Chapter 13: The Contest is really beginning

98 15 6
                                    

A/N: Dedicated to: luyoonismystyle07 :) Hi po!
Saka dedicated din po ito sa lahat ng #LuYoonShippers<3 sana okay lang 'tong chapter nila. Hehe.
At comment po kayo ng reactions niyo about LuYoon. 'Yong mas gusto niyong partner kay Yoong. Kahit anong reactions lang. Yes, kahit violent reaction xD Gusto ko lang po malaman. Hehe. Yun lang, Kamsahamnida! ^___^
--

Yoona PoV

Lahat ng mga estudyante ngayon dito sa school ay sobrang excited na. Bakit? Kasi ngayon na ang contest! Yiii~ kaming mga magpe-perform, excited na rin. For sure na ang win namin. Kami pa ba? Tatak SNSD yata 'to! Whahaha!

"Ladies and gentlemen. The time has come. The battle for the best male and female group in K-Pop world. In our university. So guys, Here we go! " panimula ng Emcee. Dumadagundong ngayon dito sa Activity Center dahil sa sobrang dami ng mga taong naghihiyawan. Lalo na nung isa-isa ng lumabas ang bawat contestant. Unang lumabas ang BTS, haha! Naalala ko tuloy yung nag-abot ng bulaklak sakin last time. Si pogi? Jungkook yata name nun eh. Hahaha! Next yung BigBang, Nandyan si Crush ko. Si GD, ayieee~! Hihihi. Teka nga muna? Bakit.. Nandito ang.. Suju? Ibig sabihin.. Nandito rin sya? Ay shit! Nandito nga. Tsk! Tsk! Hay.. Hayaan na nga yun. Pagkatapos nila sumunod na yung iba. Infinite, SHINee, Seventeen at marami pan iba. Grabe ang ingay sa buong campus. Lalo na nung tinawag ang..

"Exo! " pagkatawag sa group nila halos magwala yung mga estudyante pati mga teachers yata. Lakas talaga ng impact nila sa audience eh.

"And now, please welcome. The female group performers!" wala paring tigil ang mga estudyante sa paghiyaw. Unang tinawag ang 2ne1, next ang Miss A, tapos Apink saka Red velvet at 4minute At sa wakas, tinawag na rin kami. "Here's our goddesses, Girls'Generation! " At nagsimula nanaman silang humiyaw. Nakaka-proud lang na marami kayong supporters na nagpapalakas nh loob nyo. Na nagiging inspirasyon namin.

Nang tawagin na ang bawat groups para sa isang performance. Nagsimula nanamang yumanig ang malakas na sigawan at hiyawan ng mga tao.

Nagsimula ng magperform ang bawat grupo. Ang inaabangan ako naman ang EXO. Makikita ko si Sehun. Sigurado akong magaling sya! At hindi nga ko nagkamali.

[NP: Growl by Exo]

Habang tumutugtog yan at sumasayaw ang Exo, sumasabay ang mga fans nila. Tinitignan ko si Sehun. Ang gwapo nya. Pero pag si Luhan na ang nasa gitna, bakit parang napapahinto ako? Ewan ko parang mag-i-slow motion? Tapos parang hindi ko marinig yung ingay? Omo! Maldo Andwae! Aniyo! Aniyo! Erase, erase! Ano ba 'tong iniisip ko? Nababaliw na yata ako.

"And for the next performers.. Please welcome, the first famale performers. The goddesses.. Girls' Generation!" ay pusa! Ano ba 'to! Hindi ko namalayan na malapit na pala kami. Kumaripas tuloy ako ng takbo para umabot. Hay.. Buti na lang umabot ako.

"Yoong? Anyare sayo? Hagard ka na, oh!" sabi ni Taeng.

"Okay lang 'yan. At least maganda parin. Hahaha!" pucha! Nagawa ko pa talagang biro. Kailangan ko mag-retouch!

"Tara na, Yoong. Maganda, promise!" Sabi ng pinakamamahal kong Yul.

"Aww. Sige na nga.. Maniniwala na ko.." tapos ayun pumesto na kami. Grabe! Andaming nagchi-cheer samin. Hahaha!

[NP: I Got A Boy by SNSD]

"Ayo GG!"

Okay. Focus! Nag-start na.

Habang sumasayaw, tinatanaw ko sa audience si Sehun. Kaya lang hindi ko sya makita. Teka? Si Luhan? Pinapanood kami? Wait nga! Bakit? Parang.. Nakatitig sya sakin? Putek! Baka magkamali ako. Umiwas nga ko ng tingin. Tapos sinilip ko ulit sya. Wala na sya sa pwesto nya? Asan na 'yun? Hay.. Guni-guni lang siguro 'yun.

The Rule You Must Follow [ExoShidae]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon