQ. Yung amin lang. cellphone and internet or any other wireless connection grounded. the most is avoiding Xiumin.]

ok na yun.. medyo madali lang.. hindi na namin binigatan gaano ni Seohyun ang parusa.

Lumapit si Xiumin kay Sunny "sunny naman.. kausapin mo na naman ako ako, please.." Hindi nya pinansin. Buti naman.

"XIUMIN, pwede mag-adjust muna tayo sa isa't-isa?" -Sunny.

Ayy. Tsk. Tsk. Pero sige, total last na namang convo nila yan.

"Ano bang problema? Sa rule nyo? Hindi ko naman kinuwento sa iba eh."

"Oo. Pero kahit na, Kaya please Xiumin, 'wag muna tayong magpansinan."

"Pero hindi ko kayang hindi ka makita sa araw-araw. Hindi ka nga pumasok ng 1 week, hindi kita matiis. Narereceive mo naman siguro yung text ko diba? OK lang kahit hindi ka nakakareply, baka wala ka lang sigurong load. Yung mga calls ko ba? Alam mo? Baka lowbat lagi cellphone mo kaya hindi kita ma-contact. Hindi ako mapakali nun. Nag-aalala ako, paano pa yan kung 3 buwan."

Yumuko sya at nagsalita, "Kung talagang mahal mo ko," paused. sigh. "Kakayanin mong magtiis at maghintay." Naiyak na sya. Inangat na nya ang ulo nya, "Mahal mo naman ako, diba MINE?" Tumango naman si Sunny.

"Mahal kita, MINE. Kung yan ang gusto mo, ok. naiintindihan ko. Pero tandaan mo, hihintayin ko yung araw na pwede na," Nagyakapan sila.

Mahal nila ang isa't-isa..



*Sa pinagtataguan namin*

"huhuhu" sino naman kaya itong nasa tabi kong humahagikgik pa sa kadramahan?

"Yoong?!" Nakita ko syang sumisinga sa panyo nya. Umiiyak sya?

"Sira ka talaga, Yoona. Bakit ka naiyak? Hindi naman ikaw sina Sunny, ha?" Sabi ni Sooyoung habang kumakain ng burger. "Hoy! Sinabi ko bang kumuha ka?" Sermon ni Sooyoung kay Yoong na tumapyas sa burger nya..

"Bakit ba? Malungkot ako, eh. huhuhu" Sabi ni Yoong habang umiiyak at nilalantakan yung tinapyas nyang burger ni Sooyoung na kinuha nya.

"Wala talagang forever.. huhuhu" Isa pa itong si Yuri. Iyak.

"Tumigil nga kayo.. Andrama nyo!" Sermon ko sa kanila.

"Kawawa naman kasi si Sunny eh." Si Yuri umiiyak parin. Trip nya talagang umiyak.

"Sorry na, mga Unnie." Paumanhin ni Maknae.

"Hindi mo kasalanan." pag-ko-comport ni Jeasica.



Napaisip ako bigla, ano kaya kung sa kin yan mangyari? Kaya ko ba? Mas mahirap yan para sa kin lalo na't ako ang leader.Ako rin ang gumawa ng rule. Kakayanin ko. Para sa group. Uunahin ko muna ang career ko. Sana lang talaga ay makaya ko.



"Taeyeon!" Nagulat naman ako sa tumawag sakin. Syempre yung crush kong si Ken.

Hala! Bakit nga pala ako tinawag nito? Eh hindi naman kami close ha?

"baekhyun! Ay. E-Hello?" Bati ko dito tapos nagbow. ewan ko pero parang nagblush ako.

"Ah.. Kasi.. Pwede ka bang sumali ka sa group namin sa gagawing cake?" Tanong nito sakin. Hindi sa ayaw ko pero kasi wala na bang iba? Si Y- ay. May ibang grupo na pala yun. Tulad ko. Eh mahal ko bestfriends ko eh kaya.

"Pwede bang tumanggi?" Tanong ko dito kahit gustong-gusto kong sumali.

"Ah.. Ikaw bahala. Tatanggi ka ba" Sabi nito.

"Pasensya ka na ha? Ano kasi eh. May ka-grupo na ko. Sorry talaga." Sagot ko dito.

"Ok lang. Sige. Alis na ko ha?" Paalam nya at pumunta ito sa papa nyang naghihintay sa kanya. Principal ang papa nya ng school namin. Ang gara no? Mana si Baekhyun sa kanya ang gwapo nila pareho. Pero si Baekhyun ang gusto ko. XD

"Eonnie!"

"Sunny!"

"Ano yun? Anong pinag-usapan nyo?" Tanong nito sakin.

"Ah.. Gusto akong isali sa group nila sa paggawa ng cake. Eh may kagrupo na ko kaya tinanggihan ko." Sagot ko naman.

"Ah.. Akala ko kasi.." Suspense-__-

"Ano?" 

"Wala. Nevermind."



***

Sunny's POV

Nakita ko si Sunny na kausap si Baekhyun. Akala ko kung ano na eh. Pero ayon sa kanya tungkol lang yun sa paggawa nila ng cake.

Pumunta kami sa Canteen matapos mag-usap. At complete kami ngayon. Nagpalibre sila sakin ng lunch. Nagreklamo ako dahil don pero sabi nila may punishment daw kasi ako eh. Kaya ayun. Sinunod ko na. Baka madagdagan pa eh. Sa totoo lang.. Nahihirapan ako. Lalo na ang iwasan si Xiumin. Nadudurog yung puso ko sa mga sinasabi at ginagawa ko sa kanya. Napaka-wrong timing talaga.

"Sunny!"

"UY! Sunny!"

"HELLO?" Tapos may kumaway sa harap ng mukha ko.

"O bakit nanaman Yoong?"

"Kakainin mo pa ba yan?" Tanong nito saka turo sa Pancake ko. Hindi pa ba to nakuntento sa free treat ng foods ko sa kanila? Tss. Takaw!. XD

"Sige na nga. Nakakawalang gana eh." Pagpaparinig ko. Tapos agad nyang nilantakan ang Pancake ko.

The Rule You Must Follow [ExoShidae]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon