Chapter 21: Past and Present

80 12 1
                                    

A/N: Ito na po yung karugtong ng BaekYeon Chaptie.
Ramdom na po kada chapter ng book na 'to, kk? Pero bibigyan ko parin sila ng tig-iisang chapter na kanila lang (each #LoveTeam).

Saka pagpasensyahan niyo na po kung magulo saka alam kong may mali dyan. Paki intindi na lang. Haha!

Yun lang.. Enjoy reading ^__^

Loves ko kayo! Mwuah! Tsup! :*

--

3rd Person's POV

Lahat ng tao sa paligid ay nagkakagulo.
























Nagbubulungan 'yung iba.
























Yung iba naman ay nagrerescue na.
























Nawasak yung truck.






































***

"Doc, ano pong balita? Ayos naman po 'yung lagay niya di ba?" tanong niya sa Doktor. Kanina pa siya nadidito. Ilang oras na pero hindi siya umaalis man lang. Sobrang nag-aalala siya.

Dumating ang isang pamilya ng pasyente.

Nanlaki ang mata niya ng makita ang lalaking iyon.

"Doc, kamusta po ang lagay ng anak ko?" nag-aalalang tanong ng mga magulang niya.

Napatingin ang lalaki na Dad ng pasyente sa kaniya. Nanlaki ang mata niya at biglang nag-init ang dugo ng lalaki ng makita siya.

"Ikaw nanaman?! Hindi ba sinabihan na kitang layuan mo na yung anak ko?" hinawakan niya ang magkabilang balikat nito. At tinitigang mabuti. "Akala ko ba matalino ka? Akala ko nagkaintindihan na tayo? Tignan mo 'tong ginawa mo sa anak ko? Ikaw nanaman ang dahilan nito!!" hindi na niya napigilan ang sarili ng na higpitan angbpagkakahawak sa balikat niya. Hindi na niya nagawa pang lumaban dahil iniisip niya na siya naman ang dahilan non.

NANAMAN.


















--



























































Taeyeon's POV

Kaharap ko ngayon ang taong kinatatakutan ko. Ang taong nag-utos sakin na layuan na yung anak niya. Ang taong galit na galit sakin.

And totoong Dad ni Baekhyun.

Muli ko nanamang naalala yung mapait na pangyayari dati.

Hindi ko naman alam na mangyayari yong dati eh. Na masasagasaan ng kotse si Bacon. Hindi ko yun gusto. Walang may gusto non. Niligtas niya lang ako kaya nangyari yon. Sana nga ako na lang yung naaksidente eh. Pero tapos na. Nangyari na.

Pero hindi ba nila naisip na hanggang ngayon dala-dala ko yung sakit? Na dala-dala ko yun sa konsensya ko? Mahirap. Pero sinunod ko sila. Oo, sinisisi ko yung sarili ko. Sa loob ng almost seven years, umiwas ako. Hindi na ko nagpakita pa. Araw-araw sinisisi ko yung sarili ko. Gusto ko siyang kamustahin pero wala akong magawa. Tinatanong ko sa sarili, kamusta na ba siya? Buhay pa ba siya? Maayos ba na ba ang lagay niya? Ano na bang itasura niya? Naaalala niya pa ba ko?

Hindi ko na napigilang umiyak.

Ngayon, nasagot na yung tanong ko. Buhay pa nga siya. Maayos ang lagay niya. Gwapo pa rin siya. No, mas gwapo pa siya ngayon. Pero bakit hindi niya ko natandaan? All these months na kasama ko siya sa school, sa loob ng klase. Ilang araw niya kong kinulit. Pero bakit Hindi ko naalala na si Baekhyun na pala siya. Bakit ba kasi never kong tinanong ang pangalan niya? Ang alam ko lang ay mahilig siya sa Bacon Flav. Pizza doon sa Pizza House kaya Bacon na ang tinawag ko sa kaniya mula non.

Pero wala na kong paki. Ito na yun.

"Wala ka na talagang nagawang mabuti sa anak ko. Lagi na lang siyang napapahamak. Mabuti at hindi siya natutuluyan. Mabuti at ngayon hindi siya napuruhan." sermon niya pa sakin. Hindi na lang ako umimik pa at baka lumaki lang lalo 'to.

"He's safe po sir. Konting galos lang naman po ang natamo niya. Maayos po ang lagay niya." paliwanag ng doktor.

"Thank God." sabi ng pamilya niya.

Thank you, Lord.

Hindi naman siya natamaan ng truck kanina. Nang maitulak niya ko pareho kaming nakaiwas kaya hindi tumama yung truck samin. Kahit ako ay nagalusan rin. Pero ang pinagtataka ko ay kung bakit hindi nagigising si Baekhyun.

Kinakabahan ako.

"Doc, bakit po parang antagal niya po magising?" curious na ko kaya ako nagtanong. Isa pa, nag-aalala ako.

"Na-shock siya sa pangyayari. Siguro nakaranas na siya dati ng ganito kaya ipina-process  pa yun ng utak niya." paliwanag niya.

"Tama po kayo, nakaranas na siya dati nito. Pero hindi ko parin maintindihan." bulong ko sa sarili ko.

"Daddy. Ginsing na si Kuya." sabi ng kapatid na babae ni Baekhyun na kalalabas lang galing sa loob ng kwarto niya.

Agad namang pumasok ang Dad nila sa loob. Kaya naiwan kami dito ng kapatid niyang si Wendy.

"Ate? Parang kilala kita?" sabi niya atsaka masusi akong tinitigan. "Noona, Ikaw nga! Buti bumalik ka. Namiss na kita." niyakap niya ko. "Sorry Noona. Hindi na kita napansin kanina." kamalas na kami sa yakap. Kahit ako ay namimiss ko ang katarayan nito minsan. Mana siya sakin, minsan lang din. Pero hindi ko siya kayang tignan ngayon. Ako ang may kasalanan kung bakit nandito ang Hyung niya.

"Noona? Galit ka ba sakin? Bakit di mo ko pinapansin?"

"H-hindi sa ganon, Wendy. Eh kasi.. Baka ikaw yung galit sakin dahil sa nangyari sa Hyung mo dati tska ngayon."

Pinaupo niya ko sa gilid katapat ng room ni Baekhyun. Umupo naman ako at ganon din siya.

"Kasalanan ko kung bakit lagi siyang napapahamak. Ang sama sama ko, Wendy.." hindi ko nanaman maiwasang maiyak kaya tinakpan ko ng dalawa kong kamay ang mukha ko tska umiyak.

Naramdaman ko naman yung pagyakap niya sakin saka paghaplos ng likod ko. "Wala kang kasalanan, Noona. Aksidente 'yon."

"Pero hindi naman mangyayari 'yon kundi dahil sakin eh."

"Noona.. Mahal ka lang ni Hyung kaya niya ginawa 'yon.. Stop crying.."




















Bigla namang lumabas 'yong Mom ni Baekhyun kaya nataranta ako at napatayo kamk ni Wendy.























Kinakabahan ako.























Nag-aalala ako.
























Ano bang nangyari?

The Rule You Must Follow [ExoShidae]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon