Chapter 22: Saved By Your Love

97 13 2
                                    

Continuation of Chapter 21.

Baekhyun's POV

"Bacon Pizza, pleaseee.." napatingin kami sa isa't-isa atsala nagtawanan dahil pareho nanaman kami ng order.

"Bacon,"

"Bacon,"

"Baekhyun!"

Nagising ako sa mga naririnig kong tumatawag sakin.

Idinilat ko ang mga mata ko at una kong nakita ang mga kulay puti.

Teka? Nasa langit na ba ko?

Una kong nakita ang mukha ni Taeyeon. Grabe! Kamukhang-kamukha niya si Goo.

Totoo bang nasa langit na ko? Nandito siya at nakaputi rin. Patay na ba kami?

Unti-unting lumilinaw ang paningin ko. Nakikita ko na ang mga nasa paligid ko.

"Anak, ayos ka na ba? Anong nararamdaman mo?" tanong sakin nina Mom at Dad.

Patay na ba sila? Bakit nandito rin sila?

Inilibot ko ang tingin ko sa paligid.

Pucha! Nasa ospital ako? Hindi pa ko patay? "Ayoko dito." sabi ki sabay tayi pero binalik ako ni Mom sa pagkakahiga.

"Magpahinga ka lang." sabi niya.

Tinignan ko si Taeyeon. "Mabuti naman at ayos ka na. Magpagaling ka ha? Sige, aalis na ko." akmang tumalikod na siya at hinawakan ko yung kamay niya.

"Goo.."

Humarap siya sakin ng may mga luha. Pero halata mong gulat siya. Bakit? Siya naman talaga yun ah?

Pinigil ni Dad yung kamay ko. "Aalis na siya. Hayaan mo na." sinamaan ko ng tingin si Dad.

"Baekhyun.. Aalis na ko, please.." pakiusap niya pero di ko parin binitawan. Lalo ko pang hinigpitan dahil nagpupumiglas siya. Hinila ko siya para mayakap ko siya. Matagal na panahon na. Miss na miss ko na ang Goo ko.

"Baekhyun.. Ano ba? Bitiwan mo ko."

"Miss na miss na kita, Goo. Hindi mo na ba ko naaalala?" sabi ko saka kumalas sa yakap at hinawakan ang mukha niya. Tinitigan ko siya. "Ako 'to, si Bacon mo."

Hinawakan niya yung kamay ko saka inalis 'yun sa mukha niya. "Wala akong. Maalala. Sino ba si Bacon?"

"Nagsisinungaling ka lang di ba?"

Umiling siya tapos tumulo nanaman yung luha niya kaya pinunasan ko 'yun gamit ang hinlalaking daliri ko. "Alam kong nagsisinungaling ka lang."

"Baekhyun.. Wag mo na siyang pilitin." sabi ng sinungaling kong ama.

"Dad, wag ngang makialam."

"Baekhyun.. Hindi kita tinuruang sumagot ng ganyan sa Daddy mo."

Hindi ko na sila pinansin dahil kay Goo lang ako nakatingin.

"Aalis na ko." sabi niya saka naglakad na paalis.

"Ganon ba yun, Goo? Iiwan mo nanaman ba ko? Goo!" tawag ko sakaniya pero di siya lumingon.

--

@ Bahay

Nakauwi na kami dito. Sinabi ko na kasing iuwi na ko. Hindi ko na kailangang magpa-confine sa ospital. Ayoko don.

*knock knock*

"Pasok."

Bumukas yung pinto. Nakita ko si Wendy na may dalang tray na may pagkain.

The Rule You Must Follow [ExoShidae]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon