Chapter 12- Nakakairita

107 14 6
                                    

Yoona's POV


 3 weeks na kaming nagpapractice. Grabe! Malapit na ang Semi finals. Excited na ko.


Nagpapractice kami ngayon ng girls nang dumating si Ma'am.

"Girls. Get ready dahil namove ang date ng laban. Sa next next day na. Galingan nyo." Sabi nito saka nagpaalam.

Kami naman hindi na nagulat dahil tapos na naman namin at konting linis na lang.

"Yoona!" Agad kong nilingon ang tumawag sakin. Si Sehun!~

"Sehun!" Masayang bati ko dito. Kasama nya pala si Sungit. Bestfriend nya. Lagi nyang kasama eh.

"LUHAN!" Pasigaw na bati ni Ppayang kay sungit. Teka? Nagka-usap na ba sila? Eh bakit hindi nya pinansin ang eyesmile ni Ppayang? Sayang effort.

"Yoona. Gutom ka na ba? Kain tayo." Syempre naman no! Kailan ba ko tumanggi sa pagkain. NEVER!

"Sama ako Yoong." -Ppyang.


Pumunta kami sa Canteen at Kumain. Naabutan ko sina Chanyeol at Seohyun na nag-uusap. Wala namang ibang tao kaya ok lang atsaka magkaibigan lang naman sila eh.

Tinabihan namin sila. Mahaba ang table at kasya ang sampu.

"Eonnie! Anong ginagawa nyo dito?"

"Kakain lang kami Maknae." Sabi ko. Nag-ahh.. atsaka nag-ok sign.

Inorderan kami ni Sehun. Habang si Ppayang Kinikulit itong masungit kong katabi.

"Luhan. Huy! Luhan!" -Ppyang.

"Ang ingay mo. Tumahimik ka nga." -Luhan.

"Ang sungit mo talaga!" -Ako.


Napansin ko naman yung nasa likod naming table na nagtatalo tapos nagtatawanan.


"SOO!" Tawag ko kay takaw. Tumingin naman sila habang naka-froze na hawak-hawak ang isang pagkain sa kanan at papel sa kaliwa na pinag-aagawan ni..

"LAY!"

"Anong ginagawa nyo?" Nagtatakang tanong ni Sungit.


"Akin na nga." Bulong ni Soo.

"Hindi. Akin na. Bitaw." Bulong naman ni Lay.


Dahil nga sa napilitan si Soo. Bumigay rin sya kay Lay.


Imposible 'to?! Si Soo ang bumigay?! Pagkain? Igi-give-up nya?!


"Report lang namin." Sabay taas ng kaliwang kamay ni Lay habang pinapakita yung papel. "Pagkain nya." Sabay kagat nung nasa kanang kamay nya.

Si Soo nag-pout. Pero inabutan sya ni Lay ng kalahati nung kinain nya. Bigla nalang ulit nagningning yung mata ni Soo. Kung posible nga yun.


"OK.. Kain na!" Sabi naman ni Sehun. Dala-dala na nya yung mga foods. Ako rin.. Halos magningning ang mata sa mga in-order nya! Grabe ang galante naman nitong si Sehun sakin.


Agad kong nilantakan yung mga pagkain. "Grabe!~ Ang sasarap nito!" Napangiti naman sakin si Sehun. Katabi ko sya ngayon.

"Wait. May kanin." Sabi nito sakin at tinanggal yung isang piraso ng kanin sa gilid ng bibig ko.

My feelings! Grabe! Baka mabigyan ko ng meaning yung mga ginagawa nya!

Si Ppayang naman nakatingin kay Luhan na mukhang ewan yung muhka. Tss. Hindi ko talaga alam kung anong nasa-isip ng taong 'to. Pero si Ppayang parang may gusto kay sungit?

Bigla namang nabulunan si Ppayang kaya inabutan sya ng tubig ni Luhan. Tss.

"Oh. Uminom ka rin Yoona ko. Baka mabulunan karin nyan eh." OMG! Sehun! I really like you na!

Kinuha ko yung tubig at ininom. Pagkatapos ay inabutan nya ko ng panyo nya. How sweet!~




Luhan's POV

Nakakapagtaka si Sehun simula ng makilala nya si Maingay na Matakaw na Payatot. Yoona ko? Hindi pa nga sila eh. -__- Saka bakit ang sweet nya? Evil Maknae namin yan eh. Anong nangyari? Tinamaan na talaga sa maingay na matakaw na payatot na 'to ang bestfriend ko.

Pero sa totoo lang. Nakakairita silang dalawa! Tss.

The Rule You Must Follow [ExoShidae]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon